PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bernadette Sembrano recalls controversial exit from GMA-7

Bernadette Sembrano: "So ako, grateful pa rin ako.”
by Arniel C. Serato
Published Nov 12, 2022
Bernadette Sembrano's reason of leaving GMA-7
TV Patrol anchor Bernadette Sembrano on why she resigned from GMA: “Nung hindi ni-renew yung Probe, I was still with GMA-7, nag-decide na tayo na mag-resign din from Wish Ko Lang! which I have to give credit rin naman to GMA-7 for giving that break at that time."
PHOTO/S: Courtesy: @iambernadettesembrano on Instagram / YouTube

Halos labinwalong (18) taon na ang nakalilipas mula nang lisanin ni Bernadette Sembrano ang GMA-7 at lumipat ng ABS-CBN.

Taong 2004 nang mag-resign si Bernadette sa GMA Network kasunod ng hindi pagkakaunawaan sa management.

Read: 15 TV news reporters with controversial network transfers

Ngunit paglilinaw ni Bernadette sa vlog ni Ogie Diaz, hindi siya tinanggal ng istasyon kundi siya ang kusang nag-resign.

At nagbukas naman sa kanya ng pintuan ang ABS-CBN.

Naging smooth ba ang transition niya from Kapuso to Kapamilya Network?

Sagot ng TV Patrol anchor, “Kung titingnan ko yung big picture, it was smooth kasi parang ang gaan. Hindi plinano pero napunta ka dun.

“Bumukas rin yung opportunity at that time na nag-resign ako sa GMA."

Diin niya: "Again, nag-resign po ako. Hindi po ako pinirate, so yun po talaga ang totoo."

Hindi siya tinanggal?

Paliwanag ni Bernadette, “Hindi ako tinanggal.

"With The Probe Team, hindi ni-renew ang The Probe Team dun sa GMA-7, so I decided to resign kahit na I was still part of Wish Ko Lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, ganun yung nangyari."

Isa rin sa dahilan ng kanyang pagre-resign ay ang isang kuwento niya sa investigative program na The Probe Team na hindi raw naaayon sa taste ng istasyon.

Sabi pa ni Bernadette, “Balikan na lang nila yung mga ano [episodes]. Kasi dati, kumbaga ayoko nang makasakit. Pero iyon yung kuwento kung bakit ako umalis.

“As plainly as hindi na ni-renew yung Probe, and at that time may kuwento akong ginawa, investigative report with Probe.

“Nung hindi ni-renew yung Probe, I was still with GMA-7, nag-decide na tayo na mag-resign din from Wish Ko Lang!, which I have to give credit rin naman to GMA-7 for giving that break at that time.

“But I felt that I had to leave the network because of what happened doon sa relationship ng Probe at GMA-7.”

THE REASON BEHIND HER RESIGNATION

Taong 1998, binigyan ng break ng GMA-7 si Bernadette bilang anchor ng primetime-turned-late night newscast na Saksi at sa public-service program na Wish Ko Lang.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nasuong siya sa hot water noong 2003 dahil sa binasang pahayag ng co-anchor niyang si Arnold Clavio mula sa management tungkol sa episode ng The Probe Team na dapat umere pagkatapos ng Saksi.

Hindi pinayagan ng istasyon na mailabas ang episode na ginawa ni Bernadette sa The Probe Team dahil kulang daw sa documentation ang report tungkol kay Efraim Genuino, ang noo’y chairman ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa ilalim ng administrasyon ni former President Gloria Macapagal-Arroyo.

Hindi tanggap ni Bernadette ang desisyon ng network kaya halatang iritable ito sa buong airing ng Saksi noong panahong iyon.

Sa bandang dulo ng newscast, nakita rin siyang nag-walkout.

Sinuspende siya noon ng GMA-7 sa Saksi, pero patuloy pa rin ang hosting job niya sa Wish Ko Lang! hanggang February 2004.

Noong March 2004, lumipat si Bernadette sa ABS-CBN at ginawang isa sa mga host ng defunct morning show na Magandang Umaga Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binigyan din siya ng public affairs program titled Lukso ng Dugo.

Naging host din siya noon ng Sunday morning program na Salamat, Dok!

Sa ngayon, nananatiling news anchor si Bernadette sa Kapamilya prime-time newscast na TV Patrol, kasama sina Henry Omaga-Diaz at Karen Davila.

Kumusta naman ang relasyon ni Bernadette sa mga taga-GMA na naiwan niya noon?

Saad niya, “Honestly, wala naman akong parang naging kaaway. In fact, pag nakikita ko sila, in full respect pa rin ako sa kanila.

“Lahat nung mga dati kong nakasama, grateful pa rin ako. Wala naman akong, personally, dapat ikasama ng loob.

“And lahat ng pinagdaraanan mo, feeling ko naka-contribute sa kung sino ka.

“Both the hurtful, with the happy and the sad moments. Nakakatulong naman yun sa pagkatao natin.

"So, ako, grateful pa rin ako.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TV Patrol anchor Bernadette Sembrano on why she resigned from GMA: “Nung hindi ni-renew yung Probe, I was still with GMA-7, nag-decide na tayo na mag-resign din from Wish Ko Lang! which I have to give credit rin naman to GMA-7 for giving that break at that time."
PHOTO/S: Courtesy: @iambernadettesembrano on Instagram / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results