PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pagbabalik ni Sarah Geronimo sa ASAP Natin 'To, nag-trending

Pagbabalik ni Sarah sa ASAP, birthday gift niya sa Popsters.
by Jojo Gabinete
Published Jul 25, 2022
sarah geronimo asap
Mistulang naging birthday gift ni Sarah Geronimo sa Popsters ang kanyang pagbabalik sa ASAP Natin 'To kahapon, July 24. Ngayong July 25 ang 34th birthday ni Sarah.
PHOTO/S: Kapamilya Channel YouTube

Ngayong Lunes, July 25, 2022, ang 34th birthday ng Asia’s Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Ang pagbabalik niya sa ASAP Natin 'To kahapon, July 24, ang isa sa mga regalo niya sa kanyang mga tagahanga.

Read: ASAP Natin 'To teases comeback of Sarah Geronimo

Tulad ng dapat asahan, nag-trending ang muling pagtatanghal ni Sarah sa Sunday noontime musical-variety show na napapanood sa Kapamilya Channel, TV5, at A2Z.

Bago ipinakita sa ASAP ang recorded performance at pag-awit ni Sarah ng "Duyan," nagbigay muna siya ng mensahe ng pasasalamat sa lahat ng mga sumusuporta sa kanya na isang taon hinintay ang pagbabalik niya sa telebisyon.

“Naku, na-miss ko kayo. Sana na-miss niyo rin ako. Uy, nagpa-miss!” nakangiting pahayag ni Sarah.

“Naku, maraming-maraming salamat po sa aking mga Kapamilya in ABS-CBN, sa Viva and, of course, sa ASAP family ko.

“Maraming salamat sa lahat po ng aking co-performers and, of course, sa lahat ng Popsters na talaga naman matiyagang naghintay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“From the bottom of my heart, maraming-maraming salamat po sa patuloy na pagsuporta. And now, I’m finally back home, of course only here in ABS-CBN.

“Samahan niyo po ako muli as I once again share my music.”

Unang ibinalita ng Philippine Entertainment Portal noong June 20, 2022 ang nakatakdang pagbabalik ni Sarah sa ASAP Natin ‘To at ang isang beses sa isang buwan na partisipasyon niya sa nabanggit na programa.

Read: Sarah Geronimo, hindi totoong lilipat sa GMA-7; babalik sa ASAP Natin 'To

Kaya walang katotohanan ang mga report na inilabas ng ibang entertainment news sites na simula kahapon, linggu-linggo nang mapapanood ang singer-actress sa Sunday show ng Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

HOT STORIES

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mistulang naging birthday gift ni Sarah Geronimo sa Popsters ang kanyang pagbabalik sa ASAP Natin 'To kahapon, July 24. Ngayong July 25 ang 34th birthday ni Sarah.
PHOTO/S: Kapamilya Channel YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results