Rose Flaminiano answers complaint against her by three actresses and a columnist

IMAGE 0


"Bastaako, ready ako kahit anong imbestigasyon. Wala nga akong napagpaliwanagan. Hindiko naman akalain na gagawin nila sa akin ‘yan," says Rose Flaminiano about the complaint filed against her by entertainment columnist Aster Amoyo and actresses Ara Mina, Aubrey Miles, and Maui Taylor.



Mahigit isang buwan pagkatapos maghain ng reklamo angentertainment columnist na si Aster Amoyo at ang mga aktres na sina Ara Mina,Aubrey Miles, at Maui Taylor kay Vice President Noli de Castro, nagbigay naman ng kanyang panig ang controversial talent manager-businesswoman na si Mrs. Rose Flaminiano.

Ito ay kaugnay ng reklamo nina Aster at ng mganabanggit na aktres tungkol sa pagkakautang nila sa Pag-IBIG Fund dahil sa mgabahay sa Rosmont Executive Villa sa Tarlac City na hindi naman daw nilanapakinabangan.

Sina Ara, Aubrey, at Maui ay endorsers noon ng RosmontExecutive Villa, samantalang si Aster naman ay kumuha ng unit kay Mrs.Flaminiano pero nagdesisyong huwag na lang itong ituloy. Ang Rosmont ExecutiveVilla ay dinevelop ng RALF Realty and Management Corporation na pagmamay-ari niMrs. Flaminiano. (Click HERE to read related story.)

"WALANG KATOTOHANAN." Ayon kay Mrs. Flaminiano, angkasunduan daw nila ay wala siyang ibabayad para sa endorsement ng mganabanggit na aktres. Pero may mga naka-stipulate daw sa kontrata na kailangantuparin nila bago mapasakanila ang naturang bahay.

Nabasa raw ng kanyang anak na nasa Amerika ang isyung itorito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at naalarma ito. Ito ang dahilankung kaya't nagdesisyon na si Mrs. Flaminiano na ibigay ang kanyang panig.

"Ang reaksiyon ko sa reklamo nila, walang katotohanan lahat.Wala akong makitang katotohanan diyan," panimula ni Mrs. Flaminiano.

Patuloy niya, "Paano mo ibibigay sa kanila ang titulo? Maymga stipulations sa contract na hindi nila nasunod tulad ng three internationalperformances para mag-promote sa abroad dahil OFW [Overseas Filipino workers] naman ang buyers ko. Never nanangyari yun mula 2004 hanggang sa taong ito.

"Pangalawa, full-length movie sa FLT [Films] dahil mahal yung bahay,e! Pero hindi naman nila nabigyan ng oras dahil may nagpabuntis [referring toAubrey Miles]. Nung time na yun, sikat sila, wala silang time na magawa yun.Siguro ngayon, may time na sila kaya nila kine-claim. Paano naman ang magiginginvestment ko?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ano pa ang gusto nilang gawin ko? Ano pa ang gusto nila?Siguro, puwede silang gumawa ng pelikula ngayon. Paano naman ang investment kosa ngayon? Nung time na yun, active pa ako sa pagpo-produce pero sila naman anghindi puwede," saad ng dating producer ng FLT Films.

Ano ang balak gawin ni Mrs. Flaminiano ngayong inireklamosiya dahil lumabas na may utang sina Ara, Aubrey, Maui, at Aster sa Pag-IBIGFund nang hindi nila alam?

"May buy-back nga ako, e," sagot ni Mrs. Flaminiano. "Pagnag-default ang buyer ng payment, ako ang bibili ulit sa Pag-IBIG. Ako na angmagmamay-ari ulit. Ako na ang sasagot sa Pag-IBIG.

"Ang Pag-IBIG ay napakalinis at napakagandang ahensiya,huwag nilang idinadamay. Binigyan nila ako sa Tarlac City ng 45 million,nabayaran ko po yun. Yung kabila [isa pang subdivision niya sa Tarlac], hindipo ako nangutang, buo yun na akin. Sa Paoay [Ilocos Norte], meron akong balanse39 million [pesos] plus interest. That's it!" paliwanag niya.

Ano naman ang reaksiyon ni Mrs. Flaminiano sa sinasabi ngmga nagreklamo sa kanya na ayaw nilang masira ang kanilang record sa Pag-IBIG?

"Yung mga bahay nila, e, di bibilhin ko ulit. E, ano pa angrecord nila? Malilinis ko ang utangnila. Mawawalan sila ng utang. Kakausapin ko ang Pag-IBIG na nabayaran na yun.Clear ang record nila.

"Actually, malapit nang i-buy back ng isang ahensyia ngisang bangko. Ang pagkakamali ko lang, hindi ko inayos nang maaga. Pero normalna proseso yun sa isang developer na merong buy-back," aniya.

HARD TO REACH. Naipaliwanag ba ni Mrs. Flaminiano ang mga bagay naito sa mga nagreklamo sa kanya maski sa telepono man lang?

"Hindi! Hindi naman sila nakikipag-usap, e!" sagot niya. "E,di kung katulad ng ginawa nila kay Vice President Noli de Castro, ginawa nilasa akin ‘yan. Dito sila nagpunta, ang laki naman ng bahay ko dito. Sa totoolang, para gawin nila ‘yan...dahil siguro may nagsutsot sa kanila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ang katuwiran ni Aster, ilang beses niyang sinubukangkausapin si Mrs. Flaminiano upang makipag-set ng meeting. Pero hindi raw siyasinasagot.

"Alam mo, yung totoo, nagkita kami nung birthday ni EthelRamos," sabi ni Mrs. Flaminiano. "Pero yung mga termino na salita niya, hindiko gusto. Kaya inalisan ko na lang. Alam niyang nagalit ako. Kasi may mgatermino siyang, ‘Hindi ko naman nakuha, hindi ko naman napakinabangan...' Aba'ynandoon ang bahay! Ang unang move ko nga, ayusin ko ‘yan. Yun nga yung buyback," paliwanag ng manager ni Gabby Concepcion.

"Inisip ko, sa totoong-totoo lang, na-focus talaga ako kayGabby, ngayon nga lang na hindi ako na-focus sa kanya at dinulot ng Diyos namagkahiwalay kami dahil nagkaletse-letse ako. ‘Eto ako ngayon, nakaayos lahat."

Pero hindi ba siya gumawa ng move para kausapin sina Ara,Aubrey, Maui, at Aster?

"Alam mo, unang reaksiyon ko talaga, nasaktan ako. So, ibinigay ko sa abogado. Kasi inabogado nila ako.Abogado ko na lang ang bahala diyan.

"Nandoon ang mga bahay nila. Hayan ang picture, nakatayo. Bahayna matitirhan na maganda at kumpleto. Malinis ang subdivision. Kasalanan ko bakung hindi sila sumunod sa usapan?" saad ni Mrs. Flaminiano.

Paano naman nasangkot si Aster sa isyung ito?

"Hindi ko siya PRO sa Rosmont," paglilinaw ni Mrs,Flaminiano. "Wala akong obligasyon sa kanya. Talagang kumuha siya ng bahay.Kaya siya napunta run dahil naglalagay ako ng ads sa magazine niya. Binabayaranko yun. Hindi ex-deal.

"Alam mo si Aster, mabait ‘yan. Wala akong masabi diyan.Pinagtatakhan ko, bakit ganyan siya ngayon. Welcome naman siya kung gusto niyaakong kausapin, lalo na't ganito. Puwede ko i-explain sa kanya lahat."

DEFENDING HERSELF. Ano ang reaksiyon niya sa paglapit ng mga nagreklamo sa kanyakay Vice President Noli de Castro?

"Ewan ko sa kanila. Para siraan nila ako nang husto. Bastaako, ready ako kahit anong imbestigasyon. Wala nga akong napagpaliwanagan. Hindiko naman akalain na gagawin nila sa akin ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bilang producer, bakit hindi muna sila dumulog sa akin?Dapat tinanong muna nila, ‘Mommy Rose, ano ba ito lokohan?' Iniisip kasi nilaagad, lokohan, e! Kahit naman ako ganito, hindi ako nanloko ng artista.

"Walang biro, since 1984, producer ako, nag-produce pa akong Manny Pacquiao Story, hindi naman ako ordinaryong producer, kasosyo ko ABS-CBN Films [Star Cinema]. Akolang ang madalas kasosyo ng ABS-CBN Films. Ilang pelikula ang ginawa ko. Tatlong Robin Padilla sa kanila, isang Manny Pacquiao—apat! Lulusot ka ba saABS-CBN kung ikaw ay masamang tao? Hindi naman puwede yun.

"Lahat ng negosasyon ko, hindi nine-namedrop ang ABS-CBN. Peroitanong nila kung meron akong masamang record dun. Bakit sila umulit pa saakin? Ibig sabihin, hindi ako masamang tao. Bakit nai-deal ko sa kanila nangmaayos si Gabby Concepcion, hindi ako masama. Yun dapat ang isipin nila.

"Dapat ang ginawa nila, ‘Puntahan natin si Mommy Rose, tayonglahat.' Ang ginawa nila, ‘Oy, may problema ‘yan kay Gabby. Ang gawin natin,guluhin natin ‘yan. Para iano natin... Si Mommy Rose manloloko... Para tayo angmagiging daan na mahusgahan siya sa husgado, na si Mommy Rose talagang manloloko.'Paano ako manloloko?

"Si Robin [Padilla], meron kaming pinag-awayan. Pero napakabaitni Robin. Dun ko nakita si Robin na walang sinasabi sa akin. Ang ano lang namin niRobin, nagselos siya sa isang Hapon. Tinext niya ako ng hindi maganda. Hindisiya kagaya ni Gabby na humarap sa TV. Hindi ginawa ‘yan sa akin ni RobinPadilla, dahil si Robin tunay na lalaki.

"Execuse me, magkagalit kami ni Robin, aaminin ko. Perohindi ko malilimutan dahil wala siyang sinabing against sa akin. At si Robin,nakagawa ako ng ilang pelikula, pulos bayad siya, may bonus siyang two million,ibinibigay ko, wala mang voucher," litanya ni Mrs. Flaminiano.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN