JERRY OLEA
Ingat na ingat si Maja Salvador sa pagsasalita nang usisain namin kaugnay sa mga kaganapan sa Eat Bulaga!.
“Siguro po, magtu-two years pa lang ako… wow sa magtu-two years!” bulalas ni Maja sa second anniversary presscon ng Crown Artist Management noong Marso 23, 2023, Huwebes, sa Cochi Bistro, BGC Corporate Center, Taguig City.
“E, October pa naman ako magtu-two years. One and a half year pa lang ako with Eat Bulaga!.
“Sa tuwing papasok ako, e, ine-enjoy ko po. Kung ano man po yung mga naririnig natin, parang… wala po akong karapatan para maki… alam niyo po yun, may ma-comment or may masabi.”
Noong nagpa-meeting sa Dabarkads, andoon siya?
“Secret! Hindi, hindi. Wala pong meeting na nangyayari. Walang meeting,” tugon ni Maja.
“Totoo po, kung napapansin niyo, hindi ako lagi nag-i-Eat Bulaga!. Kasi nga po, bisi-bisihan sa wedding.”
Nakatakda sa Hulyo ang kasal nina Maja at Rambo Nuñez.
Read: Maja Salvador at Rambo Nuñez, kumpirmadong ikakasal sa July 2023
Totoo bang three days apart lang yung wedding nila sa wedding ni Arjo Atayde at ng isa pa sa Dabarkads na si Maine Mendoza?
Pagbibiro ni Maja, “Parang three years apart. Charing! Huwag niyo na po akong tanungin tungkol sa wedding!”
Read: Maine Mendoza-Arjo Atayde, Maja Salvador-Rambo Nuñez weddings, gaganapin sa July 2023?
Legit na part ng Dabarkads si Maja, ah?!
“Opo, winelcome nila ako.”
Kung ano ang desisyon ng grupo, sasama ba siya roon?
“Yes, yes! Kung ano man po yan,” mabilis na sagot ni Maja.
“Basta kung ano pong kailangan niyo sa akin at makakapagbigay tayo ng isang libo’t isang tuwa ika nga.”
Kung saan mapupunta ang grupo ng Dabarkads, sasama siya?
Napangiti si Maja, “Kahit sa moon pa!”
NOEL FERRER
Ganyan din halos ang sentimyento ng marami tungkol sa issue — kung nasaan ang pamilyang nakasanayan nila, sana yun na ang magpatuloy pa.
So, abang-abang tayo sa magaganap sa mga Dabarkads at sa noontime show na nakagisnan natin.
Parang Holy Week din lang iyan. After ng pagtatangis at pagdadalamhati, darating din ang Glorya at Pagkabuhay Muli.
Wait and see tayo sa ating Eat Bulaga! saga!
GORGY RULA
May ilang Dabarkads na kinulit namin kung ano na ang update sa Eat Bulaga!, “wala pa” ang laging sagot sa amin.
Tinanong din namin kung matutuloy ba ang relaunching ng noontime show sa April 17, 2023, “ewan” lang ang mabilis na sagot.
May ilan ding tinanong namin kung kasali pa ba sila sa rebranding nito. “Ewan” lang din ang sagot.
Naintindihan naman naming ayaw na lang nilang maging source pa namin, o magbigay ng reaksiyon sa iba pang haka-hakang nakarating sa amin.
Ang isa sa narinig namin ay patuloy pa raw ang pag-uusap nina Tito, Vic & Joey sa pamilya Jalosjos na siya nang mamamahala ng Eat Bulaga!.
Hindi lang daw minsan kundi ilang beses na pag-uusap, pero wala lang kaming nakuhang balita kung nagkaayos na. Sana nga ay okay na at wala nang may magpapaalam.
May iba ring balitang nakarating sa amin, na hindi na raw isasali. Pero mahirap magbigay ng pangalan dahil wala ring kumpirmasyon.
Pawang tsismis at usap-usapan lang ang mga ito mula sa ilang napapagtanungan. Wala raw katiyakan yung madadagdag dahil ang pinag-uusapan lang muna sa ngayon ay kung sinu-sino ang maiiwan, at kung meron ba talagang maliligwak.
Tanggap na rin naman daw ng ilan kung sakaling hindi na sila kasali. Pero ang ipinaglalaban lang daw talaga ay ang mga staff na, sana, walang tatanggalin.
Ang mga artistang kasali rito ay may pagkakataon pang magka-show. Ang mga staff talaga ang mas nakakaawa kung matatamaan sila.
Maaaring pagkatapos ng Semana Santa ay may linaw na kung ano na talaga ang malaking pagbabago sa Eat Bulaga!.
