Andrea del Rosario shakes new "moneymaker" to help children in need

IMAGE 0


Actress-model Andrea del Rosario wants her restaurant business to become more successful and profitable so that she can give more help to children in need. “The more people patronize Longganisa Sorpresa, mas malaki ang naibibigay naming tulong sa mga bata ng iFoster.”


Halos tatlong taon na ang nakalipas mula nang ma-diagnose at maka-survive ang anak ni Andrea del Rosario na si Beatrice Anne sa rare congenital disorder na Jejunal Atresia.

(CLICK HERE to read related article)

Dahil sa pagsubok na ito, aminado si Andrea na mas lalong napalapit ang kanyang puso, hindi lamang sa kanyang anak, kundi maging sa ibang batang nangangailangan.

Sa katanuyan, layunin ngayon ng aktres ang makatulong sa iFoster, isang organisasyon na nangangalaga sa mga at-risk children and youth.

Sa pamamagitan ng kanyang restaurant na Longganisa Sorpresa, balak ibahagi ni Andrea ang kanyang kinikita upang suportahan ang medical at educational needs ng mga batang nasa pangangalaga ng organisasyon.

“Maraming mga bata na naghihintay lang para sa mga magiging foster parents nila.

“So habang wala pa, [gusto ko na] naalagaan sila nang husto like any other kid na may mga magulang.

“Marami sa kanila ay mga babies pa.

“The facility is doing their best to take care of these kids habang naghihintay sila ng mga tao who will take them in foster care.

“Kaya in our own little way, we can help these kids.”

LONGGANISA SORPRESA. Ano nga ba itong negosyo ng dating Viva Hot Babe member?

Ang Longganisa Sorpresa ay isang affordable restaurant na naghahain ng iba’t ibang uri ng longganisa o local sausage na matatagpuan sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Nariyan ang pambato ng Alaminos, Baguio, Cabanatuan, Calumpit, Laoag, Lucban, Tuguegarao, Vigan, Cabanatuan, Davao, Cagayan de Oro, General Santos, Cebu at Pampanga.

Kuwento ni Andrea, “As of now, we have three branches of Longganisa Sorpresa— sa Pasig, Mandaluyong, and Makati. And now, we are open for franchise.

“We also added pastries sa business namin called Bee’s Sweet, named after my daughter. We sell cakes, ensaymadas and other desserts.

“Meron na rin kaming mga food carts at kiosks na bubuksan to cater to our longganisa business.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinagpapasalamat nang husto ng aktres ang magandang takbo ng kanyang negosyo.

“I thank God that business is doing okay.

“Two years pa lang kami, but we are doing good despite the stiff competition sa food/resto business.

“May mga loyal customers na rin kasi kami sa iba’t ibang branches namin.

“At siyempre, iyong word of mouth keeps our business going, kaya we make sure that we give good service, malinis ang mga lugar namin, and nagkakaroon kami ng iba’t ibang mga choices sa menu namin.”

Pangarap ni Andrea na mas lumago pa ang kanyang negosyo.

“The more people patronize Longganisa Sorpresa, mas malaki ang naibibigay naming tulong sa mga bata ng iFoster,” saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN