Actresses who played iconic "kabit" roles in teleseryes

by Khryzztine Joy Baylon
Sep 24, 2022
iconic "kabit" in PH teleseryes
Philippine teleseryes are made colorful by these actresses who played iconic "kabit" roles.

Nakakagigil, nakakagalit, at nakakangitngit ang ilan sa mga salitang masasambit tuwing may mga kontrabidang "kabit" sa mga napapanood nating teleserye.

Ang kabit, kerida, o mistress ay tumutukoy sa mga babae na nakikiapid sa mga lalaking may pamilya o asawa na.

Madalas din silang ihambing sa mga hayop katulad ng "ahas," "higad," o "linta."

Hindi mawawala sa Philippine television ang ganitong mga kuwento lalo na't kung patungkol sa pamilya ang tema ng isang pelikula o teleserye.

Narito ang ilan sa mga tumatak na kabit sa ilang teleserye, ang mga kontrabida, at ang mga aktres na gumanap sa role na ito.

MAJA SALVADOR (THE LEGAL WIFE, 2014)
Noong January 27, 2014, unang umere sa ABS-CBN ang The Legal Wife na pinagbidahan nina Angel Locsin (Monica), Jericho Rosales (Adrian), at Maja Salvador (Nicole).

Sa teleseryeng ito nasubok ang pagkakaibigan nina Monica at Nicole nang ma-in love at magkaroon ng affair si Nicole sa asawa ni Monica na si Adrian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maja Salavador-Kabit role

ERICH GONZALES (TWO WIVES, 2014-2015)
Ang Two Wives ay hango sa 2009 K-drama series na "Two Wives." Sa seryeng ito bumida sina Kaye Abad (Yvonne), Jason Abalos (Victor), at Erich Gonzales (Janine).

Mula sa masaya at tahimik na pamilya ng mag-asawang sina Yvonne (Kaye) at Victor (Jason), naging magulo at miserable ang kanilang pamiya't samahan nang pumasok sa buhay ni Victor si Janine (Erich) na kalauna'y naging asawa niya rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Erich Gonzales-Kabit role

ISABELLE DAZA (TUBIG AT LANGIS, 2016)
Ang Tubig at Langis ay kwento ng dalawang high-school sweetheart na sina Irene (Cristine Reyes) at Natoy (Zanjoe Marudo) na kalauna'y naging mag-asawa.

Ngunit sa pagpasok ng karakter ni Isabelle Daza bilang Clara, ay nawasak ang pagsasama nina Natoy at Irene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ysabelle Daza-Kabit role

RYZA CENON (IKA-6 NA UTOS, 2016-2018)
Pinag-usapan ang teleseryeng Ika-6 na Utos ng GMA-7 dahil sa mga intense na eksena sa paghaharap ng legal na asawa at kabit.

Si Ryza Cenon ay gumanap dito bilang Georgia ang kabit ng asawa ni Sunshine Dizon (Emma) na si Rome (Gabby Concepcion).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ryza Cenon-Kabit role

YAM CONCEPCION (HALIK, 2018-2019)
Ang Halik ay kuwento ng dalawang magkaibang mag-asawa na may pinagdaraanan sa kani-kanilang relasyon.

Mag-asawa sa teleserye sina Jericho Rosales (Lino) at Yam Concepcion (Jade), at Sam Milby (Ace) at Yen Santos (Jacky).

Nakilala ni Jade si Ace na asawa ni Jacky, at unti-unti siyang na-in love dito hanggang sa magkarelasyon sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Yam Concepcion-Kabit role

SUE RAMIREZ (THE BROKEN MARRIAGE VOW, 2022)
Isa sa bagong pinanggigigilan ngayong 2022 ang karakter ni Sue Ramirez bilang Lexy sa The Broken Marriage Vow—hango sa orihinal na British drama series na Dr. Foster.

Si Sue (Lexy) ay kahati ni Dra. Jill (Jodi Sta.Maria) sa asawa nitong si David (Zanjoe Marudo).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sue Ramirez-Kabit role

LIANNE VALENTINE (APOY SA LANGIT, 2022)
Isa rin sa pinag-usapan at inabangan ngayong 2022 ang top-rating serye ng GMA-7 na Apoy sa Langit.

Maliban sa takbo ng kuwento ng serye ay isa rin sa tumatak at halos kamuhian ang karakter ni Lianne Valentine bilang Stella.

Si Stella (Lianne) ang naging kontrabida sa buhay nina Gemma (Maricel Laxa) at anak nitong si Ning Hidalgo (Mikee Quintos) dahil sa pakakaroon nila ng relasyon ni Cesar (Zoren Legaspi) na asawa ni Gemma at tatay ni Ning.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lianne Valentine-Kabit role

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Philippine teleseryes are made colorful by these actresses who played iconic "kabit" roles.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results