What Aiza Seguerra was thinking while Liza Diño was walking down the aisle

IMAGE Photos courtesy of Art Atayde

She promised not to cry, but upon seeing her bride Liza Diño in her wedding dress, Aiza Seguerra could not hold back her tears. “Napaka-swerte ko. Napakapalad ko dahil ako ang mahal niya,” related the singer. (In photo with Aiza is Joe Stasi, the officiating minister at their wedding.)


"Sobrang kabado ako."

Ito ang panimula ni Aiza Seguerra nang magkuwento sa Instagram tungkol sa kasal nila ni Liza Diño nitong December 8 (December 9 sa Pilipinas), sa Stones & Flowers Barn and Wedding Retreat sa Sunny Patch Lane, California.

READ: Aiza Seguerra and Liza Diño tie the knot in the U.S.

Aniya pa, na-late sila ng isa't kalahating oras sa pagpunta sa venue.

"Medyo na late kami sa 10 a.m. call time. We got there around 11:30!

"Nakaka-praning kasi ang dami kailangang gawin.

"When we got to the venue, I remember our friends telling me to wait inside my cabin, mag-relax daw ako. Sila na daw bahala.

"Pagakyat ko ng room, hindi ako mapakali. Lalo akong na- tetensyon. I had to do something. I had to help.”

Mabuti na lamang daw, willing ang kanilang guests na tumulong sa mga last-minute preparations nila.

“Nakatulong yung pagtulong ko sa pag-ayos ng little details natin.

"Nawala yung kaba ko kasi mas naka-focus ako sa ibang bagay.

"Nakaka-tension lang kasi may mga guests na, hindi pa rin kami tapos mag-ayos.

"Buti na lang game yung mga bisita natin. They even helped para maayos yung ibang details.”

Bumalik daw ang kaba ni Aiza nang isuot na niya ang suit.

"Halos 3:15 na rin nung umakyat ako sa cabin para magbihis. As soon as I wore my suit, bigla akong kinabahan! Grabe!

"My groomsmen helped big time by giving me whisky shots and telling me that it's normal to feel anxious.

"Parang may isang milyong butterfly sa tiyan ko. Iba pala talaga.

“They called us to get ready for the procession. We were just winging everything 'cause wala kaming rehearsals.

"We started walking nung tumugtog na yung music. My best man, then me. Our ninong and ninangs, the entourage, flower girl and ring bearer.

"Then Amara [anak ni Liza] proudly holding up her 'Wait till you see my mommy' banner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Then the music changed to 'Araw, Gabi.' I knew then na palabas na siya. I was so nervous pero sobrang excited.

“Then I saw her. She was so beautiful. Stunning. So perfect.

"Sabi ko hindi ako iiyak but the most beautiful woman I've ever seen in my whole life was walking down the aisle towards me, hindi ko na napigilan.

"She walked slowly, her eyes fixed at me. Natutunaw ako sa tingin niya.

"Napaka-swerte ko. Napakapalad ko dahil ako ang mahal niya.

"Nung hinawakan ko yung kamay niya, ito na iyon. Ito na ang habangbuhay ko. Siya ang walang hanggan. Ang aking asawa. Ang aking mahal. Ang aking buhay.”

FINALLY. Kasabay ng post ni Aiza ang bagong entry ni Liza sa kanyang Instagram account. Pinamagatan niya itong “A Vow To Forever.” Liza's post:

“Love, eto na:) This is it...FINALLY. We've gone through so much to get here, hindi madali. Ang dami nating pinagdaanan but you know what the best part is... that we are doing it together every step of the way.

'I'm so glad it's YOU. Ikaw ang binigay Niya sa'ken.

“We had to go through our own respective pain and learning experiences, but you know what love, it's all worth it.

"Life has prepared us to meet at the right time and opportunity so we can bring out the best in each other and be the best for each other.

"Kaya ngayon sa harap NIYA, at ng mga nagmamahal sa atin, ibinibigay ko sa 'yo ang puso ko nang buong-buo.

"I am yours my love—your wife, your best friend, your confidante, your cheerleader, and your number one FAN.

"I will support you and be there for you. I trust you fully without any doubt or inhibition because I know that you embrace everything that i am, and am not.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahal mo 'ko—ang buong kabuuan ko. Ang mga kamalian ko at kahinaan ko. I have never met anyone who embrace everythiing about me. Especially my flaws.

“Mula ngayon, hindi ka na mag-iisa. Sa bawat pagsubok na tatahakin natin, tayong dalawa na ang magkasama. Walang bagay na di natin malalampasan, and were gonna have so much fun doing it...

"I can't wait to spend the rest of my life with you my love. Now that we are together... FOREVER JUST GOT A WHOLE LOT BETTER!

“I Iove you so much.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN