Hindi napigilang kiligin, ma-starstruck, at mag-fangirl ni Janine Gutierrez kay Popstar Royalty Sarah Geronimo.
Sa Instagram nitong Huwebes, December 15, 2022, ibinahagi ni Darla Sauler ang masayang pagkikita nina Janine at Sarah sa ASAP Natin 'To.
Sa video, makikitang nahihiya pang lumapit si Janine para magpa-picture kay Sarah na noo'y inaayusan para sa kanyang much-anticipated comeback production number sa Sunday musical-variety program.
"Janine, halika na, Janine, introduce ka namin kay Sarah," paghihikayat ng staff ng ASAP kay Janine para ito ay lumapit sa singer-actress.
Ayon naman kay Janine, nagkakilala na sila noon ni Sarah at nais lang niyang magpa-picture dito.
Kita rin sa video kung paano tinutulungan ni Maymay Entrata na ilapit si Janine kay Sarah.
Nahihiyang sambit ni Janine, "Picture lang kami, mamaya na after ng prod."
Sa huli ay nagkalakas-loob din siyang lumapit nang tawagin siya mismo ni Sarah sa stage.
All-smile si Janine na halatang masaya na sa wakas na nakapagpalitrato na sa kanyang iniidolo.
Kinagiliwan ito ng maraming netizens at ilang co-star nila.
Sa comments section ng post ni Darla ay bumuhos ang saya ng kanilang fans sa diumano'y "cute" encounter ng dalawang Kapamilya stars.
Komento nina Melai Cantiveros at Kerwin King, "Cuteeee."
Saad ng isang netizen (published as is), "Ang cute ni Janine. Iba talaga ang Sarah G, iconic."
Mensahe naman ng isa pa, "Sana all. Same feels kapag sila nakaharap ko in person."
Sarah G returns to ASAP Natin 'To
Noong Linggo, December 11, 2022, nagbalik si Sarah sa ASAP Natin 'To stage, makalipas ang mahigit dalawang taon.
Sa kanyang grand comeback, inawit niya ang latest single niyang "Dati Dati" at muling ipinamalas ang ibang level ng galing sa hatawan sa dance floor.
Dahilan ito para muling siyang mag-trending sa Twitter.
Read: Sarah Geronimo returns to ASAP Natin 'To with remarkable sing-and-dance number
Labis din ang kanyang pasasalamat sa patuloy na suporta ng fans at muling pagtanggap ng ASAP Natin 'To family niya.
November 2020 pa nang huli siyang mag-perform nang live sa ASAP, na sinundan ng tape at remote performances kabilang na ang performance niya noong July 24, isang araw bago siya nag-34th birthday.
Saad ni Sarah, "Ibang klase. Ibang klaseng experience. Iba talaga po dito, no, sa ASAP stage. Iba talaga, walang halong etchos. Masarap talaga.
"Maraming-maraming salamat po sa aking ASAP family for allowing me to promote my new original songs.
"Medyo natagalan po, pero nandito naman po ako. Maraming-maraming salamat po sa muling pagtanggap.
"At sa mga Popsters na patuloy pa ring sumusuporta, maraming-maraming salamat po. Merry Christmas po sa ating lahat."
READ MORE:
- Janine Gutierrez sizzles in black bikini during recent trip to Palawan
- "Ngayon Kaya" at "A Family Affair," No. 1 movie at TV show ngayon sa Netflix Philippines
- Janine Gutierrez marks birthday greeting for Paulo Avelino with hearts
- Janine Gutierrez at Paulo Avelino, nasa "masayang level" na ang relasyon; aamin na ba?
