Ikinabigla ng maraming netizens ang bagong hairstyle ni Yohan Agoncillo, panganay na anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.
Wala na kasi ang mahaba nitong buhok, at naging semi-kalbo, buzz-cut-inspired hairstyle.

Napansin ito ng mga netizens sa carousel of pictures ni Ryan na kuha habang nagbabakasyon ang kanilang pamilya sa Spain nitong nakaraang buwan.
View this post on Instagram
Puro papuri ang komento ng netizens at bumagay raw sa 21-anyos na si Yohan ang nasabing hairstyle.





Read: Katrina Halili and Kris Lawrence love story: where to next?
JUDY ANN SANTOS on yohan: "just wanted her to feel comfortable."
Wala ring nakitang masama sa ginawa ni Yohan ang inang si Judy Ann.
Saglit na natanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa aktres ang tungkol sa bagong gupit ng kanyang anak.
Nangyari ang interview after niyang matanggap ang Dekada Awards trophy mula sa Multi-Media Press Society of the Philippines (MMPress, Inc.) noong Linggo, October 4, 2026.

Bakit nga ba nagpagupit ng buhok si Yohan?
Diretsong pabirong sagot ni Judy Ann, "Trip niya."
Dagdag niya, "Kailangan bang i-explain ang trip ng mga bata ngayon?
"So kung trip niya, huwag nating bigyan ng rason or huwag nating bigyan ng ibang ibig sabihin."
Lahat daw ng mga anak nina Judy Ann at Ryan ay may kalayaan sa nais nilang gawin.
Lahad niya: "Of course. Buhay niya iyan, opinyon niya iyan, gusto niya iyan.
"So, let's not give any deeper meaning to that. It is what it is. Ganun, e.
"One way or another, she should be able to decide naman more for her life and we just wanted her to feel comfortable with what she wants. So yun lang yun."
Pahabol pa niyang pagmamalaki, "Bagay sa kanya, di ba?"
