PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Yasser Marta, wala raw dapat ikahiya kapag naghubad sa pelikula

Yasser Marta, handa na sa daring scenes?
by PEP Troika
Published Aug 15, 2022
yasser marta
Yasser Marta on doing daring scenes: “Siguro kung pam-festival iyan at ilalaban talaga sa iba’t ibang bansa, e, ganun naman talaga ang labanan. Tingnan natin.”
PHOTO/S: Gorgy Rula / @itsyassermarta

GORGY RULA

Sa August 29, 2022 Lunes, na magsisimula ang bagong drama series ng GMA-7 na What We Could Be, na maglulunsad ng love team nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega.

Read: Ina ni Ysabel Ortega, kinumpirmang nanliligaw sa anak si Miguel Tanfelix

Ka-triangle nila rito si Yasser Mata, na lalong gumanda ang katawan dahil sa pilot week pa lang ng bagong feel-good series na ito, may pa-abs na ang Kapuso hunk.

“Pinaghandaan ko rin yung role ko dito, si Lucas. Si Lucas kasi, may mga topless. Topless lang naman. Hindi naman…” napapangiting pakli ni Yasser.

Si Yasser ang tipong walang kiyeme kung paghuhubarin siya.

Ipinaalala namin sa kanya nung nag-audition siya para sa pelikulang Lockdown ni Direk Joel Lamangan. Game siya sa mga eksenang hubaran, na ipinaliwanag sa kanya ni Direk Joel.

Read: Paolo Gumabao pumayag pahawakan ang private part sa movie pero iba ang nangyari

Pero pinigilan siya ng Sparkle dahil ginagawa pa niya noon ang Bilangin ang Bituin sa Langit, at ka-love team pa niya si Kyline Alcantara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi that time, ginagawa din namin yung Bilangin, e. Ang image, parang ang layo.

“Tapos ang partner ko pa, si Kyline. Parang hindi maganda yung outcome, e. Masyado pang maaga nung panahong yun.

“Pero ngayon, tingnan natin. Baka puwede na,” pakli ni Yasser.

Open naman daw siya sa pelikulang may pagka-daring, pero depende raw sa project at kung sino ang magdidirek.

“Siguro kung pam-festival iyan at ilalaban talaga sa iba’t ibang bansa, e, ganun naman talaga ang labanan. Tingnan natin,” dagdag niyang pahayag.

Wala raw dapat ikahiya si Yasser sakaling mapapahubad siya sa isang pelikula.

“Proud to be Portuguese-Pinoy. O, di ba?” pilyong pahayag ni Yasser.

JERRY OLEA

Mabuti at ipinagpaliban for two weeks ang pilot episode ng What We Could Be, kaya lampas na sa Ghost Month ang pag-uumpisa nito.

Ang una kasing napabalita na pag-uumpisa nito ay Agosto 15, na siya ring pagsisimula ng Mars Ravelo’s Darna — kung saan kasama sa cast si Paolo Gumabao, ang bida sa pelikulang Lockdown.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Jeffrey Jeturian ang direktor ng What We Could Be, at malaki ang pasasalamat ni Yasser dahil na-train siya ni Direk Laurice Guillen sa Bilangin ang Bituin sa Langit, at nagagamit na niya ngayon sa What We Could Be.

“Siyempre galing kay Direk Laurice, hindi tayo puwede... nung ginawa ko ang Bilangin, ang nanay ko si Ina Feleo. Ang acting coach ko, si Ms. Ana Feleo. Ang direktor ko, Direk Laurice Guillen. So, buong pamilya, umiikot sa akin e. So, napamahal na talaga ako sa craft, sa acting.

“Nung pagkatapos ng Bilangin, ang mga susunod kong project, nandun na yung confidence, e. Hindi ka na naiilang. Hindi ka na kinakabahan. Relaxed na relaxed ka na.

“Dito sa What We Could Be, rom-com ito, e, may drama, pero hindi naman sobrang bigat. So, very natural lang yung pinapakita naming acting dito. Para maka-relate lang yung mga kabataan. Maka-relate lang lahat.

"Feel-good lang kami dito sa What We Could Be.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Isang light and pambagets na teleserye ang inihahanda pala nilang pampalit ng Bolera. Pero acid test sa tambalang Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega ang napipintong pakikipagtapat nila sa 2 Good 2 Be True starring showbiz’s most popular love team today, KathNiel — Kathryn Bernardo and Daniel Padilla.

Paano kaya? Ano ang kahihinatnan ng project na ito ni Direk Jeffrey?

Sana magawa ulit ni Direk ang kanyang phenomenal na boost sa career nina Jodi Sta Maria at Richard Yap sa Be Careful With My Heart. Game on!!!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yasser Marta on doing daring scenes: “Siguro kung pam-festival iyan at ilalaban talaga sa iba’t ibang bansa, e, ganun naman talaga ang labanan. Tingnan natin.”
PHOTO/S: Gorgy Rula / @itsyassermarta
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results