Aiko Melendez still has "special feelings" for ex-husband Jomari Yllana

IMAGE 0


"Each breakup—be it heartbreak or whatever loss—one thing you learn from it, you become a better person. Hindi ako yung tipo ng tao na kahit hindi maganda ang kinahinatnan nito, e, magdu-dwell ako in being negative. I want to be positive at yun ang gusto kong pagtuunan," says Aiko Melendez.


Sa live interview ni Aiko Melendez sa The Buzz noong Linggo, July 3, marami ang nakapansin na tila wala nang bitterness sa kanya at positibo na ang aura ng aktres.

Ayon kay Aiko, maganda na ang relasyon niya sa dalawang ama ng kanyang mga anak, sina Jomari Yllana at Martin Jickain. Bukas din siya na maaaring pagdating ng araw ay maging magkaibigan pa sila ng ex-boyfriend niyang si Mayor Patrick Meneses. (CLICK HERE to read related story.)

Sa panayam naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Aiko sa pictorial para sa Reputasyon noon ding Linggo, sinabi niyang naka-move on na siya sa anumang masakit na pinagdaanan niya.

Dagdag niya, "Siguro this is one thing I admire about the situation, when you're moving on, there's so much blessings.

"I'm so busy with work and, ngayon, napagtutuunan ko na uli na alagaan ang sarili ko.

"Siguro I can say, after nung bagyong dumating sa akin, good riddance and be busy and beautiful.

"Each breakup—be it heartbreak or whatever loss—one thing you learn from it, you become a better person.

"Hindi ako yung tipo ng tao na kahit hindi maganda ang kinahinatnan nito, e, magdu-dwell ako in being negative.

"I want to be positive at yun ang gusto kong pagtuunan."

Patuloy pa ni Aiko, "Sa totoo lang, kung sasabihin kong wala na akong sama ng loob or anything, parang hindi totoo yun.

"Siguro let's put it this way na lang... Ako, pinapasa-Diyos ko na lang ang lahat.

"Ang natutunan ko kapag marami kang baggage sa puso mo at ikaw mismo ang nagdadala nun, makikita sa aura ng tao.

"Ngayon, natutunan ko nang isumbong ang lahat sa Kanya. Nung isinumbong ko ang lahat sa Kanya, naging masaya ako, hindi ako nai-stress, wala akong wrinkles, e, mahal ang pampa-beauty!" biro pa niya.

EX-BOYFRIEND. Iwas na ring pag-usapan ni Aiko ang demandang isinampa sa kanya ng ex-boyfriend niyang si Mayor Patrick Meneses, pero labis ang pasasalamat niya sa suportang ibinigay sa kanya ni Bulacan Vice Governor Daniel Fernando.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayoko actually pag-usapan ang issue na 'yan kasi nasa court na.

"Basta ako nagpapasalamat ako kay Gov. Daniel Fernando kasi umiiral pa rin kung ano ang nakasaad sa batas.

"Nagpapasalamat ako sa kanya, but I don't want to elaborate on that matter."

TOGETHER IN THE END? Sa magandang relasyon nila ngayon ng kanyang unang asawa na si Jomari Yllana, tinanong ng PEP si Aiko kung hindi kaya sa huli ay sila pa rin ang magkatuluyan.

"Alam mo, nagtataka nga ako, para kayang baka sa ending kami pa rin?" sabi naman ng aktres.

"Ako, naniniwala na ang special feelings will always be there. It could be rekindled or it could be in a different level.

"I can say right now, my feelings for Jom will always be special because tatay siya ng anak ko [Andrei], and it will remain for the rest of our lives.

"Magkaroon man siya ng lovelife or vice versa, may soft spot siya lagi sa akin."

We also asked Aiko kung ano na ang nangyari sa supposed to be ay comeback movie nila ni Jomari under Star Cinema.

"It's management's decision na unahin ko muna ang Reputasyon, pero I'm bound to do the project with Jomari.

"I think after Reputasyon, yun na yung kasunod," banggit niya.

KONTRABIDA ROLE. Sa Reputasyon, si Aiko ang magiging kontrabida sa buhay ni Cristine Reyes, na siyang bida sa nasabing serye ng ABS-CBN.

Aminado ang aktres na may pressure sa parte niya, pero nandun ang sobrang excitement niya para sa nasabing role.

"Oo, kontrabida ako dito ni Cristine pero mayroon siyang pinanggalingan. Hindi siya yung tipikal na kontrabida na para masabi lang na may kontrabida.

"Yung sa akin, may redeeming factor. Yun ang kailangang pakatutukan dito kasi may dahilan kung bakit ako naging ganito.

"Actually, napi-pressure na rin kahit papaano, pero I have so much faith in this project because I believe in Reputasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi lang casting ang magaling—the script itself and the direction.

"Everything was reallly prepared and talagang tailored sa bawat isa sa amin kaya excited ako," pahayag ni Aiko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN