PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jennylyn Mercado ensures son Jazz is "well-protected" vs COVID-19

Bawal munang mag-bike sa labas.
by Rommel Gonzales
Published Apr 9, 2021
Jennylyn Mercado with 12-year-old son Alex Jazz, who enjoys biking a round the neighborhood.
PHOTO/S: @mercadojen on Instagram

Tuloy ang trabaho para kay Jennylyn Mercado sa panahon ng pandemya na dulot ng COVID-19.

At ang latest television project niya ay para sa episode ng Magpakailanman, na ipapalabas sa Sabado, April 10, 2021, 8:00 p.m., sa GMA-7.

Sabi ng aktres, "Pang-third time ko na ang mag-taping ngayong may pandemya.

"Una sa Descendants of the Sun PH at pangalawa sa I Can See You: Truly. Madly. Deadly, na parehas na napapanood sa Netflix.

"Medyo mahirap pero nairaos naman namin nang maayos."

Tulad ng iba, matindi ang naging epekto ng COVID-19 sa buhay ni Jennylyn.

Ang dami nga raw niyang plano na naunsiyami dahil sa pandemya at lockdown. Hindi na niya inisa-isa kung anu-ano pero "natigil ang ikot ng mundo natin ng dahil sa pandemya."

Kuwento niya sa PEP.ph, "Mas ibayong pag-iingat at mas mahigpit na protocol hindi lang sa work, sa business, at lalo na sa house."

Sa bahay, naghigpit ulit siya sa paglabas-labas ng 12-year-old son niyang si Alex Jazz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Before nag-lockdown kasi, nakakapag-bike na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng aktres, "Jazz is very well-protected.

"May times na nag-bike kami sa labas ng subdivision para makapag-exercise pero simula nang dumami ulit ang COVID cases dahil sa new strain, sa house na lang kami nagwo-workout for our safety."

Kumusta naman ang relasyon nila ng kasintahan niyang si Dennis Trillo?

"Okay naman kami at going strong, lalo kaming pinagtibay ng pandemya."

Uso ang proposal at kasalan ngayon kahit may pandemya. Sila ba ni Dennis ay may plano na ring magpakasal?

"Hindi naman kami kailangan sumabay sa uso," reaksiyon ni Jennylyn. "Darating at darating iyan sa takdang panahon."

Kapag normal na ang lahat at maaari ng lumabas, sino o ano ang nais niyang unang puntahan?

"Una ang Baclaran Church. Marami po talaga, but how I wish we could do that soon," pagtatapos pang pahayag ni Jennylyn.

MAGPAKAILANMAN EPISODE

Kumusta naman ang experience niya sa taping ng Magpakailanman?

"Sa Magpakailanman, one taping day lang at naitawid naman at wala kami naging problem.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Napakahusay ni direk Don Michael Perez.

"Sana balang araw makatrabaho ko siya sa isang soap," pahayag pa ng Kapuso actress.

Pinamagatang "Sa Kamay Ng Fake Healer" ang episode na pagbibidahan ni Jennylyn bilang si Mylene.

Ito ay sa direksiyon ni Don Michael Perez, pananaliksik ni Karen Lustica, at panulat ni Vienuel Ello.

Makakasama niya rito sina Juancho Triviño bilang Rico at Marc Anthony Falcon bilang si Noel.

Nagkaroon na ba si Jennylyn ng personal na karanasan sa isang faith healer?

"Yes po, na-experience ko pong magpagamot sa isang faith healer," kuwento ni Jennylyn sa ekslusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via email interview noong Miyerkules, April 7, 2021.

Dagdag ng Kapuso actress, "Malaki ang pasasalamat ko kay Lolo sa paggamot niya sa akin. Taga-Romblon siya pero wala na siya ngayon."

Paano ilalarawan ni Jennylyn ang papel niya sa naturang Magpakailanman episode? Gaano ito kakaiba sa ibang papel na nagampananan na niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "Ngayon ko lang nagampanan ang ganitong klase na character kaya ito ang pinili ko at very special sa akin ang story.

"Malapit ito sa puso ko kaya sana panoorin ninyo."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jennylyn Mercado with 12-year-old son Alex Jazz, who enjoys biking a round the neighborhood.
PHOTO/S: @mercadojen on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results