PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vic Sotto on Maja Salvador, Pauleen Luna's Friendship

He takes a break from daddy roles.
by Rommel Gonzales
Published May 27, 2023
vic sotto tape
Vic Sotto takes a break from daddy roles in his upcoming GMA-7 sitcom Open 24/7, which will premiere on May 27, 2023.
PHOTO/S: Rachelle Siazon

Pahinga muna sa "daddy roles" si Vic Sotto.

Bilang Hari ng Komedya ng kanyang henerasyon, gaganap si Vic bilang Boss EZ sa Open 24/7, ang kanyang bagong programa sa GMA-7.

“Usually sa Daddy’s Gurl [na umere sa GMA-7 mula 2018 hanggang 2023], ako yung tatay, yung daddy.

"Ganun din sa Daddy Di Do Du [na umere naman mula 2001 hanggang 2007], daddy rin. So right now, medyo aalis muna ako dun sa daddy role.

“Kumbaga, e, ano lang ito, Dabarkads ito,” pahayag ni Vic sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Nakausap ng PEP.ph si Vic sa ginanap na mediacon para sa Open 24/7 noong May 8, 2023, sa Pin Wei Meeting Room ng Seda Vertis Hotel sa Quezon City.

Inilarawan pa ni Vic ang kanyang role bilang Boss EZ.

Aniya, “Ang pinaka-role ko rito ay kung papaano makiki-interact sa dalawang generations: millennial at yung mga Gen Z.

“Alam naman natin na iba na ang mga pananaw ng mga kabataan ngayon, e, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So it’s more of papaano ka makiki-interact sa mga Gen Z, sa mga millennial, may mga kani-kanyang ideya na iyang mga iyan, e.

“So yung dynamics nung show is bukod dun sa nangyayari sa loob nung convenience store, Open 24/7 is ang location niyan is a convenience store na pag-aari naming dalawa ng kapatid ko na si Jose.”

Ang tinutukoy ni Vic ay si Jose Manalo, na gumaganap bilang si Spark.

“Oo, maniwala kayo kapatid ko si Jose! Pag may kokontra, e, magkita tayo sa labas,” pagbibiro pa ni Vic.

“So iyon, yung character ko dito as the boss, supposedly the boss nung convenience store, so iba, iba yung magiging personalidad ko dito."

Dahil sa isang convenience store iikot ang istorya ng Open 24/7, tinanong namin si Vic kung sa tunay na buhay ba ay nakapasok o nakabili na siya sa loob ng isang convenience store.

“Ahhh pinakahuling punta ko sa convenience store sa Lawson, bandang Osaka kanto ng Tokyo,” pagbibiro ni Vic na pagtukoy sa convenience store chain na nag-originate sa U.S. pero sa Japan na ang pinaka-main base nito ngayon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Hindi, yung mga ano, siyempre naman, kunyari mga, ano ba pangalan ng mga convenience store, yung mga 7-Eleven, Family Mart, nakabili na ako, nakakapunta naman ako.”

WORKING WITH MAJA SALVADOR

Female lead sa Open 24/7 si Maja Salvador bilang si Mikaela.

Dahil unang beses nilang magkakasama ni Maja sa isang sitcom, kinumusta ng PEP.ph kay Vic kung paano katrabaho ang aktres.

“Ay naku,” umpisang bulalas ni Vic, “Grabe!

“Si Maja naman, we were together for almost two years e, sa Bulaga ano, sa Eat Bulaga!. Tapos kababata pa niya si Pauleen [Luna na misis ni Vic], close sila Pauleen, so hindi na siya iba sa akin, e.

“So when we, noong nagka-casting kami, kasama si Maja, palagay na kaagad ang aking loob dahil alam ko naman, alam natin na she’s a versatile actress.

“Hindi lang magaling umarte; magaling kumanta, magaling sumayaw, ewan ko lahat na, e!”

Kasama rin sa cast ng Open 24/7 ang Sparkle Sweethearts na sina Sofia Pablo bilang Kitty at Allen Ansay bilang Al; at ang Sparkle artists na sina Riel Lomadilla bilang Bekbek, Anjay Anson bilang Andoy, Kimson Tan bilang Kokoy, Abed Green bilang Fred, at Bruce Roeland bilang Doe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa direksiyon ni JR Reyes at mula sa GMA at M-Zet Productions, mapapanoood ang Open 24/7 simula ngayong May 27, 2023, pagkatapos ng Magpakailanman sa GMA-7.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vic Sotto takes a break from daddy roles in his upcoming GMA-7 sitcom Open 24/7, which will premiere on May 27, 2023.
PHOTO/S: Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results