Pinaghandaan ni Bruce Roeland ang kanyang role bilang si Doe sa Open 24/7, ang bagong sitcom ng GMA-7.
Inilarawan ng Filipino-Belgian actor ang kanyang role nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon ng Open 24/7 na ginanap noong May 8, 2023, sa Pin Wei Meeting Room ng Seda Vertis Hotel sa Quezon City.
“Yung role ko dito si Doe, si Doe ay isang dedicated na tao.
“Pinalaki siya sa kalye so binigyan siya ng opportunity ni Ninong Spark, which is played by Jose Manalo, na magkatrabaho which is delivery driver.
“Tapos nung nalaman ni Doe na may isa pang delivery driver na si Fred, which is played by Abed Green, siyempre nagulat si Doe kasi siya yung binigyan ng role for the work.
"Kaya si Fred at saka si Doe. palaging magkaaway kasi palagi silang nagpapagalingan. Kaya mapapansin ninyo sa show palagi kaming mag-aaway na dalawa.
“Hindi iyan matatapos kasi sabi ni Doe, ‘Mas magaling ako,' ang sabi naman ni Fred, ‘Mas magaling ako.’
“So iyon, ganun yung role ko.”
Ano ang pagkakapareho ng pagkatao nina Doe at Bruce sa tunay na buhay?
“Baligtad talaga! Malayo. Kasi si Doe, laking-kalye, e, so Tagalog na Tagalog. Ako naman hindi ako galing sa English, galing ako sa Dutch.
“Kaya yung Tagalog-English malayo. Saka pinalaki si Doe sa iyon, sa kalye, ako naman from Europe, so ibang-iba po.”
preparing for the role
Pinansin naman ng writer na ito na mabuti na lang at matatas mag-Tagalog si Bruce.
“Ever since 2014, nandito na po ako sa Pilipinas,” kuwento pa ng Filipino-Belgian actor kung kaya mahusay na siyang mag-Tagalog.
Paano niya inatake ang kanyang papel sa Open 24/7 bilang isang binatang lumaki sa kalye?
“Responsibility bilang actor, kailangan talaga aralin your role. So ang binigay na tip sa amin ng direktor, si direk Roy at saka si direk JR is mag-observe ng mga tao sa daan.
“Kung paano yung galaw nila, kung ano yung mga kinakain nila, kung paano sila magsalita. Tapos yung mga kaibigan ko din na mga tropa ko, siyempre ino-observe ko rin sila kung paano sila gumalaw.
“Bilang aktor kailangan mo talagang pag-aralan lahat ng mga bagay para makuha mo yung kalye na Doe.”
working with vic sotto
Ang Open 24/7, na mula sa GMA at M-Zet Productions, ay pinagbibidahan nina Vic Sotto at Maja Salvador.
Sabi ng writer na ito kay Bruce, malamang ay kinaiinggitan siya ng iba pa niyang kapwa Sparkle artists dahil kasama siya sa isang show kung saan si Vic Sotto ang bida.
“Iyon nga, hindi pa rin ako makapaniwala, e!
“Like it’s one-in-a-million-times opportunity talaga na si Bossing Vic ang makakasama so it’s a blessing, it’s a blessing talaga.
“And I thank GMA for this opportunity, I thank everyone from M-Zet Productions and siyempre I thank Papa God for this amazing opportunity.
“Yeah, super excited,” ang masayang wika pa ni Bruce.
Ano ang nakita o naobserbahan niya sa pakikipagtrabaho kay Vic?
“Sobrang relaxed niya pagdating sa set. Na parang hindi niya iniisip na trabaho iyon, na parang yung role niya parang siya talaga iyon, yung pinapakita niya sa screen.
“Nakita ko na professional talaga, e! Na it’s part of his body yung pagiging aktor.”
break up of love team with althea ablan
Samantala, napadako naman ang usapan namin ni Bruce sa pagkakabuwag ng love team nila ni Althea Ablan.
“We’re okay, me and Althea. I wish the best for her. Pero yeah, it’s a decision made by GMA, and I respect GMA’s decision.”
Bakit kaya sila pinaghiwalay?
“It may be because of certain plans of GMA, na may plan sila for me becoming a solo actor, si Althea becoming a solo actress or maybe having a different love team.
“Wala namang problema sa akin basta I respect everyone’s decision.”
Good friends raw sila ni Althea.
“Childhood friends.”
Hindi rin daw siya nanligaw kay Althea.
Pagpapatuloy pa ni Bruce, “If it’s the decision by GMA, I have to accept it.
"Kung desisyon ng GMA, alam ko na tama iyon since sila yung mga professional.”
