Yasser Marta wishes to have a date with John Lloyd Cruz, Heart Evangelista

by Rommel Gonzales
Sep 18, 2022
yasser marta in tuxedo
Yasser Marta on continuous work despite the pandemic: “Kasi, lalo ngayon nung nagsimula yung pandemya, nag-e-explore na tayo, nagkakaroon tayo ng mga collaboration with other teams. Kaya ayun, ang laking tulong rin sa amin bilang mga actor kasi mas lumalawak yung nakukuha naming knowledge sa lahat ng mga nakakasama namin..."
PHOTO/S: @itsyassermarta on Instagram

Tampok sina Yasser Marta at Althea Ablan sa "Win A Date" episode ng weekly drama anthology ng GMA-7 at Regal Entertainment, Inc., ang Regal Studio Presents, na ipalalabas sa September 25, 2022.

Gaganap dito si Yasser bilang matinee idol at si Althea naman ang fan na nanalo ng date sa kanyang idolo.

Kaugnay nito, tinanong ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) si Yasser, halimbawang sa tunay na buhay ay sasali siya sa isang win-a-date contest na ang premyo ay date sa kanyang idolo, sinong artista ang pipiliin niya?

Ang isinagot ni Yasser? Si John Lloyd Cruz!

“Puwede ko ba siyang maka-date?” natatawang sabi ni Yasser, na isang tagahanga ni John Lloyd.

Kapag naka-date daw niya si John Lloyd ay hihingi siya rito ng acting tips dahil isa itong mahusay na aktor.

Saad ni Yasser, “Parang, pangarap kong makatitigan si John Lloyd, e.

“Alam mo yun, magtititigan lang kami, parang gusto kong ma-lost sa mga mata niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa babae naman, siguro si... pinaka-crush ko talaga si Heart e,” pagtukoy naman ni Yasser sa Kapuso leading lady na si Heart Evangelista.

Saan niya ide-date si Heart?

Ayon kay Yasser, “Siguro kung kami ni Heart, dun kami sa Paris magde-date!”

Bilang sikat na aktres at celebrity influencer ay madalas si Heart sa mga bansa sa Europe, tulad ng France at Italy.

“Dadalhin ko siya dun... diyan sa may paresan, sa may Banaue,” bawing-pagbibiro ni Yasser.

Ang paresan ay isang uri ng kainan kung saan pares o pair na kanin at karne na may sabaw ang kumbinasyon na kadalasang puwedeng order-in.

Nakausap si Yasser ng PEP.ph, kasabay ang iba pang miyembro ng media, sa Zoom mediacon ng first anniversary ng Regal Studio Presents noong September 7, 2022.

Bukod sa Regal Studio Presents ay napapanood din si Yasser sa primetime series na What We Could Be, kung saan kasama niya sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Habang ang ibang artista ay namumroblema sa kawalan ng trabaho dahil sa pandemya ng dulot ng COVID-19, hindi naman nababakante si Yasser.

Pahayag ng Sparkle artist, “Kasi, lalo ngayon nung nagsimula yung pandemya, nag-e-explore na tayo, nagkakaroon tayo ng mga collaboration with other teams," pagtukoy ni Yasser sa pakikipag-collab ng GMA-7 sa ibang production companies gaya ng Regal, Viva, at maging ABS-CBN.

"Kaya ayun, ang laking tulong rin sa amin bilang mga actor kasi mas lumalawak yung nakukuha naming knowledge sa lahat ng mga nakakasama namin, lalo dito ang gagaling ng mga director,” pagtukoy naman ni Yasser sa Regal Studio Presents.

“Hindi lang siya pang-TV, para rin kaming gumagawa ng pelikula, ganun yung dating. Kasi napakaganda, from the team, sa cast, sa production, sa staff, sa cinematography, sa kuwento, lalo na sa scriptwriter, ang gaganda ng kuwento.

“Kaya ayun kakaibang opportunity sa amin ito.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yasser Marta on continuous work despite the pandemic: “Kasi, lalo ngayon nung nagsimula yung pandemya, nag-e-explore na tayo, nagkakaroon tayo ng mga collaboration with other teams. Kaya ayun, ang laking tulong rin sa amin bilang mga actor kasi mas lumalawak yung nakukuha naming knowledge sa lahat ng mga nakakasama namin..."
PHOTO/S: @itsyassermarta on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results