PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Imported purebred cats sa Pinas, umaabot sa PHP500K ang halaga

Mga purebred cats na mula Russia at Ukraine
by Bernie V. Franco
Published Mar 20, 2023
Toyger cat
Isang negosyante sa Pilipinas ang nag-aalaga ng imported cats mula Russia at Ukraine. Hindi rin basta-basta ang presyo ng mga ito, tulad na lamang ng Toyger (in the photo) na kalahating milyong piso ang halaga.
PHOTO/S: YouTube (KBYN via ABS CBN News)

Umaabot sa tatlumpu (30) ang imported purebred cats sa cattery o breeding farm ng negosyanteng si Jaime Lim.

Anang negosyante sa KBYN: Kaagapay ng Bayan ng ABS-CBN, “I started keeping cats because of my apo.

"She wants some exotic long-hair [cats], so I decided to import. I imported all of them from Russia and Ukraine.”

Sinimulan daw ni Jaime ang mag-import bandang huling quarter ng 2022.

Makalipas ang kalahating taon, lumaki na pagbi-breed ng imported cats ni Jaime.

Kabilang sa mga breeds ay Toyger, Egyptian Mau, Somali, Maine Coon, Savannah, Abyssinian, at Bengal.

“They have certificate to guarantee na purebred sila,” paniniyak ng negosyante.

abyssinian cat

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Egyptian Mau

(Top photo: Somali Bottom Photo: Egyptian Mau)

Dahil imported at purebred, hindi rin basta-basta ang presyo ng mga pusa.

Ang halaga ng mga ito ay mula PHP80,000 hanggang PHP500,000, depende sa breed.

Ang Bengal ay nagkakahalaga ng PHP80,000, samantalang ang Maine Coon, Somali, at Egyptian Mau ay nagkakahalaga ng PHP200,000.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pinakamahal naman ang Toyger na PHP500,000 o kalahating milyon.

Read also: Vice Ganda criticized for buying a PHP380,000 puppy: “May masama ba?”

BREEDS HAVE SIMILARITY TO WILD CATS

Kapansin-pansing iba ang itsura at balahibo ng purebred cats ni Jaime.

Paliwanag niya, “Most of my cats may kahawig sila na mga wild cats.

“Like yung Somali parang mountain lion, yung Maine Coon parang lion, yung Bengal parang leopard…

“Itong Toyger parang tiger, yung Egyptian Mau parang [ocelot], yung Savannah parang serval.”

Buong pagmamalaki rin ni Jaime na ang kanyang cattery ay ang unang nakapag-breed ng maraming Toyger sa bansa.

Mayroon na siyang walong Toyger ngayon.

Bengal cat

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Savannah

(Top: Bengal Cat Bottom: Savannah Cat)

Sa ngayon, ang ilang pusa ay buntis na at “domesticated through selective breeding” ani Jaime.

May veterinarian at farm manager si Jaime para tiyaking may tumitingin sa mga pusa.

Hindi rin daw sila laging nakakulong at tinitiyak na magkaroon ang mga ito ng social interaction.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa ni Joselito Lacasandile, farm manager ni Jaime, “Iba-ibang breed, iba-iba sila ng behavior.

“Kaya mahalaga na kilala mo yung alaga mo para alam mo kung pano sila iti-treat.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang negosyante sa Pilipinas ang nag-aalaga ng imported cats mula Russia at Ukraine. Hindi rin basta-basta ang presyo ng mga ito, tulad na lamang ng Toyger (in the photo) na kalahating milyong piso ang halaga.
PHOTO/S: YouTube (KBYN via ABS CBN News)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results