Isa sa pinarangalan ng Golden Screen Awards 2026: Dekada Awards ng Multi-Media Press Society, Inc. (MMPress, Inc.) si Judy Ann Santos.
Ang kanyang parangal ay bunga ng pagkapanalo niya bilang best actress para sa pelikulang Mindanao (2019) sa 41st Cairo International Film Festival (Egypt) at 38th Luna Awards.
Sa kanyang pagtanggap ng tropeyo, pinasalamatan ni Judy Ann ang mga naging kasamahan sa paggawa ng Mindanao.
"Maraming salamat po sa pangalawang pagkakataon na maparangalan ako ng Dekada Awardee.
"Of course, director Brillante Mendoza. Siya ang dahilan kung bakit paulit-ulit akong nakakaharap ng entablado sa pelikulang Mindanao, kung saan sa buong bansa ako nakilala.
"Sa bumubuo ng Mindanao, from the cast, the crew, the production staff, lahat po.
"Sa lahat na patuloy na sumusuporta sa lahat ng mga proyektong ginagawa ko.
"Hindi man madalas, pero oras na may lumabas, alam kong nakaabang po kayo.
"Kaya maraming, maraming, maraming salamat po sa inyong lahat.
"Sana po may pangatlong pagkakataon. Thank you very much sa magandang-magandang gabi po."

Kasunod na pinasalamatan ang kanyang pamilya.
"Of course, I would also like to offer this to my mom, to my family, my husband, and my kids, to my team..."
At lahat ng mga sumusuporta sa kanya.
"Salamat dahil hindi po kayo nagsasawa na patuloy na tangkilikin ang pelikulang Pilipino.
"Kaya nakakagana na paulit-ulit gumawa ng proyekto sa mga ganitong klaseng pagkilala.
"Maraming-maraming salamat."
Read: Bambbi Fuentes defends Gelli de Belen amid online bashing
JUDY ANN ON HER DEKADA AWARDS
Pagkatapos ng awards ceremony ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Judy Ann.
Hindi maitago sa aktres ang sayang nararamdaman dahil sa natanggap na parangal.
"Siyempre masayang-masaya tayo, kapatid," sambit niya.
"Sa lahat naman ng pagkakataon na maparangalan ka, of course you're always grateful.
"Pero at the same time, yung... ang tagal na niyang Mindanao, e, pero hanggang ngayon napapansin pa rin.
"So, talagang added ano siya, added confidence and, at the same time, yung pagmamahal na nakukuha mo sa mga tao.
"So, talagang it's always a good thing when you get awarded kasi it reminds you kung ba't ka nandito sa mundo, ba't ka nandito sa industry na ito."
JUDY ANN REUNION WITH DENNIS
Ang Golden Screen Awards 2026: Dekada Awards ay nagsilbing reunion ni Judy Ann at ng aktor na si Dennis Trillo, na nakasama niya sa pelikulang Aishite Imasu 1941: Mahal Kita (2004).
Pinarangalan ng Dekada Awards si Dennis bilang Best Actor para sa Green Bones (2024) at Felix Manalo (2015).

Nagbiro si Judy Ann dahil pinagkaguluhan ng media si Dennis sa kanyang likuran, habang ang PEP.ph at ilang vloggers ang nag-interview sa kanya.
"Pinupupog! Ang dami niya kasi issue, e!" natawa niyang reaksiyon.
Ano ba ang alam niyang isyu ni Dennis?
"Ewan ko. Di ako ako nagbabasa lately, e. Nakita ko lang sa TikTok pero di ko na pinansin," pag-iwas ni Juday.
Pagkatapos ay ibinalik ni Judy Ann ang topic sa natanggap niyang karangalan.
Aniya: "Of course, kudos to MMPress for reviving this type of awards.
"Kasi it's been ten years since the last time na nagkaroon ng ganitong parangal. And now na meron na ulit, kasama pa rin ako sa listahan.
"And of course, sa lahat-lahat na mga reporters na nakilala ko mula bata pa hanggang ngayon.
"Hanggang ngayon naman, e, pare-pareho pa rin naman ang tingin namin sa isa't isa.
"So, walang katapusang pasasalamat talaga."
JUDY ANN ON CALL MY MANAGER
Samantala, masaya si Judy Ann sa pagtanggap ng mga manonood sa HBO Max series na Call My Manager, na nagtapos na noong October 1.
Halos apat na taong in the can ang nasabing Philippine adaptation ng Dix pour cent (Ten Percent), ang 2015 award-winning French TV series na tumatalakay sa buhay ng mga talent agent at ng mga artista.
Pero, sumasabay naman daw ito sa panahon.
Saad ni Judy Ann: "Pero okay lang kasi very timely and lahat naman ng nangyayari happens for a reason.
"So, siguro may pagkakataon na may dahilan kung bakit kailangan siyang tumagal ng ganito kasi mas na-appreciate siya ng viewers.
"And at the same time, we all needed a good laugh already sa mga panahong nangyayari sa atin.
"Hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Parang kailangan na natin ng isang programang papanoorin na no-brainer kundi tatawa ka lang, maiiyak ka, mag-e-enjoy ka.
"So I'm just very happy na I was able to be part of Call My Manager. Hopefully, there's a season two."
Read: Dennis on wife Jennylyn, family: I’ll protect them at all cost
