Yasmien Kurdi recounts the moment Donita Rose mistook her for Bea Alonzo

by Rommel Gonzales
Sep 21, 2022
Yasmien Kurdi at Start-Up PH mediacon
Yasmien Kurdi, who used to think she and Bea Alonzo (not in photo) are from "two different worlds" are now playing sisters in Start-Up PH.
PHOTO/S: Noel Orsal

Tulad ng maraming Pilipino, si Yasmien Kurdi ay fan din ng mga Korean drama series and movies.

Isa sa mga paborito ni Yasmien ay ang hit 2020 K-drama series na Start-Up, na pinagbidahan nina Bae Suzy, Nam Joo-hyuk, Kim Seon-ho, at Kang Han-na.

Kung noon ay pinapanood lamang niya ito, ngayon ay siya na ang mapapanood sa local adaptation nitong Start-Up PH.

Kaya labis-labis ang tuwa ni Yasmien na kasama siya sa main cast ng isa sa major television produçtions ng GMA Network ngayong 2022.

Bulalas ni Yasmien sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Siyempre masaya po ako!"

Gaganapin ng aktres ang papel na ginampanan ni Kang Han-na sa original version.

Kuwento niya, "Kasi nung in-offer sa akin itong Start-Up, nung sinabi nga na I’ll be playing Won In-jae sa Start-Up na si Ina Diaz sa Philippine version, talagang tinanggap ko ho agad!

“Kasi sabi ko, nung una pressure siya, sabi ko, ‘Kaya ko ba?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“'Tapos pinanood ko uli, inulit ko uli, sabi ko, ‘Parang kaya naman. Sige game, go!’

“So sobrang saya ko na naibigay sa akin itong role na ito.”

Nakausap si Yasmien ng PEP.ph sa face-to-face mediacon at pilot episode screening ng Start-Up PH sa Cinema 2 ng Robinson’s Galleria nitong Sabado, September 17.

Kinuha na rin ni Yasmien ang pagkakataon na i-welcome ang Start-Up PH female lead at bagong Kapuso na si Bea Alonzo.

Noong kalilipat pa lang ni Bea sa GMA-7, naisip ni Yasmien na baka hindi niya makatrabaho ang dating Kapamilya leading lady dahil pang-afternoon prime usually ang mga projects niya at malamang ay pang-prime time is Bea.

Pero nagkatagpo sila agad sa first Kapuso project ni Bea.

Aniya, “Happy din ako dahil nakatrabaho ko ngayon at first ni Bea dito sa GMA, certified Kapuso na dahil first Kapuso show mo na ito, congratulations,” sabay-baling ni Yasmien kay Bea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Yasmien Kurdi look-alike of Start-Up PH female lead Bea Alonzo

Kuwento pa ni Yasmien, palaging may nagsasabi sa kanya na magkamukha sila ni Bea.

“Even before pa nung nasa ABS siya.

“Meron ding time na si Donita Rose. like, sabi niya sa akin, ‘Huy, I watched your movie!’

“Sabi ko, ‘Ano’ng movie? Wala naman akong movie.’ Akala niya si Bea!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi niya, ‘Sorry talaga, akala ko ikaw si Bea.’ Dahil nga yung resemblance namin.

“Pero siyempre hindi ko naisip na one day magkakatrabaho kami, di ba, dahil nga we are in two different worlds, andun siya sa kabila, andito ako.

“So eto, eto na yung time na hinihingi ng mga fans na sana maging magkapatid kami in a show, and happy ako dun din sa part na yun!”

Gaganap si Bea bilang si Dani Sison, ang female lead na ginampanan ni Bae Suzy Seo Dal-mi sa Korean version.

Katambal niya si Alden Richards bilang si Tristan Hernandez, ang bidang papel ni Kim Seon-ho bilang Han Ji-pyeong sa original series.

Ang papel naman ni Nam Joo-hyuk doon bilang si Nam Do-san ay gagampanan ni Jeric Gonzales bilang si Davidson Navarro sa local version.

Patuloy na kuwento ni Yasmien, “And I get to work with our two brilliant directors, sila direk Jerry Sineneng and direk Dominic [Zapata], sila Alden and everyone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"First time kong maktrabaho si Jeric at maraming-marami pa dito first time kong maka-work.

“So happy ako dahil napunta ako sa ganitong set, and at the same time na-portray ko yung gusto kong role sa Start-Up.”

Mapapanood ang Start-Up Ph sa GMA simula sa September 26 sa GMA Telebabad kapalit ng What We Could Be.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yasmien Kurdi, who used to think she and Bea Alonzo (not in photo) are from "two different worlds" are now playing sisters in Start-Up PH.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results