Mikael Daez on eating white rice and other carbs: "Kailangan hinay-hinay lang. Everything in moderation."

IMAGE Sany Chua

Mikael on eating healthy: "I’m not into the trendy diets—South Beach diets, Athlete’s diet... I mean, I’m sure they have their pros and their cons, but I really believe in lifestyle diets. I mean, your diet should be something that can be sustainable, something that you can build on and work on for the rest of your life. Kasi, you need to be healthy throughout your life. You can’t just be healthy for, like, one month at a time. Hin


Isa ang Kapuso actor na si Mikael Daez sa 69 Cosmo bachelors na rumampa sa SMX Convention Center noong September 18. (CLICK HERE to read related article)

Dito ay talagang tinilian ng mga babae ang matipunong pangangatawan ng aktor, na bago pa man maging artista ay nagmomodelo na.

Dahil nga sa magandang pangangatawan ay hindi na kagulat-gulat na kinuha si Mikael bilang pinakabagong endorser ng Centrum multivitamins.


Sa panayam sa kaniya ng PEP noong September 26, wika niya, “You know, it’s a kind of a perfect fit for me kasi like I said, I’m kind of a health buff.

“Ako iyong tipong I go to the internet, I read through magazines and hinahanap ko talaga [health articles] as a hobby. And I do it for fun, so... I do it for fun! I read up on health for fun."

Dagdag pa niya, “For me, eating healthy really is part of my lifestyle talaga.

“And it’s such a great feeling to know that, you know, I’m being backed up and I’m representing Centrum, which also promotes the same advocacy, which is to eat right and supplement your daily diet well.

“So for me, there’s not as much pressure because I’m very confident with what I’m eating, I always try to live a healthy lifestyle and I try to look for other ways to be healthy.”

DIET. Para kay Mikael, ang healthy-eating o pagkain ng masusustansiyang pagkain ay maituturing daw na lifestyle.

“I’m not into the trendy diets—South Beach diets, Athlete’s diet... I mean, I’m sure they have their pros and their cons, but I really believe in lifestyle diets.

"I mean, your diet should be something that can be sustainable, something that you can build on and work on for the rest of your life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, you need to be healthy throughout your life. You can’t just be healthy for, like, one month at a time. Hindi gano'n.

“Eating well is a lifestyle. So it’s important for me to know what to eat. So whenever I go somewhere, I have an idea now of what’s healthy or not.”

CARBO-LOADING. Ano nga ba ang karaniwang problema ng mga Pilipino pagdating sa pagkain?

Ayon sa obserbasyon ni Mikael, ito raw ay ang sobrang pagkain ng mga bagay na mataas sa carbohydrates.

“One thing that Filipinos really have problem with is carbs. We eat so much carbs, alam natin yan.

“White rice? Talagang patay tayo sa white rice.

"Kailangan hinay-hinay lang. Everything in moderation."

Base sa studies na ipinakita ni Mikael at ng Centrum sa presscon, ang sobrang pagkain ng mga high-carbohydrate food gaya ng white rice—na sinabayan pa ng ibang pagkain na mataas sa prreservatives at cholesterol, at hindi regular na pag-e-exercise—ay dahilan kung bakit nagiging overweight at obese ang isang tao.

“Some of us eat five cups of rice in one sitting, 'di ba? So, I think it’s important for Filipinos to know how it affects their diet," wika pa ni Mikael.

Makakatulong raw kung gagawing habit ng mga Pinoy na alamin kung ano ang nilalaman ng kanilang kinakain.

“And makikita naman nila kung pa'no mag-adjust rin.

"Like, baka kailangan dagdagan ng vegetables or liquid or meat, other than just eating white rice, so... things like that," aniya.

WORKOUT REGIMEN. Upang magsilbing inspirasyon sa nakararaming Pinoy, inilarawan ni Mikael ang kanyang workout regimen.

Aniya, noon pa man ay very active na ang kaniyang lifestyle, maging ang kaniyang buong pamilya.

“You know, people say you workout three times a week, okay lang, but I kinda like working out every day, if possible.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Right now, I have tapings so it’s kind of busy and hectic. But given the chance, I would really workout maybe five times a week, six times a week.

“And different kinds of workout, not just gym. I play ball, I’ll run with my brothers and sisters, then I’ll do other things.

“'Cause we’re a very active family, e. We have a very active lifestyle,” sabi pa niya.

Malaking tulong nga raw ang pag-e-exercise upang mas pabilisin ang metabolism ng tao at ito ang naging daan para mas mapaganda ni Mikael ang hubog ng kanyang katawan.

HOBBIES. Bukod pa sa kanyang scheduled workouts, ginawa ring hobby ni Mikael ang paglalaro ng iba't ibang sports.

Naging varsity player ng basketball si Mikael sa Ateneo de Manila Universtiy noong siya ay high school pa.

Hanggang ngayon, kasama pa rin ito sa kaniyang mga libangan.

“[My] favorite sport is basketball. First love. It’s very Pinoy din.

“Running, biking, and lifting weights—those are my secondary activities.

“But I also like trying out different things, like, I’ve tried out recently badminton. I also like playing volleyball.

“Soccer... I’m not good at it, but hey, my friends play it, and I enjoy naman.

"Let’s see…other things I’ve tried... I tried swimming for a while.

“So I really like trying out different things, different workouts even—not just sports.

"Different kind of workouts… there’s crossfit, there’s training for triathlon... so, I like trying out a lot.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN