Robin Padilla laughs off issues involving siblings Royette Padilla and BB Gandanghari

IMAGE 0


Action superstar Robin Padilla talked about his brothers Royette and Rustom—now known as BB Gandanghari—in a recent press conference.


Hindi na lang sineryoso at ginawang biruan na lang ni Robin Padilla ang isyung kinasangkutan ng dalawa niyang kapatid na sina Royette at Rustom—na ngayon ay kilala na bilang BB Gandanghari.

Sa press launch ng Cherry Mobile phone noong Miyerkules ng hapon, July 13, sinagot ng action star ang kinasangkutang gulo ng nakatatandang kapatid niyang si Royette.

Kinontra ni Robin ang sinasabi ng iba na nakasisira lang daw ng Kuya Royette niya sa kanyang career, lalo na't dumarami pa ang mga endorsement nito.

"Hindi po! Naku, si Kuya Royette, kung makilala n'yo lang yun, mas marami kayong masasabi na... saka away mag-asawa yun!" pakli ng aktor.

"Sa akin kasi, away mag-asawa yun. Lahat dumadaan sa ganung mga klaseng mga aksyunan po, at lalong sumasarap ang pagmamahalan pagkatapos ng mga ganung bagyo."

Ang tinutukoy ni Robin ay ang pagkakaaresto ng kapatid dahil sa pananakit diumano nito sa kanyang misis. (CLICK HERE to read related story.)

Ayon pa kay Robin, hindi nga nila napag-usapan yun ni Royette dahil ayaw naman daw niyang pinapakialaman ang isyu nilang mag-asawa.

"Hangga't hindi ako hinihingan ng opinion, kahit kapatid ko pa siya, o kahit na kaninong tao, hindi ako nangingialam kasi isyu nila yun, e," sabi ni Robin.

Pagdating naman kay BB Gandanghari, natawa na lang si Robin.

"Magkaiba sila ni Kuya Royette, e. Isang sumobra sa pagkalalaki, isang ano naman... Oo nga, e!" natatawang pahayag ni Robin.

"E, ako, happy ako. Happy ako sa kanya, kasi pangarap naman niya yun, e."

Hindi pa raw sila nagkausap ni BB, pero pinaghahandaan naman daw niyang baka masorpresa na naman sila sa pagbabalik ng kanyang kapatid.

Nakarating naman daw sa kanya ang kuwentong ang laki na raw ngayon ng iginanda ni BB.

"Alam mo naman si Utol na mahilig mangsorpresa yun. Buti na lang shock-proof ako. Hindi ako nabibigla sa mga ganun!" tawa na naman niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi naman daw niya matanggap ang ideyang pagpapaopera ng kanyang kapatid. Baka doon daw siya ma-shock.

"Ay, huwag naman po. Opinyon ko, huwag naman.

"'Yang usapin na 'yan, medyo kailangan akong magbakasyon dun. Medyo masa-shock na ako dun!" bulalas nito.

Gusto na nga raw ni Robin na bumalik na dito si BB dahil gusto na nilang ituloy ang matagal na niyang pinaplanong ipu-produce na pelikula para rito.

"Nabayaran na namin siya diyan para sa Kill BB. Kaya pagbalik niya, sisingilin na namin siya diyan.

"Sinabi namin sa kanya na gagawin na sana 'yang pelikula, sabi niya pupunta daw muna siya ng Amerika," saad ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN