John Lloyd Cruz explains why he doesn't want to work anew with Angelica Panganiban

John Lloyd Cruz on working anew with Angelica Panganiban: “Ewan ko, pero mahihirapan ako’ng maniwala na makita siyang ibang tao.”




Tinawag na special episode ang pagbabalik ng mahusay na aktor na si John Lloyd Cruz sa Maalaala Mo Kaya. Espesyal ito dahil noon lang ulit na-feature si John Lloyd sa longest drama anthology in Asia pagkatapos ng pitong taon.

“It should be special kasi parang bukod sa first time na merong isang artista na ipi-feature sila for four consecutive months, so, merong apat na dedicated episodes,” paliwanag ni John Lloyd noong makausap namin sa second-day taping niya para sa Maalaala Mo Kaya sa Morong, Bataan last Thursday.

“Kasi originally, masyadong ambitious yung plano namin ni Ate Roda [dela Cerna, program manager], parang sa isang buwan originally.

“Kaya lang parang baka mapagod naman at magsawa sa akin ang mga manonood. So, ginawang staggered yung payment. Hahaha!"

Ang ex-girlfriend ni John Lloyd at dating kasama sa youth-oriented drama program noon na Tabing Ilog na si Kaye Abad ang gumanap na partner niya bilang Rea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano’ng pakiramdam na makatrabaho ulit si Kaye?

“Reunion din ang pakiramdam. Also with Direk Eric [FM Reyes]. Kasi matagal ko ng hindi nakatrabaho si Direk Eric, e.”

Huling episode na ginawa ni John Lloyd sa MMK ay noong 2008. He played the role of a schizophrenic husband of Alessandra de Rossi.

“Grabe ang tagal na pala,” buntong-hininga ni John Lloyd.

Kumusta ang pagtatrabaho ulit nila ni Kaye considering na naging very popular ang loveteam nila noon?

“Popular lang siguro hindi very popular,” ngiti ni John Lloyd.

“Hindi kasi kami umabot ng primetime, e, hahaha! Kaya popular lang.

“Pakiramdam ko, ano ‘to, e, dahil naging vocal naman ako about this na during my Tabing Ilog years naman talaga nabuo at nag-mature yung appreciation ko para sa art.

“So, doon ako natuto na mahalin yung ginagawa ko."

Na-reminisce rin ba nila ni Kaye ang kanilang personal life sa set ng MMK?

“Hindi pa,” sambit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi noong first day namin parang walang time mag-reminisce sa sobrang intense noong ano, nu’ng araw. Yung schedule grabe and tapos karamihan noong mahihirap na eksena napunta nu’ng first day.

“So, ayun kasi kapag taon ang lumilipas at nakakatrabajo mo ulit yung dati mo’ng katrabaho, ah, sobra ako’ng, I find it very interesting kasi parang ibang tao na kayo.

“So, iba yung binibigay niya sa ‘yo, emotionally. Although makikita mo pa rin yung core. Makikita mo pa rin kung sino yung nakita mo before or kung anuman yung nakikita mo dati.

“Although ngayon mas makapal na, mas mayaman, mas ano, interesting yung palitan kasi parang ibang tao na kami because Tabing Ilog pa yun.”

Bakit siya bumabalik-balik sa paggawa ng episode sa MMK?

“Parang yung desire ko to collaborate with people, with artist, with actors, with directors, parang mas ano siya, parang mas nagyuyumabong nitong nagdaang dalawang taon. Parang ‘yun ang mas hinahanap ko, oo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mga bagong pwedeng makatrabaho sa, pwedeng on-cam or pwedeng directors, writers, producers. Parang mas doon ako napupunta ngayon.”

HOW MMK HELPED HIM. Paano siya natutulungan ng MMK as an actor?

Ani John Lloyd, “Hindi lang ako, ah, siguro I can easily speak for many actors and aspiring actors alike.

“Ah, siyempre, kapag sinabi mo’ng MMK para kang binibigyan ng title role.

“It’s a good break kapag nakakuha ka, kapag binigyan ka ng MMK. At hindi naman nagiiba yun kahit na medyo matagal ka sa industriya.

“Ang ganda ng platform din, ang ganda noong, magandang venue siya para sa mga kagaya ko na naghahanap ng collaboration with new actors, new directors, new writers.

“So, ayun, malaking tulong ‘yon dahil nabibigyan kami ng opportunity well in a way mai-showcase kung ano yung kakayahan.

“Uh, kasi hindi naman din madali yun ‘di ba? Alam naman din nating lahat especially sa isang industriya kagaya ng ganito ka-competitive na industriya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Uhm, kaya kapag kagaya namin na uhaw sa trabaho, e, talagang big ‘yan sa amin kapag nabibigyan kami ng MMK. And through the years malaki na ang naitulong niya substantially kasi hindi lang Tabing Ilog, e, parang ganoon.

“‘Yung Tabing Ilog kasi parang nagkataon lang na linggu-linggo nandoon kami sa Pagsanjan nagti-taping kami. Eto para kang...it’s a step towards maturity.

“Naalala ko lang noon ‘no, hindi naman ngayon, because parang I can’t afford to be immature, haha, kasi I’m 32. So, especially noon para ka’ng binabato sa arena. Parang ganoon yung dating. Arena para ipakita kung ano ang meron ka.”

Ang MMK episode na ba ang hudyat nang pagbabalik niya sa teleserye?

“Ah, hindi naman pero well, magkaibang bagay kasi siya, e. Meron kaming gustong gawin ni Tita Malou [Santos, Star Cinema managing director].

“Meron silang istorya ni Ma’m Charo [Santos Concio]and gusto nila ako yung gumawa. Kung matutuloy yun at kung matutuloy according to plan yung mga naka-line-up, I’m gonna do a movie with Bea [Alonzo] this year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos ah, pagkatapos noon kung matutuloy yung plano babalik ako sa, magti-TV ako para doon sa istoryang sinasabi ko.”

THREE MORE MMK EPISODES. Meron pa siyang gagawing tatlong episodes sa MMK?

Paliwanag ni John Lloyd, “Yes, we’re doing one about yung dystonia, it’s a rare disease. I’m doing one with Bea.

“Sure na ba yun? Ah, sure na raw. Yung isa, yun yung pinag-uusapan pa.”

Posible ba na isa sa mga episodes na gagawin niya sa MMK ay makasama niya si Angelica Panganiban?

“Hindi pa rin naming makuhang maniwala na kaya naming magtrabaho together. Parang, oo, natatawa kami.

“Ewan ko, pero mahihirapan ako’ng maniwala na makita siyang ibang tao.”

Matatandaan na nagkatrabaho na noon si John Lloyd at Angelica para sa ensemble movie na 24/7 in Love kunsaan nagshooting pa sila sa Vietnam. Ito ang naging dahilan upang magkalapit sila noong 2012 hanggang sa naging magkasintahan ang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON FILM WITH ERIK MATTI. Ang crime thriller movie ni John Lloyd at Meryll Soriano ang isa sa mga entries na isinali sa 2015 Metro Manila Film Fest.

Titled Conman (formerly known as Honor Thy Father and Ponzi), ang pelikula na ito ay umabot ito sa 9th slot kung kaya hindi ito siguradong mapapalabas ngayong December.

Directed by Erik Matti, ang Conman ay makakapasok lang sa 8 official entries kung may mag back out o hindi matapos na ibang entry.

Ano ang reaction niya na hindi nakapasok ang movie niya sa MMFF this year?

“Sayang kasi parang naninwala talaga kami and yung mga tao sa paligid namin. Naniwala talaga kami na merong naghahanap ng ganitong klaseng pelikula sa ganu’ng panahon ‘di ba, sa MMFF season.

“At malayo kasi siya sa team ng criteria siguro sa committee ng MMFF, and we totally respect that. Siyempre hindi naman kami ang committee, e, So, sila ang committee they get to decide.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero nanghihinayang lang talaga kami because we really wanted the story to be out there at mapanood ng maraming tao. So, but then again, going back to their criteria, we did not make it, and we just move on.”

Kailan nila ipapalabas on a regular run sa mga sinehan ang movie?

“Ah, yun ata ang pinaguusapan nina Dondon [Monteverde], nina Direk Erik [Matti] with Star Cinema. Wala pa ako’ng balita, e, magmula nu’ng mabalitaan ko na hindi nga sila tinanggap, na hindi nga kami timnanggap ng MMFF.

“Honestly,l hindi ko rin alam. Kasi ang tagal din naming pinagdebatehan kung papasok namin sa MMFF or hindi, e. Pinaghirapan pa namin, hindi naman pala tatanggapin.

Ano ang kwento ng Conman?

“Ano siya kasi, e, anti-genre. Parang hindi siya sakop sa isang genre. It’s a family drama, a little bit of action.

"It’s a story about a man na merong napakadilim na past na tinalikuran na niya dahil sa pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero dahil sa current circumstances na kinakaharap niya, napilitan siyang kumapit sa patalim. Parang sinusukat yung kanyang pagkatao.”

Nag-shoot ba siya ng mga action scenes sa movie?

“Eto kasi very real, e. It’s not your choreograph na block na klase ng eksena ‘di ba? Kung meron man kaming barilan, sobrang real na. Actually, it’s a very interesting film kaya lang…. sayang.”

Natakot ba siya noong mag-shoot sila sa mga kweba (caves)?

“Uh, mas natakot ako sa, kasi it’s a very dark character. So, mas nakakatakot yung journey niya kesa sa mga kwebang sinuong ko.”

ON SARAH G. Samantala, natanong kamakailan si Sarah Geronimo kung ano ang pakiramdam na makakapareha niya ang new Box Office King na si Piolo Pascual.

Ang naging sagot ni Sarah, "Same feeling nung sinabi na kasama ko ang isang John Lloyd Cruz."

Ano ang reaction dito ni John Lloyd?

“Parang imposible yun.

“Bakit? Yung parang ako kasi, based on my experience, ha, okay, yun na lang akin. I‘ll speak for myself.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang sa rami ng nakapareha ko hindi naging…lahat sila iba-iba.

“Lahat sila iba yung nakukuha ko sa kanila, iba yung nabibigay ko.

“That would be special ha para kay Sarah na meron siyang dalawa na parang pareho, oo. At para maipareho mo ako kay Piolo, that’s very interesting.”

Ano’ng mga na-discover niya kay Sarah nu’ng nakatrabaho niya ang singer/actress na hindi pa alam ng mga tao?

“Si Sarah kasi very candid ‘no. So, most of the time, kung ano yung napapasin niyo sa kanya, yun siya talaga especially kapag presscon. Hindi yung performance, ha, because she transforms.

"Kapag nasa stage parang nahihirapan ka to see, Asan si Sarah Geronimo? Asan yung giggly? Asan yung makulit? Asan yung bungisngis na Sarah?

“She transforms and pagka pinapanood ko siya talagang, yung nakaka-amaze. Pero ako, I’ve been privileged na makita ko yun up-close and para ma-consider niya akong kaibigan at ma-consider ko siya na kaibigan, kahit na ganito yung set-up namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Proud ba siya sa mga achievements ngayon ni Sarah lalo na sa paggawa niya ng mga pelikula?

“Well, I have yet to see her film with Piolo and, depende kasi, e. Kasi the last time we spoke parang nakuha ko sa kanya, hindi ko alam na babalik pa siya sa paggawa ng pelikula.

"I think it took her a while bago gumawa ulit ng pelikula mamula nu’ng It Takes A Man and A Woman.

“But, kung talagang seseryosohin niya ang pagtapak sa pelikula, I would want to see her na in an entirely different character. That’s if gusto niya ‘di ba?

“Ang alam ko kasi ang first love niya is singing. Music talaga.

"Ang maswerte naman yung mga tagahanga niya gaya ko na hindi ka naman mabibitin kapag napanood mo siya na gianagawa kung ano yung first love niya.

"But as a fan, kung sasabihin niya na gusto niyang gumawa ng pelikula, gusto ko siyang mag-elevate ng kanyang stature bilang isang aktres naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m proud of her, oo naman, always. Kahit saan ko siya makita, kahit sa hallway, talagang ‘Whoo! So proud of you!’ Hahaha!”




COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close