Paolo Valenciano inspires celebrity friends to make a lifetime commitment

IMAGE Mark Atienza

Paolo Valenciano says friends from showbiz have approached him and his wife Sam for advice about getting married. “I wouldn’t say who, but after the wedding a lot of my friends came up to us and talked to us, telling na they really were inspired by the wedding." He lets on that more showbiz weddings are coming up that people don’t know about yet. "It’s just gonna happen. You’re gonna see it. And I’m very happy for t


Ang pag-iisang dibdib nina Paolo Valenciano at Sam Godinez ang isa sa mga pinakahinangaang celebrity weddings ngayong taon.

Nagbigay inspirasyon ang kwento nila bilang dating magkababata hanggang sa naging magkasintahan sa loob ng anim na masasayang taon.

Ginanap ang kasalan nila noong February 7 sa Manila Polo Club, trending ang #SamPaolowedding nang araw na iyon, lalo pa’t maituturing silang showbiz royalty.

Ang mga magulang ni Paolo ay sina Gary Valenciano, kilalang singer-actor sa loob ng 30 taon sa show business, at Angeli Pangilinan, na top executive ng Manila Genesis Entertainment and Talent Inc.

Si Sam Godinez naman ay anak nina Jaime Godinez, na top executive ng Soundcheck professional light and sounds company, at Gina Tabuena-Godinez, na kapatid ni Martin Nievera at dating talent manager nito.

Ilan sa mga artistang kabilang sa secondary sponsors ng kasal nina Paolo at Sam ay sina Jericho Rosales, Yael Yuson, Karylle, at Iya Villania.

Dumalo rin sa kasal ang magkasintahan na si Toni Gonzaga at Paul Soriano bilang guests.



WHO’S NEXT? Ang tanong ng bayan: sino kaya sa mga iba pang celebrity couples ang susunod na ikakasal?

Si Jericho at ang girlfriend na si Kim Jones ay dalawang taon nang magkasintahan. Sa kasalukuyan ay engaged na sila.

Sina Toni at Paul ay anim na taon nang magkarelasyon kaya’t maraming espekulasyon kung kailan nila balak lumagay sa tahimik.

Si Iya Villania at nobyong Drew Arellano ay siyam na taon ng magkasintahan, at napapabalita rin na engaged na, ngunit hindi pa nila kinukumpirma.

Sina Karylle at Yael ay nagda-date exclusively mula noong taong 2010, pero hanggang ngayon ay nananatili silang mailap pagdating sa kanilang relasyon.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal kay Paolo, inamin nito na marami sa kanyang mga kaibigan ang lumapit sa kanya para humingi ng advice tungkol sa pagpapakasal.

Saad niya, “I wouldn’t say who, but after the wedding a lot of my friends came up to us and talked to us, telling na they really were inspired by the wedding.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, there are a lot of weddings coming up na a lot of people don’t know. It’s just gonna happen. You’re gonna see it. And I’m very happy for them.”

Una na rito si Jericho na nag-propose ng kasal sa kanyang nobyang si Kim Jones, noong August nitong taon.

Kwento ni Paolo, humingi pa raw sa kanya ng advice si Jericho bago ito nag-propose kay Kim.

“Actually, what’s funny is that we talked about it right before he proposed. And, he told me that he's planning to propose soon and then he proposed the next day. Pero he didn’t tell anyone.

“Tinext ko siya, ‘Walanghiya ka. Sabi mo, ‘Soon.’ Hindi ko alam na it’s gonna be 12 hours later!”

Ano ang tip na ibinigay niya kay Jericho tungkol sa pagpapakasal?

Sagot ni Paolo, “My advise to him was make sure it’s not a long engagement. And if you’re gonna propose, work on the wedding kaagad. Don’t wait too long kasi the girls, I don’t think they like waiting too long.

“So true enough, they’re not having a long engagement, which is my number one advice for them.”

Bilang lalaki, naniniwala si Paolo na walang disadvantage ang pagpapakasal bago siya tumungtong ng 30 years old.

Aniya, “When I fell in love with Sam, I knew it’s her na. It’s not like I wanted any other girl.

“I don’t feel there are disadvantages as long as you’re in love with a girl. If you’re not then I can see some problems.”

Ayon pa kay Paolo, maswerte sila ni Sam dahil ginagabayan sila ng kanilang pamilya at mga kaibigan pagdating sa kanilang relasyon.

“It’s impossible to have no distractions. But it’s very important that you surround yourself with good people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We were very active in church. So throughout our entire relationship, there are people guiding us the whole time.

“If there are problems or whatever, they would always get involved. We’ve always asked them for guidance. That’s why our relationship stayed strong.”



MARRIED LIFE. Bagamat matagal naging magkasintahan sina Paolo at Sam bago sila ikinasal, ibinahagi niya na marami silang natutuklusan sa isa’t isa ngayong nakatira sila sa iisang bubong.

“I love it! It’s quite an adventure actually. We’ve known each other since we were young, and now were discovering new things about each other. So we highly recommend all our celebrity friends to get married now!” natatawang turan ni Paolo.

Dagdag pa niya, “Everything’s adjusting. It’s different na parang there’s another person there. I gotta adjust to where I put my shoes, yung clothes, everything. It’s all adjusting, pero it’s fun.”

Ang pagkakaroon daw ng sarili nilang bahay ang isa sa mga pinaghandaan ni Paolo dalawang taon bago sila ikinasal ni Sam.

Ito ay sa kadahilanang ayaw nilang maging pabigat sa kani-kanilang mga magulang, lalo na’t balang araw ay magkakaroon sila ng sarili nilang pamilya.

“Yes. It was a big deal for us, whether we’re gonna stay with our parents. We felt that our parents have been supporting us for quite a long time already.

"We felt na they deserve this break. Just to ease the load ‘coz they’re still taking care of my siblings. My parents are still sort of taking care of them pa.

"At least, we take off some of the load that they’re paying off. We thought that it’s the best way of being independent.”



KIDS. Nang tanungin ng PEP kung plano na ba nilang magkaanak, sa ngayon ay gusto raw muna nilang i-enjoy ang buhay mag-asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Paolo ay may edad na 29 taong gulang habang si Sam ay 26 taong gulang pa lang.

Pero kung si Paolo ang masusunod, mas gusto niyang magkaroon na sila ng anak habang bata pa sila.

Aniya, “The advantage is when I have kids, the age gap is very important. That’s why I think my dad and I have a really good relationship.

“It was very controversial at that time when I was born. Maybe, my dad who was only 19 years old then, was a little too young to have a kid.

“But I think the reason why my dad and I have a really good relationship is that I am only 20 years younger than he is.

“I wanted to have that kind of relationship with my children. The age gap won’t be to big.”

Sa kabila nito, naiintindihan niya na hindi nila kailangang madiliin ni Sam ang pagkakaroon ng anak, lalo na’t madami pa silang gustong gawin sa kani-kanilang karera.

Si Paolo ay isang singer/director/editor samantalang si Sam ay isang production designer/photographer.



SOLO ALBUM. Lead vocalist si Paolo ng OPM band na Salamin mula taong 2004.

Pero sa ngayon, mayroon siyang gigs bilang solo singer.

“I’m working on my solo album. That’s my first so I’m trying my best to figure this out.

“Salamin’s currently on hiatus but were planning to go back next year because it’s our group's tenth year anniversary.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN