PART 1. Vice Ganda reveals being happier when he was not yet famous: "Hindi kumplikado. Ang simple lang ng buhay ko."

IMAGE Noel Orsal

Vice Ganda on his detractors: "Marami silang sinasabi sa akin. Marami silang ibinabato tungkol sa akin. Ayokong ma-distract sa anumang naririnig o nakikita ko. Kung lilingon at lilingon ako sa lahat ng nagdi-distract sa akin, hindi ako makakadiretso sa tinatahak ko. Gusto kong mag-focus. Mero'n akong direksiyon na gustong tahakin. Kung magpapa-distract ako sa kanila, hindi ko mapupuntahan ang gusto kong puntahan."


Ilang oras bago magpalit ang taon nuong December 31, nabalitang sumakabilang-buhay na ang pinakamamahal na lola ni Vice Ganda.

Pero, noong January 1, "live" na nakapanayam ni Boy Abunda sa The Buzz si Vice.

Lumalabas na pre-taped ang ipinalabas na episode ng The Buzz noong New Year's Day, kung kaya't ang pinag-usapan pa nina Boy at Vice ay ang tungkol sa maselan na kundisyon ng kanyang lola.

SHOWTIME BABY! Isa si Vice sa guests ng The Buzz dahil sa taong 2011, masasabing isa siya sa mga artistang nagningning nang husto at umani ng tagumpay sa nagdaang taon.

Sa programang Showtime ay mas nakilala at minahal ng mga tao si Vice.

Naramdaman ba ni Vice sa umpisa na magiging hit ang Showtime?

"No, actually sinabi ko yun kay Direk Bobot [na] for a time, I doubted.

"'Bobongga ba itong show na ito? Parang wala lang.

"And since wala naman akong ginagawa noon, wala akong programa, pasok na 'to for exposure.

"At least, nakikita 'ko sa TV.

"Hindi ko talaga ini-expect. Lahat naman kami, hindi namin ini-expect na ganoon ang mangyayari at pagtanggap ng mga tao sa Showtime.

"Phenomenal din ang Showtime at noong naging matagumpay na siya, pinangalagaan na namin ang tagumpay."

GOING SOLO. May Gandang Gabi Vice [GGV] na siya ngayon at solo siya ro'n.

Ano ang kaibahan nito sa Showtime?

"Sobrang gaan lang po sa Showtime at hindi namin kailangang magtrabaho.

"Yun nga ang palaging paalala sa amin ng director namin, 'Huwag kayong magta-trabaho. Just enjoy. Have fun. I-enjoy niyo ang pangyayari, ang contestants.'

"'At kayong magkakatrabaho, magkakasama sa programang ito, i-enjoy niyo lang.'"

Dugtong pa ni Vice, "Sa GGV, kailangan kong mag-prepare kasi wala akong katulong [co-hosts], ako lang.

"Yung ganoon. Kailangan ko ng mahuhusay na researcher.

"Sila ang nakikipag-usap sa mga makakapanayam ko sa gabing yun.

"Yung tagumpay ng GGV ay hindi lang dahil sa akin, marami rin akong kaagapay sa Gandang Gabi Vice."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PATIENCE REWARDED. Bago dumating ang Showtime at GGV, isa lang daw siyang ordinaryong kasama sa maramihang isinasalang sa shows.

Nangarap siyang mapansin, pero dumating ba kay Vice yung point na nawawalan na siya ng pag-asa na mabigyan ng break?

Ngunit positibo pala talaga si Vice.

Aniya, "Never. Never kong inisip yun.

"I always knew that I would have my time. I just had to wait for it."

Hindi ba siya napagod maghintay?

"Hindi po, hindi."

Ang lingid sa kaalaman ng marami ay matagal na panahong naghintay si Vice bago siya sumikat.

"Marami'ng nagsabi, 'Ang bilis sumikat ng baklang 'to, a!'

"Anong mabilis? Matagal na akong nandito, hindi niyo lang talaga ako napansin."

Ano ang masasabi ni Vice sa mga taong nagkakagusto sa kanya at sa mga taong di naman siya pinapaboran?

"Ako po kasi, ang prinsipyo ko sa buhay, sinasabi ko palagi, I may not be able to control other people, I may not be able to control the moment, but I can take control of myself.

"Marami silang sinasabi sa akin. Marami silang ibinabato tungkol sa akin.

"Ayokong ma-distract sa anumang naririnig o nakikita ko.

"Kung lilingon at lilingon ako sa lahat ng nagdi-distract sa akin, hindi ako makakadiretso sa tinatahak ko.

"Gusto kong mag-focus. Mero'n akong direksiyon na gustong tahakin.

"Kung magpapa-distract ako sa kanila, hindi ko mapupuntahan ang gusto kong puntahan."

COMFORTABLE WITH FAME? Kumportable ba si Vice sa katanyagan na mero'n siya ngayon?

"Hindi po. Hindi na po siguro ako magiging kumportable.

"Ang masarap lang naman sa kaakibat ng pagiging sikat, may pera ka.

"Dadagsa ang pera mo, pero marami rin ang mawawala sa 'yo."

Katulad ng...

"May magnanakaw ng katauhan mo. Mawawala ang kalayaan mo."

Ano ang nanakaw sa katauhan niya?

"Kasi, kapag artista ka, at artista ka na pinag-uusapan ka, parang wala ka nang karapatan na i-enjoy ang sarili mo bilang ikaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang lahat, pag-aari na nila.

"Kailangan yung ikikilos mo, yung gusto nilang ikilos mo."

Sabi naman ni Boy, "That's the price he has to pay."

"Oo... kailangan kung ano ang gagawin mo... yun ang magugustuhan nila," dagdag ni Vice.

Pero sa buhay raw ni Vice noon at sa buhay nito ngayon, ano ang mas pipiliin niya?

"'Yung dati po... mas masaya ako dati.

"Hindi kumplikado ang buhay, e. Hindi kumplikado. Ang simple lang ng buhay ko.

"Wala akong masyadong pera, pero nakakaraos ako. Wala akong masyadong problema.

"Hindi ko iniisip yung sasabihin.

"Walang masyadong isyu sa akin yung sasabihin ng ibang tao kasi, hindi naman nila 'ko masyadong tinututukan.

"Hindi nila ako masyadong huhusgahan kasi wala naman silang pakialam sa akin.

"Mas masarap gumalaw sa isang mundo na hindi ka nila pinapakialaman kesa sa gumagalaw ka sa isang mundo na hindi ka pa nga gumagalaw, may panghuhusga na ang mga tao.

"Nawawala yung kalayaan mo na i-enjoy ang buhay.

"Kahit ang ganda-ganda ng mundo, ang ganda-ganda, pilit, nagkakaroon ng bahid ng kapangitan.

"Kasi, ang daming nakikialam.

"Ang daming nagmamarunong sa 'yo.

"Ang daming nagmamay-ari sa 'yo."

THANKFUL IN SPITE OF... Pero ayon na rin kay Vice, hindi ibig sabihin nito na hindi siya grateful sa anumang meroon siya ngayon.

"Hindi po, ipinagpapasalamat ko po kung anuman ang mero'n ako ngayon.

"At kung ano ang tinatamasa ko ngayon.

"Lahat ito, bigay ng Diyos, kung anuman ang meron ako ngayon."

Kung may isusumbong daw si Vice sa Diyos ngayon, ano ito?

"Kung magdarasal man ako ngayon ang laman ng dasal ko araw-araw [ay], 'Maraming-maraming salamat po sa lahat ng biyayang tinatamasa ko ngayon.

"'Maraming-maraming salamat sa mundong nilikha mo na napakaganda.

"'Maraming-maraming salamat sa buhay na pinahiram mo sa akin.

"'Hindi na po ako hihiling. Thy will be done.'"

LOLA'S HEALTH. Nang itanong naman ang kalagayan ng lola ni Vice, dito na ito nagsimulang maging emosyunal at mapaluha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi na siya okay. Buhay pa... pero, hindi siya okay."

Kailan sila huling nagkausap ng kanyang lola?

"Hindi na kasi siya nakakaimik. Wala na siyang kakayahan na magsalita or makapag-responde sa anumang salita.

"Bumulong na lang ako sa kanya. Sabi ko sa kanya na, kasi, bago ako umalis, yun ang panahon na nasa hospital.

"Kinausap na kami ng doctor na i-ready na namin ang mga sarili namin na puwede siyang umalis anytime.

"Ang hiniling ko lang, sabi ko, 'Hintayin mo lang ako. Mag-a-abroad pa ako.

"'Mero'n pa akong obligasyon, magpapatawa pa ako ng mga tao sa ibang bansa.

"'Ayoko man umalis, pero kailangan kong gawin 'to kasi responsibilidad ko 'to.

"'Hintayin mo lang ako. Huwag ka munang umalis.'

"Hinintay naman niya ako.

"'Tapos, noong dumating ako, sabi ko sa kanya, 'Okay na 'ko. Puwede ka nang umalis.'

"Masyado kasi akong selfish kapag sinabi kong, 'Huwag kang aalis, huwag mo kong iiwan. Hindi ko kakayanin.'

"E, nakikita ko na nahihirapan na yung lola ko. Habang nahihirapan siya, nauuna akong mamatay sa sakit.

"So, 'Okay na ko, Nay. Okay na ko, Ma, alis ka na. Pahinga ka na. Punta ka na sa pupuntahan mo. Sige na.'

"Kasi, baka nahihirapan siya, iniisip niya, hindi niya ako mababantayan.

"Pero sabi ko, 'Okay na 'ko, kaya ko na sarili ko. Oras na 'to para ituon mo atensiyon mo sa sarili mo. Kung nahihirapan ka, I'm okay, you can leave anytime.'

"Pero ewan ko, mukhang hindi, e. Ewan ko kung ano pinagkakaabalahan ng taga-sundo, hindi nagpupunta sa bahay namin," pahayag ni Vice sa panahong malubha pa ang estado ng kanyang lola.

Pumanaw ang lola ni Vice noong Sabado, December 31—isang araw bago ipalabas ang interview niya sa The Buzz.

CLICK HERE to read PART 2


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN