PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Amy Perez, Jeff Canoy react to TeleRadyo closure

Jeff Canoy: "Maraming salamat sa lahat ng mga ka-#Sakto..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jun 30, 2023
Sakto hosts
Hosts of morning show Sakto (L-R) Migs Bustos, Jeff Canoy, Amy Perez, Johnson Manabat, and Ariel Rojas bid goodbye to TeleRadyo listeners/viewers.

Matapos ang halos dalawang dekadang paghahatid ng mga nagbabagang balita, nagpaalam na ang DZMM TeleRadyo, isa sa news channels ng ABS-CBN.

Ngayong Biyernes, June 30, 2023, ang huling araw ng pag-ere ng TeleRadyo dahil hindi na ito kayang suportahan ng ABS-CBN.

Mula nang pagkaitan ng bagong prangkisa ng Kongreso ang dating giant network noong 2020, tuluyan nang nalugi ang TeleRadyo kaya napilitan ang ABS-CBN na tapusin ang operasyon nito.

Isang araw bago tuluyang mamaalam ang TeleRadyo, isang madamdaming post sa Instagram ang ibinahagi ng mga host ng morning program na Sakto—sina Amy Perez, Jeff Canoy, at Ariel Rojas.

Sa post ni Jeff nitong Huwebes, June 29, 2023, pinasalamatan niya ang loyal listeners/viewers ng kanilang programa.

Kalakip nito ang black-and-white photo nilang tatlo nina Amy at Johnson Manabat.

Mababasa sa kanyang caption (published as is), "Maraming salita pa ang gustong bitiwan. Pero sa ngayon, ito muna: Maraming salamat sa lahat ng mga ka-#Sakto at sa lahat ng nakasalo namin tuwing almusal para sa balitaan, kuwentuhan at tawanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"My mornings will not be the same without you. I love you 630."

Maging si Amy ay hindi rin napigilang maging emosyonal sa pamamaalam niya sa TeleRadyo.

"To my #SAKTO and #Teleradyo family salamat ng marami, mahal ko kayo . Hanggang sa muli.....," sabi ni Amy sa caption ng in-upload niyang video.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inalala naman ng weatherman nilang si Ariel ang masasayang araw nila sa programa.

Ayon kay Ariel, malaking parte ng kanyang buhay at karera ang pagkakabilang niya sa Sakto.

Pinasalamatan din niya angSakto family—magmula sa kanyang co-hosts, sa crew, at sa staff ng kanilang show.

Saad ni Ariel, “WALANG HANGGANG PASASALAMAT, SAKTO [pray sign emoji].

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sobra-sobra ang ibinigay sa akin — saya, kulitan, chismisan, good vibes, masasarap na pagkain, magandang samahan, at mga bagong pagkakaibigan.

“Maraming salamat sa pagtanggap, encouragement at suporta, @amypcastillo, Johnson Manabat, Migs Bustos, at lalo sa yo Jeff Canoy.

“Maraming salamat sa paggising sa kin, Nico Borres Regino Fides Chan Shiela Tubalinal hahaha. Maraming salamat sa lahat ng cameramen, writers, staff, crew, at kina Ate Jocieonly Catindig at Kuya Fredie Abano sa pag-asikaso, huntahan, at pagkakaibigan.

“Full circle moment para sa akin ang pagiging bahagi ng Sakto, kahit unofficially, dahil ako ang nagbigay ng weather report sa unang airing ng show noong 26 October 2020.

“Fast forward to 16 November 2021, Tyang welcomed me as a Kapamilya on-air accidentally! A month later, I gave my first ever weather report on Sakto as ABS-CBN’s resident meteorologist. Hanggang sa nakakapag-JABYU na ako. “

Dagdag pa niya, "No goodbyes, just see you around. Hindi ko kayo makakalimutan. Hanggang sa muli."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

]

ABS-CBN's TELERADYO TO CEASE OPERATIONS

Noong May 23, 2023 unang inanunsiyo ng ABS-CBN ang pagsasara ng TeleRadyo.

Bahagi ng pahayag ng ABS-CBN, "TeleRadyo has been incurring financial losses since 2020.

“Since ABS-CBN can no longer sustain TeleRadyo’s operations, ABS-CBN is left with no choice but to cease the operations of TeleRadyo effective 30 June 2023 to prevent further business losses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“The company is deeply saddened by this closure and having to part ways with the many passionate and committed people who have made TeleRadyo an important source of news and information for many Filipinos.”

Sa kabila nito, sinabi rin ng ABS-CBN na papasok sila sa joint venture kasama ang Prime Media Holding Inc. Pagmamay-ari ni House Speaker Martin Romualdez ang nasabing kumpanya.

Read: House Speaker Martin Romualdez's Prime Media enters deal with Teleradyo

Dito ay magiging minority stakeholder ang ABS-CBN habang majority stakeholder naman ang Prime Media Inc.

Sa ganitong paraan ay mabibigyan pa rin daw nila ng trabaho ang ilan sa mga empleyado nitong maaapektuhan ng shutdown.

Saad nila sa kanilang pahayag, "However, intending to find ways to continue providing news to the public, ABS-CBN is entering into a joint venture with Prime Media Holdings Inc.

"The new company will produce various programs, which will be supplied to broadcasters and other 3rd party platforms including Philippine Collectivemedia Corporation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Under the agreement, ABS-CBN will have a minority stake in the joint venture, and Prime Media Inc. will be the majority stakeholder.

"This gives some of our former personnel a chance to find job opportunities. It is also a way to continue providing accurate and balanced news and information to the country.”

Read: ABS-CBN to shut down TeleRadyo “to prevent further business losses”

FROM DZMM TO TELERADYO

Unang narinig sa himpapawid ang DZMM, ang AM radio station ng ABS-CBN, noong July 22, 1986, sa pamamagitan ng programa ng beteranang radio anchor na si Fidela "Tiya Dely" Magpayo.

Ilan sa pioneers ng istasyon sina Tiya Dely, Noli “Kabayan” de Castro, Ernie "Ka Ernie” Baron, at Cesar "Kuya Cesar" Lacbu Nucum.

Ang ibig sabihin ng "MM" sa DZMM ay "Malayang Mamamayan.”

Taong 2007, nag-level up ang programming ng DZMM dahil bukod sa napapakinggan sila sa radyo, napapanood pa ang anchors nila sa telebisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito nabuo ang tawag sa istasyon na DZMM TeleRadyo.

Kasabay ng pamamaalam sa ere ng ABS-CBN Channel 2 noong May 5, 2020, natigil din ang broadcasting ng DZMM TeleRadyo.

Read: ABS-CBN went off the air 7:52 tonight, May 5, 2020

Ito ay matapos pagkaitan ng Kongreso, sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN.

Read: Congress junks ABS-CBN franchise renewal

Ngunit makalipas ang ilang linggo, nagbalik sa online ang news channel at tinawag itong TeleRadyo.

Makalipas ang halos tatlong taon, magpapaalam na rin ito sa himpapawid.

Read: ABS-CBN Corporation franchise renewal timeline; how much income did ABS-CBN lose in 2020?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hosts of morning show Sakto (L-R) Migs Bustos, Jeff Canoy, Amy Perez, Johnson Manabat, and Ariel Rojas bid goodbye to TeleRadyo listeners/viewers.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results