Jodi Sta. Maria chooses to keep silent after husband Pampi Lacson's revelation that their marriage is on the rocks

IMAGE 0


"Sa mga nagpaparatang na pinagbubuhatan ko ng kamay ang aking asawa, nagkakamali po kayo. Hindi ko po magagawa na manakit ng babae lalo na kung siya ang ina ng aking anak," says Pampi Lacson in a statement he sent to Paparazzi about rumors that his wife, actress Jodi Sta. Maria (in photo), is a battered wife.


Pagkatapos ng ilang buwang espekulasyon tungkol sa totoong estado ng kasal nina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson, umamin na rin ang anak ni Senator Ping Lacson na "dumadaan sa isang matinding pagsubok" ang kanilang pagsasama ng aktres.

Ginawa ni Pampi ang pag-amin sa statement na ipinadala niya at inere sa showbiz talk show ng TV5 na Paparazzi noong Linggo, Marso 6.

Ayon kay Pampi, "Inaamin ko na ang pagsasama naming mag-asawa ay kasalukuyang dumadaan sa isang matinding pagsubok. Isang pagsubok ito na pinagsikapan naming mahinahon na malampasan alang-alang sa aming anak at kapamilya."

Ayon pa kay Pampi, pitong buwan na silang estranged ni Jodi sa isa't isa.

Ang plano raw talaga sana nila ay manatiling tahimik tungkol dito hangga't sa panahong maresolba na ang anumang isyu tungkol sa kanilang pagsasama, pero kumalat na raw ang "malicious and totally erroneous reports" na sinasaktan daw ni Pampi si Jodi.

"Sa mga nagpaparatang na pinagbubuhatan ko ng kamay ang aking asawa, nagkakamali po kayo. Hindi ko po magagawa na manakit ng babae lalo na kung siya ang ina ng aking anak," sabi ni Pampi sa kanyang statement.

Hindi naman nagbigay ng pahayag si Pampi tungkol sa lumabas na report na nagli-link sa kanyang asawa sa boyfriend ng Kapuso talent na si Iwa Moto. Pero nakiusap ang mister ni Jodi na tigilan na ang mga ganitong akusasyon.

"Hindi po makakatulong sa aming kalagayan ang ganitong maling paratang. Sa halip, nagdudulot lamang ito ng dagdag na pasakit hindi lamang sa kalooban ni Jodi kundi pati na rin sa aming anak na si Thirdy.

"Sa ngayon, wala na pong ibang mahalaga sa akin kundi ang magandang kinabukasan ng aking anak. Patuloy po akong umaasa sa inyong panalangin at pang-unawa," sabi ni Pampi.

Sa hiwalay na panayam ay itinanggi na ni Iwa na si Jodi—at maging si Bangs Garcia—ang tinutukoy niyang dahilan ng breakup nila ng boyfriend niyang si Mickey Ablan. (CLICK HERE to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JODI KEEPS MUM. Samantala, pagkatapos ng pahayag ni Pampi tungkol sa estado ng pagsasama nila ni Jodi ay pinili namang manahimk ng aktres.

Sa maikling statement na ipinadala ng Star Magic sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng text message noong Martes, March 8, ay nirerespeto raw nila ang desisyon ng kanilang contract artist na huwag magbigay ng komento tungkol sa kanyang "marital issues."

Umaasa rin ang talent arm ng ABS-CBN na maintindihan ng publiko na pinangangalagaan lang nina Jodi at Pampi ang kapakanan ng kanilang anak.

Narito ang kabuuang statement ng Star Magic na nailathala sa PEP Alerts noon ding Martes:

"We respect Jodi's decision not to comment on her marital issues. We hope that the public understands as Jodi and Pampi care for the welfare of their son. Thank you."

As early as 2007 ay nabalita nang naghiwalay na raw sina Jodi at Pampi dahil "battered wife" daw ang aktres. (CLICK HERE to read related story.)

Sa panayam niya sa The Buzz noong January 7, 2007, ay mariing itinanggi ni Jodi ang balitang sinasaktan siya ni Pampi.

"Hindi naman po totoo ‘yon. Hindi naman po niya magagawa ‘yon," sabi ni Jodi.

Ikinasal sina Pampi at Jodi noong March 28, 2005 sa Mandalay Bay Chapel sa Las Vegas, Nevada.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN