Ariella Arida values friendship with fellow Miss Universe candidates

IMAGE Noel Orsal

On her remark regarding the English-speaking abilities of Latinas, which became a controversial topic in the country before the pageant night, Ariella Arida says: "Wrong choice of words for me din. Mali din iyong nagamit ko na words. Pero, promise, I didn’t mean anything na harsh, I didn’t mean to offend anyone."


Matapos ang kanyang third runner-up finish sa Miss Universe ay mainit pa ring tinanggap si Ariella Arida nga mga Filipino sa kanyang pagbabalik.

Bago pa man lumipad patungong Moscow, Russia noong October 21, ay nakapanayam ni Karen Davila si Ariella sa morning show ng ABS-CBN News Channel (ANC) na Headstart.

Naging viral ang isang bahagi ng interview nang i-post ito ng radio jock na si Mo Twister sa kanyang Instagram account.

Pinuna ni Mo ang pahayag ni Ara [palayaw ni Ariella] na “Latinas can’t even speak a sentence [in English], right?”

READ: Mo Twister criticizes Ariella Arida's offensive comments about Latinas

Matapos kumalat ang video ay agad na nag-apologize si Ara sa pamamagitan ng kanyang Twitter account (@araarida): “OM sorry. I didn’t mean to offend anyone from my last interview. I hope you guys can understand what Im trying to say.”

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ara noong November 21, sa Christmas Tree Lighting event ng Araneta Center sa Cubao, Quezon City ay mas naipaliwanag niya ang sarili.

Wika niya, “Ako kasi, pa'no ba… Kasi the whole interview naman itself is sobrang light.

“And I don’t mean anything about it na… Wala, hindi talaga. Sobrang hindi ko alam na sa iba pala, ganoon iyong the way they took it.

“And, feeling ko talaga, na-ano siya... Misunderstood, na-misinterpret lahat. Kasi, ako naman, sobrang bubbly ko noon.

“Gusto ko lang din i-express iyong sarili ko na, 'Yeah...' I mean, from the past experience, from the past beauty queen title ng Miss Universe, hindi talaga basehan na you really have to have the perfect English, di ba, ganoon.”

Naging mapagkumbaba naman si Ara at inamin na dapat ay naging mas mapili siya sa mga ginamit na salita sa pagsagot sa issue.

“And siguro din, wrong choice of words for me din. Mali din iyong nagamit ko na words.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero, promise, I didn’t mean anything na harsh, I didn’t mean to offend anyone.

“Kaya, wala talaga. Nagso-sorry din ako pero from the start na nalaman ko about it.

“Hindi ko na naisip ipagtanggol iyong sarili ko. Parang, nag-sorry na lang din ako, though hindi ko talaga mini-mean iyon na mang-offend ng ibang tao.

“People will ano pa nga, e, parang they thought I’m a racist because of that comment.

“Pero hindi ko na naisip din iyon. Parang, sige, okay, sorry na agad ako kung anuman iyong nagawa ko.

“Pero, ayun lang, to clear anything, wala po talaga. I mean, Diyos ko, natawa nga ako.

“Oh, my God, sobrang bubbly noong interview pag pinanood mo iyong whole interview.

“Wala, wala talaga. And iyon, I think naman I’m good friends naman with the other girls, especially the Latinas. Sobrang wala lang din sa kanila iyon.”

FRIENDSHIP WITH OTHER CONTESTANTS. Ayon kay Ara, isang mahalagang bahagi ng pagsali sa Miss Universe para sa kanya ay ang pakikipag-kaibigan sa iba pang mga contestants.

Kaya naman nang kumalat ang issue tungkol sa naging komento niya sa mga Latina ay nag-alala si Ara kung paano niya kakaibiganin ang mga ito.

Kwento niya, "Actually, noong una pa lang… Siyempre, bothered ako. I don’t mind naman actually iyong mga bashers here sa Philippines.

“Ang concern ko, iyong relationship ko sa mga girls pagpunta ko sa… Kasi noong nabalitaan ko siya, parang ano pa lang ako, e, on the way palang ako sa Russia, e.

“So iyon talaga iyong concern ko na, ‘Oh, my God, paano ako makikipag-friends sa mga 'to? Baka umpisa pa lang isipin nila ang plastic ko.'

“Siyempre, alam mo iyon, most girls pa naman mga Latinas. Alam mo iyon, pag nag-group sila, ‘Oh, my God,’ ayun iyong iniisip ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang, punta ko doon, gusto kong makipag-friends, gusto kong makilala bawat isang girls, iyong cultures nila.

“Parang, paano ko gagawin, paano ko sisimulan yun? Ang hirap. So iyon agad iyong concern ko.”

Pagdating sa Moscow ay nalaman ni Ara na wala naman siyang dapat ipag-alala dahil hindi naman naging malaking issue sa pageant ang kanyang pahayag.

Patuloy niya, “So, wala naman. Pagpunta ko doon, actually, mukha nga kong ewan dahil I’ve tried to talk to them.

“So, kinausap ko sila—una, si Brazil, then si Venezuela, then Panama. 'Tapos, ikinuwento ko sa kanila iyong nangyari and sabi ko na it was misunderstood, na-misinterpret.

“And parang iyong mukha nila, ‘Ha? What are you saying?’ Wala silang alam. Wala silang alam. Iyon.

“'Tapos, until towards the end of the pageant... Meron kasing media event, 'tapos doon natanong noong mga ibang media from, like, Telemundo, basta iyon, mga from Latin country.

“Natanong na pala nila iyong mga issue sa girls, and hindi nila alam kung anong sasagot nila dahil wala silang alam.

“Until, iyon, tinanong sa 'kin ni Miss Panama. E, close kami noon. 'Tapos ikinuwento ko sa kanya, na parang, ‘Nakuwento ko na sa'yo iyan noong start.’

“Ayun pala iyon, noon niya lang na-get. ‘Ah, okay. Si, si. That’s why they’re asking me.’

“'Tapos, wala lang sa kanila, 'tapos naintindihan nila. Kaya iyon, sobrang wala sa kanila actually.”

Ipinaliwanag rin ni Ara kung bakit mahalaga sa kanya na maging kaibigan ang iba pang mga kandidata.

Aniya, “Kasi hindi mo mae-enjoy iyong whole competition. I mean, siyempre, araw-araw kasama mo mga candidates.

“Kung hindi mo sila mafi-friend at hindi mo sila ifi-friend, at mag-iisa ka lang, hindi mo ma-eenjoy. Hindi talaga.

“Kaya ako, feeling ko, na-enjoy ko iyong journey ko doon, kasi okay ako sa bawat isa.

"I mean, sa mga events, kung sino man iyong makasama mo, at ease ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And all the time talaga sila iyong kasama mo kaya kailangan talaga, close ka din sa kanila.”

ERVIC IN HER DEFENSE. Hiningi rin ng PEP.ph ang reaksyon ni Ariella sa pagtatanggol sa kanya ng model-actor na si Ervic Vijandre, kaugnay pa rin ng kanyang pahayag tungkol sa mga Latina.

READ: Mo Twister and Ervic Vijandre trade insults on Instagram over Ariella Arida's Headstart interview

Bago pa man manalo sa Binibining Pilipinas ay nililigawan na ni Ervic si Ariella.

Matipid na sagot ni Ara: “Alam ko naman na supportive siya from the start, so, thank you! Pero nabigla din ako. Oh, my God, nakipagtalo pa siya doon, pero iyon, thank you.”

Kung ano ang status nila ngayon, tugon niya: “Ganoon pa rin. Sabi ko nga, ‘Let’s take it slow.’ Tignan natin kung gaano siya ka-persistent, until ilang years.”

May pagbabawal ba sa kanya bilang beauty queen na makipagrelasyon?

“Hindi naman, hindi naman. Ako lang din siguro. More on… Okay naman kaming ganito, e, so tignan na lang din natin.”

Ine-entertain ba niya ang panliligaw ni Ervic?

“Oo, ini-entertain ko siya, we go out. Oo.

“Pero ayun, basta okay kami. Ewan ko kung hanggang kailan na… Kung magle-level-up.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN