Donny Pangilinan, Jake Ejercito to join Piolo, Maja, Catriona in TV5's musical-variety show

by Erwin Santiago
Oct 1, 2020
(From left) Jake Ejercito, Albee Benitez, Miss Universe 2018 Catriona Gray, Maja Salvador, Donny Pangilinan, and Piolo Pascual. Benitez is the block-time producer of TV5's upcoming musical-variety show Sunday Ultimate Party (SUP) which will be hosted by the mentioned Kapamilya stars.
PHOTO/S: Courtesy of Pat-P Daza

Kasama sina Donny Pangilinan at Jake Ejercito sa cast ng upcoming Sunday musical-variety show ng TV5 na Sunday Ultimate Party (SUP).

Ito ay base sa mga larawang ibinahagi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Huwebes ng umaga, October 1.

Sa mga larawan, makikita sina Donny at Jake na kasama sina Piolo Pascual, Maja Salvador, Miss Universe 2018 Catriona Gray, at si dating Negros Occicental Representative Albee Benitez.

May kuha ring kasama sa grupo ang ABS-CBN anchor na si Pat-P Daza. Kinunan ang mga larawan habang nasa isang restaurant ang grupo.

Continue reading below ↓

(From left) Jake Ejercito, Albee Benitez, Miss Universe 2018 Catriona Gray, Maja Salvador, Pat-P Daza, Donny Pangilinan, and Piolo Pascual

Ibinahagi rin ni Benitez ang group show na ito sa kanyang personal Instagram account.

Caption niya rito, "My new colleagues..." Naka-tag dito ang mga kasama niya sa litrato.

Nauna nang naipaulat na sina Piolo, Catriona, at Maja ang main hosts ng SUP, na ipu-produce ng Brightlight Productions, ang pag-aaring production company ni Benitez.

Continue reading below ↓

Blocktime producer sa TV5 ang Brightlight Productions.

Sina Piolo, Maja, Donny, at Jake ay pawang artists ng Star Magic, ang talent-management arm ng ABS-CBN na pinamumunuan nina Mariole Alberto at Mr. M o Johnny Manahan.

Hanggang sa December 31, 2020 na lamang mananatili sa Star Magic si Mariole, dahil papalitan na siya ni Laurenti Dyogi simula sa January 1, 2021.

Si Catriona naman ay nasa pangangalaga ng Cornerstone Entertainment, ang talent agency na pinamumunuan ni Erickson Raymundo.

Ayon sa impormasyong nakalap ng PEP.ph, sinundan nina Piolo, Maja, at Jake ang kanilang mentor na si Mr. M, na siyang direktor ng SUP.

Si Jake, anak ni dating Pangulong Joseph Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez, ay naging bahagi ng Star Magic nito lamang June 2020.

Si Donny, anak ng aktres na si Maricel Laxa at TV host na si Anthony Pangilinan, ay pinayagan daw ng Star Magic na lumabas sa upcoming show ng TV5.

Continue reading below ↓

Maliban sa SUP, ang iba pang block timer shows ng Brightlight Productions sa TV5 ay ang daily noontime show na Lunch Out Loud at ang gag show na Sunday Kada.

Hosts ng Laught Out Loud sina Billy Crawford, Bayani Agbayani, KC Montero, Wacky Kiray, at K Brosas.

Ang Sunday Kada Kada Sunday naman ay tinatampukan nina Sunshine Garcia, Ritz Azul, Wacky Kiray, at Jayson Gainza, na pawang galing sa dating gag show ng ABS-CBN na Banana Sundae.

RELATED STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(From left) Jake Ejercito, Albee Benitez, Miss Universe 2018 Catriona Gray, Maja Salvador, Donny Pangilinan, and Piolo Pascual. Benitez is the block-time producer of TV5's upcoming musical-variety show Sunday Ultimate Party (SUP) which will be hosted by the mentioned Kapamilya stars.
PHOTO/S: Courtesy of Pat-P Daza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results