Paolo Contis says Futbolilits is his "perfect" alternative to Amaya

Amaya" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26008/paolo-contis-says-futbolilits-is-his-perfect-alternative-to-amaya" data-desc="Paolo is still hands-on with his second baby, Xalene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/bb0d0dbbf.jpg"> Amaya" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26008/paolo-contis-says-futbolilits-is-his-perfect-alternative-to-amaya" data-desc="Paolo is still hands-on with his second baby, Xalene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/bb0d0dbbf.jpg"> Amaya" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26008/paolo-contis-says-futbolilits-is-his-perfect-alternative-to-amaya" data-desc="Paolo is still hands-on with his second baby, Xalene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/bb0d0dbbf.jpg">

Amaya" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26008/paolo-contis-says-futbolilits-is-his-perfect-alternative-to-amaya" data-desc="Paolo is still hands-on with his second baby, Xalene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/bb0d0dbbf.jpg"> Amaya" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26008/paolo-contis-says-futbolilits-is-his-perfect-alternative-to-amaya" data-desc="Paolo is still hands-on with his second baby, Xalene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/bb0d0dbbf.jpg"> Amaya" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26008/paolo-contis-says-futbolilits-is-his-perfect-alternative-to-amaya" data-desc="Paolo is still hands-on with his second baby, Xalene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/bb0d0dbbf.jpg"> Amaya" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26008/paolo-contis-says-futbolilits-is-his-perfect-alternative-to-amaya" data-desc="Paolo is still hands-on with his second baby, Xalene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/bb0d0dbbf.jpg">

IMAGE 0


"Masaya ang grupo, pambata. Mas mapapanood ng anak ko. Hindi ako matatakot na makita ni Xonia na pumapatay ako ng tao. 'Eto kasi, komedyante ako. So, siguro nasa pagpili na rin ng project and thankful ako na may ganitong show, kasi ibang genre 'to, e," says Paolo Contis about his latest project, Futbolilits.


Dapat sana'y ay kasama si Paolo Contis sa cast ng epicserye ng GMA-7 na Amaya. Pero ilang araw bago magsimula ang taping ay nag-backout ang aktor sa project na pinagbibidahan ni Marian Rivera.

May personal reason na ibinigay si Paolo kung bakit niya kinailangang mag-backout sa show. Ito ay dahil ayaw niyang mawalay nang matagal sa kanyang mga anak since malalayo raw ang locations ng Amaya. (CLICK HERE to read related story.)

Pero may ipinalit naman ang GMA-7 na proyekto para kay Paolo. Ito ay ang early primetime series na Futbolilits, na magsisimula nang mapanood sa Lunes, July 4.

Ang Futbolilits ang papalit sa Magic Palayok na magtatapos na sa Biyernes, July 1.

TELESERYE FOR KIDS. Sa press conference ng Futbolilits kagabi, June 28, sa Studio 7 ng GMA Network Center, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paolo kung masaya siya na pambata ang tema ng serye na ginagawa niya ngayon imbes na ang Amaya.

"Honestly, kakasabi ko lang kala Ma'am Wilma [Galvante, SVP for Entertainment TV]. Oo, maganda, e.

"Kanina nga, kausap ko sila, sabi ko, thank you, pumayag sila na hindi ko muna gawin yung Amaya.

"Kasi ako, kapag gumagawa ng ano...gusto ko 110 percent na ready ka.

"Noong dumating 'to, perfect. Tapos, sobrang into the show ako.

"Masaya ang grupo, pambata. Mas mapapanood ng anak ko.

"Hindi ako matatakot na makita ni Xonia na pumapatay ako ng tao. 'Eto kasi, komedyante ako.

"So, siguro nasa pagpili na rin ng project and thankful ako na may ganitong show, kasi ibang genre 'to, e."

Dugtong pa niya, "Sabi nila, 'Disney kontrabida. Dapat kontrabida ka ha, pero dapat gusto ka ng tao.'

"Paano yun? E, sanay ako, kapag kontrabida, saksakan na.

"Tapos, ini-explain nila sa akin. Pasok din ang pagiging komedyante. Pasok na pasok!"

Worth it naman kahit hindi siya natuloy sa Amaya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Worth it," sambit ni Paolo.

"Sabi ko nga kay Raymart [Santiago], thankful ako na nagkatrabaho ulit kami.

"Sabi nga niya, gusto nga niya na ako ang katambal niya ulit. Gusto nga raw niya na ganoong klase ng character."

PAOLO AS FATHER. Amang-ama na nga si Paolo sa kanyang dalawang anak na babaeā€”si Xonia Antonia, one year old, at si Xalene Abriana, four months old.

Gustung-gusto naman daw ng panganay niya ang kapatid nito kaya walang selosan.

"Gustung-gusto niya ang kapatid niya.

"Ang problema kung minsan, akala niya stuff toy, hinihila, minsan tinatakpan ng unan, yung laro lang... Kapag nakita niyang gumagalaw, tuwang-tuwa siya!

"Parang na-realize niya siguro, 'Ay, tao!'" natatawang kuwento pa niya.

Hands-on dad pa rin ba siya sa pangalawa gaya noong sa panganay niya?

"Oo, pero mas busy lang ngayon, with the help of Lian [Paz, Paolo's partner] and the yaya.

"Actually kay Xalene, ako naman ang umaga.

"Kasi, maayos matulog si Xalene. Pinapadede lang ng yaya."

RELATIONSHIP WITH LIAN. Sila ni Lian, kumusta naman ang relationship nila?

"Okay, okay naman. We're both busy lang.

"Siya kasi, merong business na ilu-launch soon," sabi niya.

Ayaw nang mag-showbiz ni Lian?

"No, actually, bago siya magbuntis kay Xalene, she was supposed to do a show for GMA. Tapos, natigil.

"Sila Ms. Lilybeth [Rasonable] nga, 'Ano, puwede na ba?'

"Actually, gusto niya rin, busy rin siya sa pag-ayos-ayos ng mga bagay-bagay."

Kailan naman ang kasal nila?

"Wala pa, e, siguro in two years, okay na yun," sabi niya.

"Ipon muna. Nakita ko, kapag two years old na si Xonia, P120,000 na ang school.

'Sabi ko, 'Ano ang ginagawa riyan? Maglaro? Puwede kong kalaruin 'yan! Kukuha na lang ako ng mga bata sa kalye at maglaro sila!" natatawa niyang sabi.

Bukod sa Futbolilits, kasama rin si Paolo sa bagong show ni Manny Pacquiao sa GMA-7 na Manny Many Prizes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Amaya" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26008/paolo-contis-says-futbolilits-is-his-perfect-alternative-to-amaya" data-desc="Paolo is still hands-on with his second baby, Xalene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/bb0d0dbbf.jpg"> Amaya" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26008/paolo-contis-says-futbolilits-is-his-perfect-alternative-to-amaya" data-desc="Paolo is still hands-on with his second baby, Xalene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/bb0d0dbbf.jpg"> Amaya" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26008/paolo-contis-says-futbolilits-is-his-perfect-alternative-to-amaya" data-desc="Paolo is still hands-on with his second baby, Xalene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/bb0d0dbbf.jpg">


Amaya" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26008/paolo-contis-says-futbolilits-is-his-perfect-alternative-to-amaya" data-desc="Paolo is still hands-on with his second baby, Xalene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/bb0d0dbbf.jpg"> Amaya" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26008/paolo-contis-says-futbolilits-is-his-perfect-alternative-to-amaya" data-desc="Paolo is still hands-on with his second baby, Xalene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/bb0d0dbbf.jpg"> Amaya" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26008/paolo-contis-says-futbolilits-is-his-perfect-alternative-to-amaya" data-desc="Paolo is still hands-on with his second baby, Xalene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/bb0d0dbbf.jpg"> Amaya" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26008/paolo-contis-says-futbolilits-is-his-perfect-alternative-to-amaya" data-desc="Paolo is still hands-on with his second baby, Xalene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/bb0d0dbbf.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN