John "Sweet" Lapus on his first acting award: "Now it can be told, hindi na ako starlet!"

IMAGE 0


"Feeling ko na everything is destined to happen. I am so thankful to God. I feel blessed and humbled for the recognition," says John "Sweet" Lapus about his first Best Actor trophy. In photo: Sweet holding his Aliw Awards trophy by Noel Abelardo for Sweet@18.


Sa kabila ng mga pinagdaang mga kontrobersiya ni John "Sweet" Lapus noong nakaraang buwan, nagpapasalamat pa rin siya dahil nagkaroon naman ng magandang kapalit ang mga nagbigay ng matinding stress sa kanya.

Just last April 2, napanalunan ni Sweet ang kanyang kauna-unahang acting award mula sa Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society (ENPRESS). (CLICK HERE to read related story.)

Napanalunan ni Sweet ang award for Best Actor in Comedy or Musical para sa kanyang performance sa Here Comes The Bride. Tinalo niya sa kategoryang ito sina John Lloyd Cruz (My Amnesia Girl) at Jaime Fabregas (Here Comes The Bride).

Pero hindi personal na natanggap ni Sweet ang kanyang tropeyo dahil may special event siyang dinaluhan sa Boracay noong mismong araw ng awards night na ginanap sa Teatrino Greenhills. Matagal na raw naka-book ang naturang event kunsaan naging host siya sa outdoor screening ng Here Comes The Bride sa Boracay.

"Three months ago pa ako naka-book para sa date na April 2 for the Bora screening of Here Comes The Bride. So when I was told that I was nominated for Best Actor sa Golden Screen Awards, ilang weeks na lang 'yong event sa Bora kaya na-disappoint ako talaga that I would not be able to attend.

"The night before, I BBM my friends to wish me good luck and pray na sana manalo nga ako. But to be nominated along with John Lloyd and Tito Jaime is already an honor for me. Ano pa kaya itong nararamdaman ko dahil ako ang nanalo, di ba?" sabi ni Sweet.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sweet sa pictorial ng Temptation Island sa Studio B ng GMA Network Center kahapon, April 7.

Ang matalik na kaibigan ni Sweet na si Kris Aquino ang tumanggap ng tropeyo on his behalf.

"My good friend, Kris Aquino, who is like my other ate, responded na since wala daw ako, she won't mind na siya ang a-attend. Tutal naman daw, e, ako ang uma-attend sa mga school program ni Joshua [Aquino, Kris's son] kapag hindi siya puwede.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, sabi ko, afraid naman kung nandoon siya tapos wiz naman ako nag-win! Ang point niya, e, paano naman daw kung mag-win ako tapos walang kukuha for me? It will be my first acting award pa naman if ever. She decided to attend and she even asked me to prepare a speech just in case kahit ayaw ko!" tawa niya.

SWEET'S SPEECH. Kaya heto ang speech na ginawa ni Sweet just in case na manalo siya—at siya ngang halinhinang binasa nina Kris at Eugene Domingo, na kaibigan at co-star din ni Sweet sa Here Comes The Bride:

"I swear I am not expecting this. Ha! Ha! Ha!

"Pasensiya na po at nandito ako ngayon sa Boracay for the outdoor screening of this masterpiece, Here Comes The Bride. Thank you Lord, may acting award na ako!

"Salamat ENPRESS sa paniniwala na ang comedy movie ay kasing hirap ng drama. Kayo lang 'yan and I will be forever grateful. Kasama kayo sa katuparan ng aking mga pangarap.

"To my fellow nominees, Loydie and Tito Jaime, it's honor na makasama kayo. As in.

"I would like to dedicate this award to our producer Atty. Joji [Alonso] of Quantum Films, together with Star Cinema and OctoArts Films, for giving me the break na matagal ko nang hinihintay. And to Direk Chris Martinez na naniniwala that 'I deserve this.'

"To my fellow cast Angelica [Panganiban], Tuesday [Vargas], Tito Jaime [Fabregas], Uge [Eugene Domingo], and our supporting cast, the staff and crew. Salamat ng bonggang-bongga. Ang saya n'yong kasama kaya gawin na natin agad-agad ang part two!

"To my family, friends, and supporters who are my number one fans. Salamat sa dasal.

"And who could better accept this award in my behalf, but my good friend Kris, who witnessed my struggles as an artist. Hopefully and I pray that, with this award, my struggles will be over.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"This award came on a perfect timing. Sa oras na kailangan ko ng validation and acknowledgement, kung tama ba ang industriya na pinasok ko. Tama naman pala!

"Thank you Star Magic for choosing the best movie projects for me and to my home network, GMA Channel 7, for supporting all my movies. Tagumpay ko ay tagumpay n'yo din.

"Now it can be told, HINDI NA AKO STARLET!

"Salamat po at mabuhay ang pelikulang Pilipino!"

SPEECH IN BORA. Kinuwento pa ni Sweet, nasa kalagitnaan ng screening ng Here Comes The Bride sa Boracay nang tawagan siya ng producer nilang si Atty. Joji Alonso. Tinapat nga raw ni Atty. Joji ang cell phone nito sa isang speaker sa venue para marinig ni Sweet ang announcement of nominees at ang winner.

"Na-experience ko pag-announce sa category ko nang buo via audio. Parang lumaki yung ulo ko at nasuka ako sa nerbiyos. When my name was announced, iyak na ako nang iyak. Halos wala na akong narinig. In minutes, nag-text na agad sa akin ang mga friends ko na nandoon sa Teatrino.

"After the screening, pina-announce ng Cinema One Channel Head, Ronald Arguellas, sa co-host ko that night na si Bianca Manalo na nag-win nga daw kami ni Angelica. Palakpakan with matching standing ovation ang lahat ng nando'n sa screening sa Bora!

"Pinag-speech nila ako doon, pero hindi pa nagsi-sink in sa akin so kung ano-ano na lang sinabi ko. Nagkaroon ng instant victory party for me after the event," lahad ng Showbiz Central co-host.

"Additional member" na ang Golden Screen trophy ni Sweet sa iba pang awards na natanggap niya, kabilang na ang Aliw Award for Best Stand-Up Comic at ang Star Awards for Best Game Show Host for Sing-Galing.

Pinagmalaki nga ni Sweet ang kanyang Best Actor trophy sa Showbiz Central the following day, April 3, Sunday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Feeling ko na everything is destined to happen," sabi niya. "I am so thankful to God. I feel blessed and humbled for the recognition.

"Salamat kay Kris at Uge na dalawa sa importanteng babae sa buhay ko. Si Uge my other mother at si Kris my other sister. Salamat sa Enpress at ang bigat ng trophy. Sosyal!"

Nang tanungin nga si Sweet kung ano na ang development sa naisampa niyang kaso laban kay Jobert Sucaldito, sinabi niya na hindi siya allowed na pag-usapan iyon dahil nai-file na niya ang naturang kaso sa korte. (CLICK HERE to read related story.)

"Hangga't maaari 'no comment' tayo parati. Ang lawyer ko na lang ang puwedeng magsalita tungkol diyan. 'Tsaka, ang saya-saya ko ngayon, di ba? Huwag na nating sirain ang moment ko.

"Walang munang negative at puro positive vibes tayo para pumasok pa ang suwerte. Ika nga ni P-Chi [Rufa Mae Quinto], positivity para walang negativity!" tawa pa ni Sweet.

THE LUCK CONTINUES. Tuluy-tuloy ang magandang suwerte ni Sweet sa taong ito dahil sa buwan ng July ay sisimulan na ang shooting ng Here Comes The Bride 2.

Pero mauuna raw muna niyang i-shoot ang remake ng Temptation Island for Regal Entertainment kunsaan siya ang gaganap ng sosyalerang bading na si Joshua.

"I will reprise the role na originally ay ginampanan ni Jonas Sebastian. Iibahin ko lang ang attack. Secret muna kung ano iyong magiging style ko.

"Then, yung part two na ng Here Comes The Bride. Then, hopefully, masimulan ko na ang solo movie ko under Viva Films kunsaan nag-sign ako ng two-picture movie contract recently. I am currently finishing an indie movie titled Becky at malapit na siyang matapos."

Ang pinaka-ultimate na magaganap kay Sweet ay ang kanyang anniversary concert on May 14 sa Music Museum titled Sweet@18. Ito ang 18th year ni Sweet sa showbiz at debut ang theme ng kanyang latest comedy concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pinakaespesyal na anniversary concert ito. Kasi nga naman, 18 years na pala ako sa showbiz. Napakabilis ng panahon at magde-debut na pala ako sa industriyang ito. The show will be a showcase of my many adventures, struggles, and victories for the past 18 years.

"Hindi naging madali para sa akin ang lahat. May mga times na frustrated ka, disappointed ka, at parang gusto mo nang mag-give up. Pero dahil sa mga taong nakakakilala at naniniwala sa akin, doon ako kumukuha ng lakas at confidence. Hindi naman siguro tayo tatagal ng 18 years kung nagpadala ako sa kahinaan.

"Anyway, maloloka sila sa mga production numbers na inihanda namin. Since para akong debutante dito sa show, lahat ng puwede kong gawin bilang isang showgirl ay makikita na nila. Buwis-buhay na kung buwis-buhay na ito!" malakas na tawa ni Sweet.

Makiki-celebrate kay Sweet sa kanyang anniversary concert sina Dennis Trillo, Julie Ann San Jose, at ang kaibigan niyang si Vice Ganda. Para sa tickets, call TicketWorld at 891-9999 or visit their website at www.ticketworld.com.ph.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN