New celebrity moms Sunshine Dizon and Katrina Halili resurface on TV; talk about their return to showbiz

IMAGE 0


Pagkatapos maisilang ang kanilang mga anak ngayong taon ay sabay na nag-guest sa Sarap Diva ni Regine Velasquez-Alcasid (gitna) ang Kapuso actresses na sina Sunshine Dizon (kaliwa) at Katrina Halili (kanan).


Balik-telebisyon ang mga bagong mommy na sina Sunshine Dizon at Katrina Halili.

Pagkatapos ng mahaba-habang panahon ay napanood ang dalawa sa weekly morning cooking show ni Regine Velasquez-Alcasid sa GMA-7, ang Sarap Diva, kahapon, November 3.

Nakausap ng StarTalk TX ang dalawang Kapuso actress.

SUNSHINE DIZON. Si Sunshine ay nagsilang ng ikalawang anak nila ng mister niyang si Timothy Tan noong June 2. (CLICK HERE to read related story.)

Paano siya napapayag na lumabas ulit sa TV pagkatapos ng dalawang taon?

Ang huli niyang nilabasang programa ay ang drama anthology ni Claudine Barretto sa GMA-7 noong 2010.

Sabi ni Sunshine, “Kasi si Ate Reg is also a good friend, she’s a dear friend, and I want to support her show.

“And it so happens na the show naman is about new moms, ganun, and cooking...

"And vacation ko naman ngayon, so okay lang.”

Bukod sa pag-aalaga sa kanyang mga anak na sina Doreen at Antonio, Sunshine is now taking up a culinary course.

Sabi ng aktres, “My plan lang now is to take care of my children and, hopefully, graduate nang maganda ang grades sa culinary.”

Bukod dito, plano rin daw nila ni Timothy na magbukas ng sarili nilang restaurant.

Wala pa ba sa plano ni Sunshine ang magbalik-showbiz?

“Insecure pa ako!” sabay tawa ni Sunshine, na halatang nadagdagan ang timbang mula nang nagka-asawa’t nagkaanak.

“Kasi gusto ko munang pumayat.

“Siyempre, iba yung payat ka talaga. You’re free to, you know, move and wear whatever you like to wear.

“Tsaka mahirap mag-dictate ng gusto mong role pag mataba ka.

“I’m not closing my doors… I just don’t have a plan right now.

“Ang plano ko lang talaga muna is mag-concentrate on my family and finish school.

"Ini-enjoy ko muna yung time na hindi ako nagwo-work.”

KATRINA HALILI. Unlike Sunshine na wala pang definite plans sa kanyang showbiz career, balik-trabaho naman sa darating na Enero 2013 ang mommy na ring si Katrina Halili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagsilang si Katrina ng kanilang anak ng singer na si Kris Lawrence noong September 18. (CLICK HERE to read related story.)

“January 6 po yung nasa contract ko. So mga next month mag-i-start na akong magpapayat!” ang tumatawang sabi ng StarStruck alumna.

“Ini-enjoy ko muna yung time na hindi ako nagwo-work para alagaan yung baby ko.

“Mahirap talaga, siyempre given na yun, pero masarap yung feeling na may baby.

"Masaya... masaya sa bahay.”

Tuloy pa rin daw siya sa pagpapa-breastfeed kay Katrence or Katie.

“Ayoko mawala yung breastfeed kasi iba yung feeling, e.

“Iyon yung time na bonding namin tapos parang feeling mommy ka talaga pag nagbi-breastfeed ka.”

Plano nina at Katrina at Kris na sa January gawin ang binyag o dedication ng anak nila.

Pero nakaplano na rin ba ang pagpapakasal nila?

Sagot ni Katrina, “Kung si Kris ang ibibigay sa akin ni God, why not, di ba?

“Basta sa ngayon, ang priority namin is si Katie lang muna.

“Sa January, actually mga third week yata, yung dedication for Katie.”

Ang kasal nila ni Kris?

“Dedication lang muna... huwag muna, huwag muna.

“Mabait naman si Kris, e, responsible naman siya—pero hindi pa siguro ito yung time.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN