COUPLE OF THE WEEK: Piolo Pascual and Shaina Magdayao seen holding-hands-while-walking

Piolo Pascual and Shaina Magdayao were seen "HHWW" or holding hands while walking after the live episode of ASAP 18 at the Marikina Sports Complex last Sunday, October 6.


Nasaksihan ang pagiging sweet nina Piolo Pascual at Shaina Magdayao nang makita silang laging magkahawak-kamay pagkatapos ng ASAP 18 noong October 6, 2013, Linggo, sa Marikina Sports Complex.

Bahagi ito ng 60 Years Celebration ng ABS-CBN.

Nang palabas na ang dalawa sa venue pagkatapos ng Sunday musical variety show, namataan sina Piolo at Shaina na holding hands. Papunta ang dalawa sa pick-up point ng mga celebrities at staff ng ASAP na nasa likod ng venue.

Mag-iisang taon na nang simulang ma-link sina Piolo at Shaina, pero consistent ang dalawa sa kanilang sagot sa mga interviews na wala pa silang relasyon.

Paliwanag nila, masyado lang silang malapit sa isa’t isa at matagal nang magkaibigan, kung kaya’t marami ang nag-aakala na may namamagitan sa kanila na higit pa sa pagkakaibigan.

Safe ang kanilang sagot sa tuwing matatanong sila tungkol sa isa’t isa.

Sa isang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Agosto, sinabi ni Piolo na ideal girlfriend si Shaina.

(Read: Piolo Pascual says Shaina Magdayao is an "ideal girlfriend")

Hindi naman masisisi ang iba na mag-isip kung ang relasyon ng dalawa ay higit pa sa pagkakaibigan.

Matatandaang noong Star Magic Ball noong Setyembre 8, magkahiwalay man silang dumating sa Fairmont Hotel ay nakita naman silang umalis nang magkasama.

Nagtambal din ang dalawa sa pinag-usapang pelikula, ang OTJ (On The Job), kung saan nagkaroon din sila ng mainit na eksena.

Sa nasabing episode ng ASAP 18 noong Linggo, bukod sa hawakan ng kamay ay ilang beses ding nakita si Piolo na komportableng umaakbay sa aktres.

Ilan ding larawan ang nagpapakita na kasabay rin nila ang isa pa nilang malapit na kaibigan,si Nikki Gil, na kahawak kamay din ni Shaina.

(Photos: Piolo Pascual and Shaina Magdayao: Are they an item or not?)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN