PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Richard Gutierrez recalls Click days with Jake

"After naming mag-Click...hindi na kami nagkatrabaho sa GMA or sa ABS. "
by Rose Garcia
Published Mar 4, 2023
Richard Gutierrez and Jake Cuenca during GMA-7 days and on the set of Iron Heart
Richard Gutierrez on working with Jake Cuenca again after 20 years: "After naming mag-Click, naghiwalay na. Hindi na kami nagkatrabaho sa GMA or sa ABS."
PHOTO/S: File/PR

Masaya si Richard Gutierrez na muli silang nagkatrabaho ni Jake Cuenca sa ongoing Kapamilya prime-time series na Iron Heart.

Una silang nagkasama noong mga teenager pa lang sa GMA-7 youth-oriented show na Click, na umere mula 1999 to 2004.

Si Richard ay kabilang sa second batch ng stars, habang third batch naman si Jake.

"After twenty something years, kasi sa Click pa kami huling nagsama.

"After naming mag-Click, naghiwalay na. Hindi na kami nagkatrabaho sa GMA or sa ABS.

"And ngayon lang kami nagkita ulit after how many years," sabi ni Richard.

Kita raw ang pagbabago sa pag-arte ni Jake ngayon kumpara noong baguhang ito.

“Nakita ko rin how he matured as an actor and as individual. Talagang very focused siya ngayon. He wants to give his best dito sa project na ito.

"Parang sakto ang timing kasi we’re both prepared, we’re both in a point in our career na kaya na naming ibigay ang different roles, iba ang aktingan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And as individuals, pareho na kaming nag-mature at pareho na kaming maraming pinagdaanan.

"Pero sobrang happy ako kay Jake."

In between takes, napapa-reminisce raw sila sa kanilang kabataan, at pinagtatawanan na lang daw ang mga ginawa nila noon.

Ani Richard, "Kapag nagkuwentuhan kami ni Jake, non-stop. Ang dami naming mga pinag-uusapan."

Pagdating sa trabaho, hindi naman daw maiiwasan ang may sakitan dahil action ang genre ng serye.

Kahit silang dalawa raw ni Jake ay may pagkakataong nagkakasakitan sila.

"Minsan pero controlled nama, at saka we make sure na nagpa-practice kami.

"Pina-practice muna namin ang gagawin namin bago namin kunan.

"Pero, hindi mo maiiwasan yung konting sakitan. Normal naman iyon sa fight scene."

“Pero, sobrang happy ako kay Jake,” sabi niya.

RICHARD GUTIERREZ AS DIRECTOR OR PRODUCER?

Aminado naman si Richard na isa sa mga proyektong gustung-gusto niya talagang ginagawa ay action.

Dahil na rin mas nalinya siya sa genre na ito ay nagbibigay daw siya ng input sa Iron Heart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Marami akong naibigay na inputs. Dinivelop namin ang script saka ang storyline. Maraming revisions ang nangyari sa script, especially yung pilot episode namin at saka yung characterization.

“I’m very thankful sa Star Creatives kasi isinasama nila ako sa creative meetings. Talagang tinatanggap nila ang inputs ko, and, ako rin naman sa kanila, very open ako sa kanila kung meron silang gustong i-suggest sa akin.

"Kumbaga, collaborative yung working relationship namin sa Star Creatives.

"I think, isa rin iyon sa mga sikreto kung bakit tuluy-tuloy yung quality ng show na naibibigay namin."

Na-miss daw niya ang pagiging lead action star.

Aniya, “Matagal ko nang gustong gumawa ulit ng action, kasi matagal akong hindi napanood ng mga audience natin sa action. E, kumbaga, doon ako nagsimula. Yun ang kung sino ako, that defines me.

“Ever since before sa GMA, doon ako nag-start, sa action. And I wanted to bring that to ABS, and, at the same time, iba na. Iba na ako ngayon at iba na ang puwede kong maibigay sa audience natin. Kaya nakakatuwa na parang timing lahat ang nanyari.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Noong mag-launch ang Iron Heart, kami lang ang action noon sa TV noong time na iyon. Nakapag-prepare ako nang maayos kaya parang perfect timing lang."

Natutuwa rin siya na lahat ng miyembro ng cast and crew ng serye ay todo raw effort.

Dugtong niya, “Ang happy and ang proud ko sa team na meron kami ngayon sa Iron Heart. Lahat nagpupursige, lahat parang nakataya talaga sa project na ito, walang 50% percent, lahat talaga 100 percent.

"Pati ang cast ng Iron Heart, napakalaki ng cast, ang daming artista. Lahat very supportive of each other.”

Dahil nagiging bahagi ng creative team si Richard, nakikita ba niya ang sarili na magiging isang director?

Sagot ng 39-year-old actor, "Siguro more on producing. Kasi marami ng director diyan na magagaling na. Naglagay na ng oras as a director. So feeling ko, expertise na nila iyon, di ba?

"Siguro ang pwede sa akin behind the scene, as a producer."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Richard Gutierrez on working with Jake Cuenca again after 20 years: "After naming mag-Click, naghiwalay na. Hindi na kami nagkatrabaho sa GMA or sa ABS."
PHOTO/S: File/PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results