Malaki ang pasasalamat ng Darna stars na sina Jane de Leon at Janella Salvador sa kanilang mga tagahanga.
Ito'y matapos nilang makatanggap ng mga positibong komento sa pagganap nila bilang "Narda/Darna" at "Valentina," respectively, sa ABS-CBN primetime series na Mars Ravelo's Darna.
Ayon sa dalawang Kapamilya stars, malaking bagay ang nakukuha nilang suporta sa fans kung kaya't patuloy nilang pinagbubuti ang kanilang trabaho.
Hindi rin daw nila inaasahang napapansin ng mga Darlentina at JaneNella fans ang "unexpected friendship" nilang dalawa,
"Darlentina" o pinagsamang Darna at Valentina, "JaneNella" o Jane at Janella ang tawag sa bagong fandom na nabuo ng dalawang Kapamilya actress.
Read: Actresses who played Valentina, the archenemy of Darna
Bukod kasi sa mga maaaksyon at madadramang tagpo sa serye, kaabang-abang din ang nabuong chemistry nina Jane at Janella na nagpapakilig sa kanilang mga fans.
Nitong Lunes, January 30, 2023, sa finale mediacon ng Darna, natanong sina Jane at Janella tungkol sa pagsikat ng kanilang tambalan at kung bukas ba sila sa paggawa ng GL (girls' love) project bilang follow-up sa kanilang Darna team-up.
Game ba sila sa GL series?
Mabilis na sagot ni Janella, "Of course, why not?"
Dagdag ni Jane, "Why not? Pero sana maganda talaga yung story.
"Kasi it’s all about the craft din naman, di ba, kasi artist din kami. So, challenge din yun sa amin, if ever."
Read: Jane de Leon reacts to naysayers saying she doesn't deserve Darna role
Naniniwala si Janella na maa-appreciate at ikatutuwa ng LGBTQIA+ community kung sakali mang gumawa at magsama sila ni Jane sa isang GL series.
Sabi niya, "I think it could matter a lot simply because, wala pa ngang magandang representation for that aspect, kaya open ako and willing ako.
"Wholeheartedly, I would do it talaga."
Ready rin daw si Janella kung sakaling may intimate scenes dito dahil gusto niyang ma-normalize at ipakita na totoong nangyayari ito sa pagitan ng dalawang babae o dalawang lalake.
Aniya, “Feeling ko, gusto lang nila ma-represent nang maayos. Hindi yung ma-treat siya na parang it’s something different.
"They want to belong. So parang, I think, we should normalize it."
Maganda raw itong regalo sa LGBTQ community na nagpakita ng suporta sa kanilang mga karakter bilang Darna (Jane) at Valentina (Janella).
"I really feel happy to represent the LGBTQ community. Kaya nila kami kinakapitan kasi hindi sila na-represent nang maayos in terms of women's love.
"I'm glad they did because I want to be the voice of people who aren't represented, and I love the community," pahayag ni Janella.
Read: Janella Salvador steals limelight with Valentina look
Ayon naman kay Jane, kung sakaling matuloy man ang GL series nila ni Janella ay isa itong challenge sa kanilang dalawa upang ipakita ang galing at dedikasyon nila sa pag-arte.
Saad niya, "It’s a new thing for us, for me and Jea. Kasi nasanay ang mga tao na ang kasama lagi is guy.
"Maybe yung sa amin, it’s not just about GL, but it’s about friendship and women empowerment."
JANE-JANELLA UNEXPECTED FRIENDSHIP
Aminado sina Jane at Janella na bago magsimula ang Darna ay hindi sila close sa isa't isa.
Kuwento ni Janella, "Actually, hindi talaga kami friends bago mag-start itong Darna and we're both introvert.
"We're gonna be totally honest, hindi kami agad-agad nag-click. Hindi naman kami totally nag-away or anything pero awkward siya noong una."
Gumawa raw talaga sila ng paraan para maging malapit at komportable sa isa't isa.
Saad ni Janella, "But we both made an effort to be able to break each other's walls.
"Talagang nag-bond kami, kapag walang tapings magme-message yung isa na, 'Huy, wanna hang out in my room? Ganito-ganyan.'
"Until we eventually became comfortable with each other and talagang, I think, our friendship [Jane] is for keeps."
Dagdag pa niya, "Hindi kami pang-Darna lang."
Para naman kay Jane, isa si Janella sa itinuturing niyang totoong kaibigan.
Sabi niya, "Hindi siya pang-showbiz lang, hindi kami tapings friend.
"Sa friendship namin ni Jea, ayon yung process ng pagkakaibigan namin together. Kasi since before Darna, or before pandemic nagkakasama naman kami sa mga events or shows sa ABS-CBN, pero hanggang hi-hello lang.
"We're not, like, so close talaga. Naging challenge rin sa amin and doon kami nagkaroon ng hope na hindi talaga lahat ng makakasama mo ay magiging ka-competition mo."
Na agad namang sinang-ayunan ni Janella.
Saad niya, "Ang maganda kasi nagtutulungan kami, like, 'I think mas bagay to sa iyo.' Kung ano yung magiging maganda para sa kanya at para sa akin, sinasabi namin sa isa't isa.
"Kasi we both want each other... we want to give each other the chance to shine equally."
READ MORE:
- Netizens react to Jane de Leon's first transformation as Darna
- Jane de Leon recalls hardship before achieving success: "Minsan yung kinakain na lang namin, asin."
- Interview ni Jane de Leon tungkol sa paghihirap nila noon, timing sa unang paglabas niyang naka-Darna?
- ABS-CBN clarifies reported cancellation of Darna in Indonesia
- Chito Roño fulfills childhood dream to direct Darna: "I got excited like a kid again."
- Mars Ravelo's Darna shows support for Celeste Cortesi
- Celebrities, netizens react to Celeste Cortesi's Darna costume at Miss Universe 2022
