Zsa Zsa Padilla’s love advice to her daughters: “Pag nahanap niyo na yung taong ito, huwag niyo nang pakakawalan”

IMAGE Noel Orsal

Very supportive si Zsa Zsa Padilla (left) pagdating sa lovelife ng kanyang mga anak, gaya ng panganay na si Karylle. “Oo naman, supportive ako sa lahat, lalo na kung sa palagay nila nakahanap na sila ng good boy o good man,” sagot ng Divine Diva.


Ang pinagtutuunan ng pansin ngayon ni Zsa Zsa Padilla at ng kanyang mga anak na sina Karylle, Nicole, at Zia ay lalo pang pagtibayin ang kanilang relasyon.

Sa sabay na panayam sa Divine Diva at kay Karylle sa Jollibee Family Values Award noong October 15, Martes, ibinahagi ng mag-ina na sinisikap nila na magkaroon ng quality time sa kabila ng kani-kanilang busy schedule.

Paglalarawan nga ni Karylle sa kanyang ina, “Todo-todo ‘tong magtrabaho, kahit na kagagaling lang sa sakit.

“Kita naman natin na nagtapos siya ng isang album, tapos siyempre nag-Juan dela Cruz siya na hindi madali kasi ang daming make-up.”

Ang papel ni Zsa Zsa sa primetime teleserye ay reyna ng mga aswang kung kaya’t may mga pagkakataon na kailangan niya ng makapal na make-up bilang prosthetics.

“Pero lahat ‘yan ginawa niya na parang walang hirap kasi alam naming she’s doing it for us,” papuri ni Karylle sa nanay niya.

Sinabi ni Zsa Zsa na dahil siya na ang tumatayo bilang padre de pamilya, kailangan niyang magtrabaho nang maigi para sa kinabukasan niya at ng kanyang mga anak.

(Read: Zsa Zsa Padilla still keeping conversation with Dolphy going)

Ayon pa kay Zsa Zsa, hindi pa raw napapanahon para magretiro siya.

Tugon naman ni Karylle, “Ngayon ang pinu-focus namin… kasi siguro dahil din masyado kaming busy sa trabaho… ngayon ang tina-try naming buuin yung family time, like nagpunta kaming Nuvali [Laguna], nag-basketball kami. Naglaro lang kami sa playground, simpleng family day."

Dagdag pa niya, maganda raw minsan na hindi kinakailangang magarbo ang pagpaplanong paglabas kasama ang mga mahal sa buhay.

“Yun talagang ibahin natin, matuto tayo from other families and i-adopt natin sa sarili nating pamilya,” detalye pa niyang kuwento.

Natanong naman kay Karylle kung handa na siya kung sakaling muling magmahal ang ina na ngayon ay mahigit isang taon nang single mula noong pagpanaw ni Dolphy noong Hulyo ng nakaraang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi pa namin iniisip,” maikli niyang tugon.

MOM’S LOVE ADVICE. Sa kabilang banda, suportado naman ni Zsa Zsa ang kanyang mga anak pagdating sa kanilang lovelife.

“Oo naman, supportive ako sa lahat, lalo na kung sa palagay nila nakahanap na sila ng good boy o good man.

“Mahirap hanapin ‘yan these days, di ba?” lahad ng Divine Diva.

Ang payo nga raw niya sa kanyang mga anak pagdating sa pag-ibig, “Sabi ko talaga pag nahanap na nila yung tao ito, huwag n’yo nang pakakawalan kasi napaka-rare na ng mga dedicated talaga, makikita mo talagang in love sa ‘yo o dedicated sa anak mo.”

Nang hingan naming ng reaksyon si Karylle sa tinuran ng ina, paiwas niyang tugon, “Okay lang, puwede na. Corny, e. Ayoko talaga, pasensya na.”

Ang boyfriend ni Karylle ay ang vocalist ng bandang Sponge Cola na si Yael Yuzon.

CINDERELLA. Samantala, bukod sa It’s Showtime, ang pinagkakaabalahan ngayon ni Karylle ay ang musical play na Cinderella na nagbukas sa Resorts World Manila, Pasay City, noong October 9.

Ani Karylle, ang theatre play na pinagbibidahan nila ni Christian Bautista ay magtatagal hanggang December.

Nang ganapin ang panayam ay sinabi ni Zsa Zsa na may utang pa siya kay Karylle dahil hindi pa raw niya ito napapanood, subalit masaya naman si Karylle sa pagpapadala ng bulaklak sa kanya ng ina nang magbukas ang play.

Ngayong nasimulan na niya ang kanyang pinakahuling pagganap sa entablado, hindi na ba kabado si Karylle?

“It’s theatre kasi, anything can happen, kaya siya nagiging exciting.

“Pero it’s a very, very magical [play] sana lahat ng may kids, may inaanak, manood kasi sobrang tuwang-tuwa sila sa magic na ipinapakita sa Cinderella.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN