PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tessie Tomas, 74, reveals secret to young-looking skin

"Wala akong retoke.”
by Rommel Gonzales
Published Nov 27, 2024
tessie tomas is part of the movie senior moments
Tessie Tomas, 74, is proud to say, "Wala akong retoke.” What is her beauty secret?
PHOTO/S: Rommel Gonzales

May advantages ang pagiging isang senior citizen, ayon kay Tessie Tomas.

“Advantage? Yung sa senior card, isa yun,” umpisang sabi ng beteranang aktres sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

“Pangalawa, the vast experience that you have, because you lived through the different decades. Makulay ang buhay sapagkat nakita mo yung 60s, 70s, 80s, mako-compare mo. “

"At saka ako palagi when I wake up kasi, I meditate, I’m grateful to be alive, di ba, na buhay pa ako, walang cancer sana.

"Hindi natin alam kung anong magiging sakit natin sa pagtanda natin, kaya mag-iingat tayo.”

Ang recent movie project ni Tessie ay ang Senior Moments, kung saan nakasama niya sina Nova Villa at Noel Trinidad.

Ang naturang pelikula ay mula sa A&S Production at sa panulat at direksyon ni Neil "Buboy" Tan.

Read: Tessie Tomas, may buwelta sa younger stars na nagpaparinig sa senior stars

TESSIE TOMAS: HER SECRETS TO LOOKING YOUNG

Tinanong ng PEP si Tessie kung ilang taon na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Cute lang ako, pero 70 plus na ako. Di ba wala sa mukha?" bulalas niya.

Proud din si Tessie na sabihing, "Wala akong retoke.”

May sikreto ba siya sa diet at exercise para magmukhang mas bata sa edad niya?

“Una, medyo mataba kaya nababanat ang mukha,” at tumawa ang aktres.

“Sa diet, oo, medyo iwas lang sa karne saka sa taba.

“I think my biggest asset is I love to sleep and I take one-hour siesta.”

Mahilig pala siyang matulog?

“Medyo,” ang tumatawa pa rin niyang sinabi, “Kaya fresh-fresh-an. Maski sa taping nakaka-catnap."

Bukod sa mga healthy habits, kailangan din ng "right disposition" para maging youthful.

Aniya, "At saka siguro the right disposition, when you… nalampasan mo yung problema mo saka try to always stay happy and positive, be positive in life.”

Read: How Tessie Tomas dealt with unprepared co-star in Dirty Linen

ANTI-AGING BENEFITS OF SLEEP

Higit pa sa nagagawa ng products at treatments ang kayang ibigay ng rest o sleep.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa mga isinagawang studies, kaya nitong pigilan ang paglabas o pagdami ng wrinkles.

Isang study ang isinagawa with female volunteers na nasa edad 30 to 55.

Lahat sila ay kumpleto sa tulog.

But after two nights na three hours lamang ang naging tulog nila, kapansin-pansin ang pagbabago sa kanilang skin, particularly sa face.

Bakit?

Collagen production

Ang skin ay taut at soft dahil sa taglay nitong collagen at elastin proteins.

Apektado ang production ng mga proteins na ito kapag kulang sa tulog.

Ang resulta: nagkakakulubot at nagiging saggy.

HYDRATION

Malaki rin ang naitutulong ng tulog para ma-regulate ang water balance.

Otherwise, magkakaroon ng dehydrated skin at magiging mas obvious ang fine lines at wrinkles.

SKIN REGENERATION

Kapag tulog, nagkakaroon ng "increased blood flow" na nakakatulong sa pag-repair ng damaged skin.

Best of all, libre ito at gaya ng ginagawa ni Tessie, puwedeng gawin anytime.

Reference: WebMd.com

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tessie Tomas, 74, is proud to say, "Wala akong retoke.” What is her beauty secret?
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results