Kumalat sa social media noong nakaraang linggo ang clip ng TV Patrol kung saan may maririnig na umutot nang malakas.
Hindi malinaw kung sino ang nagpasimula ng edited video, pero kung hindi susuriing mabuti ay akala talagang may umutot sa apat na anchors na sina Noli de Castro, Karen Davila, Bernadette Sembrano, at Henry Omaga Diaz.
@userjmlibrado tawang tawa talaga ako d2 ????????????????????????#fyp? #tvpatrol #utot ? original sound - Jm Valenia Librado
May iba namang nagsabi na si Noli umano ito dahil may eksena pa si Karen na humawak sandali rito kaya inakala ng netizens na umutot nga ang dating vice president sa live broadcast nila.
Ngayong araw, Lunes, March 20, 2023, ibinahagi ni Karen ang actual video na kuha sa live broadcast ng show noong February 28, 2023.
Noong isang linggo pa ito nai-post sa ilang social media apps, pero ngayon lang ito napansin ni Karen.
Ayon kay Karen, pinagbawalan na sila ng kanilang producer na mag-banter bago ang closing spiels tuwing live broadcast.
Pero, hindi raw nagpatinag si Noli at nagbiro pa rin ito.
Aniya, “HAPPY MONDAY [raising hands emoji] ANO YUNG JOKE? [laughing emoji] Sharing with you the original and unedited viral video of us trying to do the extro on TV Patrol last Feb 28, 2023 [raising hands emoji]
“Bakit ba kami tawa ng tawa? Kasi po, si @kabayannolidecastro lagi nagpapatawa bago mag extro at gusto mag banter! Napagsabihan kami that day, no banter na - ayun ayaw, nagpatawa pa!’
Dagdag pa ni Karen, huwag paniwalaan ang mga kumakalat na video ngayon na may sound effects.
Aniya, “THIS IS THE ORIGINAL VIDEO. Don’t believe those with sound effects being passed around [laughing emoji] Love the team at @tvpatrolph we really have a lot of fun everyday!”
View this post on Instagram
Iba-iba naman ang reaksiyon ng netizens sa post ni Karen:




Nauna nang nag-viral noon ang nasabing video clip dahil maraming netizens ang tila na-good vibes sa anila'y "light moment" extro ng mga batikang broadcaster, kahit hindi nila alam kung ano ang dahilan ng pinagtatawanan ng mga ito.
Read: Bernadette Sembrano reacts to their funny viral TV Patrol closing spiels
