At 47 years old, tila mas lalong bumabata si Claudine Barretto.
Pero, may biro muna ang aktres sa tanong tungkol sa kanyang beauty secret.
"Alam mo, alam mo pag tinatanong ako niyan, isa lang talaga sagot ko. Lumayo lang ako sa mga toxic na tao. Toxic na tao, situations. Yun lang talaga siguro."
Saka niya dinagdag ang "alaga sa sarili, sa diet, sa kutis, yun yung mas pinagtutuunan ko."
claudine barretto's BEAUTY TREATMENTS
Regular din daw siya sa pagbisita sa aesthetic clinic na ini-endorse niya. At puro non-invasive ang kanyang treatments. Hindi raw siya nagpapa-Botox.
"I go to TBL [Manila Aesthetic Center]. It's an aesthetic clinic na ini-endorse ko talaga.
"And I make sure na at least once a month, nakakapag-facial ako.
"Tapos kung ano yung mga bagong machines, kasi siyempre, forty-seven na ako.
"So kailangan na talaga ng alagang machines kasi ayokong mag-botox. Totoo lang, natatakot ako.
"Baka kasi dumating yung panahon pag umarte, tapos wala kang ano, reaction.
"Katakot. Hindi kasi mababago yun. Pag nagsimula ka daw [botox], talagang dire-diretso daw yun, e."

Pinapahalagahan din daw niya ang self-care.
"Yes, bilang artista. And siguro dahil wala naman akong love life, wala naman ako ano, alagaan ko muna yung sarili ko at mga anak ko.
"Kasi totoo yun, e, cliché man di ba, pero pagka hindi mo inalagaan sarili mo, at least sino mag-aalaga sa yo?
"At saka wala ka rin maibibigay kung hindi, kung hindi ka fulfilled sa sarili mo."
Read: Free rhinoplasty or blepharoplasty: What patients should know
claudine barretto's beauty essential: SUNBLOCK
Mayroon ba siyang rituals para sa balat? Glowing kasi.
"Wash ng face, moisturize, yun lang talaga. And then ang beauty secret ko talaga forever is sunblock.
"Kahit nasa loob ako ng bahay. Ang trick ko nga sinasabi ko lagi na after niyong maligo, ilagay niyo na yung sunblock doon sa tabi niyo.
"Para pagkapunas niyo, ano na agad, lagay na. Pati mga anak ko, ganun."
So, hindi raw talaga siya nauubusan ng sunblock sa bahay.
Read: CDO's 50-year story earns three Philippine Quill Awards
CLAUDINE BARRETTO'S "anorexia nervosa"
Palagi siyang kumakain ng lechon pero tila hindi siya tumataba.
Nagda-diet na ba siya ngayon?
"Hindi na ako mahilig kumain ng marami. Nung nakuha ko na yung weight na gusto ko, nag-stop na talaga ako.
"And then ang nangyari, nagka-anorexia nervosa ako noong namatay yung kuya ko last year at saka mama ko this year.
"So ayun, nagti-therapy ako ngayon. Hindi na ako takot masyado sa pagkain."
View this post on Instagram
Ayon sa Mayo Clinic, ang "anorexia (an-o-REK-see-uh) nervosa, often simply called anorexia, is a treatable eating disorder in which people have a low body weight based on personal weight history."
Nagwu-workout din ba siya?
"Hindi pa. Hindi pa ako pinapayagan ng doctor ko mag-workout kasi ano nga ako, recovering, anorexia nervosa patient ako.
"So ano muna, dahan-dahan pa. Dahan-dahan muna. So pag ngayon na-okay na ang pagkain sa akin, then puwede na mag-workout kasi baka mamaya ang mangyari ay yung addiction ko malipat sa exercise ko."
May payo ba siya sa mga babaeng nais ma-maintain ang kagandahan nila?
"Ako, ang sinasabi ko, ang dami na kasi ngayon na pampaganda, e.
"From products to beauty clinics to salons. Ang mapapayo ko lang is that love yourself. Do something for yourself at least once a month.
"Magkaroon kayo ng me-time. I-date niyo yung sarili niyo. Kahit walang mga bata, walang ano, or if not isama niyo kung gusto ninyo.
"Pero always invest on yourself. Yun ang pinakamagandang regalong mabibigay mo sa iyo."
