Genelyn Magsaysay on Ramona's inclusion in wanted list of Interpol: "Sobra pong sakit dahil hindi naman po terorista ang anak ko at hindi pa naman napapatunayan na may sala siya."

IMAGE Danny Pata / File photo

"Sana po maging dahan-dahan tayo sa pagtuturo, judge, at pagko-condemn dahil hindi pa po talaga napapatunayan na ang mga anak ko po talaga ang gumawa ng pagpatay kay Ramgen," says Genelyn Magsaysay (main photo).


Mula sa "blue notice list" ng Interpol (International Criminal Police Organization) ay iniakyat na sa "red notice list" si Ramona "Mara" Bautista.

Ito ay dahil sa pagiging suspek niya sa pagpaslang sa kanyang kapatid na si Ramgen Revilla noong Oktubre 28, 2011.

Ang ibig sabihin ng "red notice list" ay may warrant of arrest na kay Mara.

Hindi tiyak ang eksaktong lokasyon ni Mara ngayon, ngunit may report na nakatira sila ng asawa niyang si Engin Tuna Bülbüloglu, isang Turkish national, sa Cyprus.

(CLICK HERE to read related story.)

Kaugnay ng pagkakasama ni Ramona sa wanted list ng Interpol, live na nagpainterbyu sa The Buzz noong Linggo, March 4, ang kanyang ina na si Genelyn Magsaysay.

Ang tatlong hosts ng programa na sina Boy Abunda, Charlene Gonzalez, at Toni Gonzaga ang nag-interview kay Genelyn.

WANTED. Ano ang pakiramdam niya bilang ina na ang kanyang anak ay pinaghahanap na at nasa wanted list na ng Interpol?

Sagot ni Genelyn, "Napakasakit po para sa akin dahil hindi po binigyan ng pagkakataon si Ramona.

"Unang-una po, gusto ko po sanang malaman ng buong bayan na hindi po dapat nasa Interpol si Ramona ngayon dahil hindi po siya dumaan sa tamang proseso.

"Yun pong warrant of arrest na kinuha po ng counsel ni Ms. Janelle Manahan na dinala po sa Interpol ay hindi po dapat included si Maria Ramona dahil nag-ano po kami sa husgado ng judicial determination of probable cause.

"Merong 10 days po ang judge para mapag-aralan ang kasong ito at meron din po kaming petition for review sa DOJ [Department of Justice] na ipinaalam naman po sa mga counsel ni Ms. Janelle Manahan."

Si Janelle ang kasintahan ni Ramgen na kasama nito noong mapaslang ang aktor.

Ang tanong naman ni Boy, kung meron nang petition for review, bakit napasama ang pangalan ni Ramona sa warrant of arrest?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi at first nga po, dapat nga po, kasama siya.

"Pero ang sabi po ng korte, timely filed yung judicio determination of probable cause.

"In-explain po yun ng judge doon sa mga abugado," sabi ni Genelyn.

Bilang isang ina, ano ang nararamdaman nito na nasa wanted list ng Interpol ang kanyang anak?

"Sobra pong sakit dahil hindi naman po terorista ang anak ko at hindi pa naman napapatunayan na may sala siya.

"Kahit po si Ramon Joseph, kinuha po at dinampot ang anak ko ng walang warrant of arrest."

Si Ramon Joseph o RJ ay kapatid nina Ramgen at Ramona na suspek din sa pagpaslang sa aktor.

Ano ang nararamadaman ni Genelyn na sinasabi at itinuturo ng mga testigo ang kanyang mga anak na may kinalaman sa pagpatay kay Ramgen?

"Alam n'yo po, napakahirap po dito ng hustisya natin. Puwede nang mag-akusa kahit walang ebidensiya," sagot niya.

A MOTHER'S CRY. Ang naging katanungan naman ni Charlene, bilang isang ina, paano nagko-cope at saan kumukuha ng lakas si Genelyn para harapin ang mga pinagdadaanan ng kanilang pamilya.

"Sa Panginoon lang po. Kasi po, Kristiyano po ako at ang mga kapatid ko po sa Panginoon ang siyang nag-aalalay sa akin at sa aking mga anak."

RAMGEN'S BIRTHDAY. Noong February 12 ay 23rd birthday sana ni Ramgen. Pero kahit wala na ito ay ipinagdiwang pa rin daw nila ang kanyang kaarawan.

Kuwento ni Genelyn, "Pumunta po muna kami sa San Juan, Batangas, kasi birthday rin po ng isang anak ko, si Regine.

"Pagkatapos po do'n, dumiretso po kami sa Angelus Eternal Garden [pinaglibingan kay Ramgen].

"Pagkatapos po noon, nagkatuwaan po ang mga bata, bumili po ng Black Label [alak] at pagkatapos inilagay sa puntod niya."

GENELYN STILL IN CONTACT WITH RAMONA. Ayon kay Boy, maraming tanong ang bayan, tulad na lang kung alam daw ba ni Genelyn kung nasaan ngayon si Mara? Kailan sila nagkausap?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon daw kasi ay tila si Mara ang susi sa lahat ng mga nangyari.

Ipinagtapat naman ni Genelyn na nakakausap pa rin niya ang anak.

Ayon kay Genelyn, "Nakausap ko siya siguro mga two to three weeks ago.

"At ang nagpaalam po ng tungkol sa Interpol ay... actually, nanggaling daw po mula kay Ramona.

"Ang gusto ko lang din pong malaman ng buong Pilipinas, si Mara po ang dumaraan sa proseso.

"Pumupunta po siya sa DFA [Department of Foreign Affairs] para mag-file ng counter-affidavit or anumang bagay na dapat niyang sagutin dito sa Pilipinas.

"Siya po ay dumaraan sa butas ng karayom.

"Kung hindi po ini-allow ng DFA yung counter-affidavit ni Ramona, ibig pong sabihin, nagtatago pong talaga si Ramona.

"So, dumaraan po sa proseso si Ramona. Hindi lang po kami nagpapa-media."

Kinumusta naman ni Toni Gonzaga kay Genelyn si Ramona base sa pakikipag-usap niya sa anak.

"Yung pinaka-last na kausap ko siya, bago ang last time, sinabi niya na naho-homesick na raw siya."

Aware ba si Ramona sa lahat ng nangyayaring gulo dito sa Pilipinas?

"Nakatutok naman daw po siya," sabi ni Genelyn.

"Ang ano lang po namin kay Ramona, kasi po, bilang ina, noong dinala po ng mga pulis si Ramon Joseph ng walang warrant of arrest, tingin po, ganoon din po, magiging malabo ang gagawin nila kay Ramona.

"So, kailangan din po ang bata, makapag-isip-isip at maipagtanggol niya ang kanyang sarili.

"Katulad po ng nangyari kay Senator [Ping] Lacson na siya po ang umalis ng bansa at naghintay ng tamang panahon."

Ang tinutukoy ni Genelyn ay ang pag-alis sa bansa ni Senator Lacson nang masangkot ang pangalan niya sa pagpatay kay Bubby Dacer.

IN TIME. Kung masusunod si Genelyn at sabihin na kailangan ang presensiya ni Ramona, gugustuhin ba niyang bumalik ng bansa ang anak?

"Sa tamang panahon, Kuya Boy. Sa tamang panahon," mariing sabi ni Genelyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At alam po 'yan ni Ramona. Malakas po ang loob ni Ramona.

"Alam niyang wala siyang ginawang kasalanan.

"Pero po, kailangan pong magkaroon ng pagkakataon si Ramona na maipagtanggol niya ang kanyang sarili dahil po dito sa Pilipinas, wala po kaming chance na maipagtanggol ang mga bagay na ito."

Kailan naman ang tamang panahon?

"Merong tamang panahon. Meron po. Ibibigay po yun ng Panginoon.

"Sa ngayon po, hindi puwede.

"Dahil ang gusto nilang patunayan, ang mga anak ko ang pumatay sa sarili nilang kapatid.

"At mapapatunayan ko po 'yan, Kuya Boy.

"Si Ramona, ako, pirma ko, pirma ni Ramgen, may dokumento kaming magpapatunay na sinuportahan namin si Ramgen na yung maliit na business na bigay sa amin ni Don Ramon, si Ramgen po ang pinaghawak po namin. Siya po ang nagko-control noon."

Ang tinutukoy ni Genelyn na "Don Ramon" ay ang dating aktor at senador na si Ramon Revilla, Sr.-ang ama ng kanyang mga anak.

A MOTHER'S PRAYER. Maliban sa kaso, ano pa ang mother to daughter na pinag-uusapan nila ni Ramona?

"Sabi niya, 'Mommy, you have to be strong for us. Para pati kami, maging strong din na lumalaban.'

"Sabi ko naman, 'Oo anak, I'm strong because I am in the Lord.

"If the Lord is with you, nobody can be against you."

Ano nga ba ang dasal ni Genelyn sa Diyos ngayon?

"Palagi ko pong sinasabi that I still praise Him. I still worship Him and exalt Him.

"Dahil hindi po darating ang mga negatibong bagay na ito kung hindi kami tutulungan din ng Panginoon.

"Just like with what happened to Job. Tinanggal sa kanya lahat, ini-strip sa kanya lahat, pero after that, nang mapatunayan na ng Panginoon na ang taong ito ay akin, binigay pa ng Panginoon ang higit pa."

Wala bang sandali na nagduda rin siya at nanghihina na ayaw na niyang kumapit?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dumarating po yun, Tito Boy. Nananalangin po," sabi ni Genelyn.

JUDGMENT. Ano naman ang mensahe ni Genelyn sa mga taong hinusgahan na ang kanilang pamilya at gayundin si Ramona?

"Sana po maging dahan-dahan tayo sa pagtuturo, judge, at pagko-condemn dahil hindi pa po talaga napapatunayan na ang mga anak ko po talaga ang gumawa ng pagpatay kay Ramgen.

"At dapat sana, maging vigilante rin kayo na kayo mismo, hanapin natin ang totoong pumatay dahil nagdemanda na ako ng homicide sa bodyguard ni Ramgen.

"At pakiusap ko rin kay Ms. Janelle Manahan, tinuturo ko yung pumatay, pero sinabi niya sa ibang istasyon na pinapatawad niya yung pumatay, pero idinidiin niya at kanyang mga abugado ang aking mga anak at maging ako.

"Nabasa ko sa Internet na may mga sinasabi sila na baboy ako, pumuputok na ang mukha ko sa sobrang katabaan ko.

"Sobra nang below-the-belt ang ginagawa nila sa amin.

"Pero sabi ko, may Panginoon ako. Lahat ng ginagawa nila, may panahon ang Panginoon para mapatunayan sa lahat na wala kaming kinalaman sa pagkamatay ni Ramgen.

"Dahil mahal na mahal namin si Ramgen at hindi namin puwedeng gawin kay Ramgen yun.

"Sa lahat ng laban ni Ramgen, magkakasama kami. Pinagtatanggol namin si Ramgen," saad ni Genelyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN