PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Noli de Castro balik-TV Patrol simula sa January 9, 2023

Noli de Castro, mag-uulat mula sa Quirino Grandstand.
by PEP Troika
Published Jan 6, 2023
noli de castro tv patrol
Pagkatapos ng isang taon at tatlong buwan ay muling mapapanood si Noli de Castro sa TV Patrol, ang primetime news program ng ABS-CBN.
PHOTO/S: Teleradyo

JERRY OLEA

Balik-TV Patrol si Kabayan Noli de Castro simula sa Enero 9, 2023, Lunes ng gabi.

Ibabalita ni Kabayan ang mga kaganapan sa pagdiriwang ng Nazareno 2023 sa Maynila.

“Magkita-kita tayo sa Lunes. Live ho ako sa Quirino Grandstand para sa TV Patrol,” sabi ni Noli sa programa niyang Kabayan sa TeleRadyo ngayong Enero 6, Biyernes.

Makakasama ni Kabayan sina Henry Omaga-Diaz, Karen Davila, at Bernadette Sembrano sa TV Patrol.

Patuloy siyang mapapanood sa kanyang public service show na Kabayan at morning newscast na TeleRadyo Balita kasama si Joyce Balancio sa TeleRadyo.

Napapanood ang TV Patrol mula Lunes hanggang Biyernes ng 6:30 p.m., habang napapanood ang TV Patrol Weekend tuwing Sabado at Linggo, 6:00 p.m., kasama sina Alvin Elchico at Zen Hernandez.

Available ito sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at ABS-CBN News digital platforms.

Matatandaang nagpaalam si Kabayan sa TV Patrol noong Oktubre 7, 2021 para tumakbong senador sa ilalim ng Aksyon Demokratiko ni Manila Mayor Isko Moreno.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iniwan din ni Kabayan ang dalawa niyang TeleRadyo show na Kabayan at Teleradyo Balita alinsunod sa patakaran ng ABS-CBN News.

Read: Noli de Castro bids goodbye to ABS-CBN; ABS-CBN pays tribute to his decades of service

Oktubre 13, 2021 inihayag ni Kabayan na umatras na siya sa kandidatura niya sa pagka-senador.

Read: Noli de Castro withdraws candidacy for senator in the 2022 elections

Lumutang ang bali-balitang lilipat si Kabayan sa TV5.

Read: Noli de Castro lilipat sa Frontline Pilipinas ng TV5 matapos umalis sa TV Patrol?

Pero noong Nobyembre 8, 2021 ay bumalik si Kabayan sa TeleRadyo.

Abril 10, 2022, Linggo ng 5:00 p.m., nagbalik-TV si Kabayan sa pamamagitan ng programang KBYN: Kaagapay ng Bayan sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, TeleRadyo, ABS-CBN News, at A2Z.

Read: Noli de Castro, balik-TV na via KBYN: Kaagapay ng Bayan

NOEL FERRER

At kung mag-aapat na anchor na sila sa TV Patrol with Kabayan Noli de Castro, Henry, Karen, and Bernadette, makukumpleto na rin kaya ang tatlong anchors naman ng 24 Oras?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakaka-miss ding magkakasama sina Sir Mike Enriquez, Mel Tiangco, at Vicky Morales.

Pati si Rico Hizon ng CNN Philippines na nakabakasyon sa Singapore ngayon, kailan kaya babalik sa The Final Word?

Oh well, ang tanong, saan na ba pinanonood ang News ngayon, sa TV pa rin ba o sa YouTube na?

Kami kasi, balak na talaga naming magpaalis ng cable. From Sky to Cignal, okay bang mag-YouTube na lang? What do you think?

GORGY RULA

Hindi lang sa YouTube kundi pati sa Tiktok ay napapanood na rin ang News, kagaya ng 24 Oras.

Ito ang dahilan kaya hindi na nakakakuha ng mataas na rating ang mga news program dahil hindi lang na sa TV ito napapanood kundi sa iba’t iba pang platforms. Kaya naman madalas na single digit lang ang rating ng mga news program.

Pero malaking bagay ang pagbabalik ni Kabayan Noli de Castro, dahil kagaya nina Mike Enriquez at Mel Tiangco, sila ang nakasanayan na nating pinapanood sa paghahatid ng balita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matagal nang napapabalita itong pagbabalik-TV Patrol ni Kabayan Noli. Ilang linggo nang nakaraan ay may mga nagtatanong na sa programa namin sa DZRH tungkol dito. Maaring inaabangan na nga siya.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagkatapos ng isang taon at tatlong buwan ay muling mapapanood si Noli de Castro sa TV Patrol, ang primetime news program ng ABS-CBN.
PHOTO/S: Teleradyo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results