Bride, dismayado sa kanyang wedding pictures; netizens to the rescue

by Mavell Macaranas-Dojillo
Sep 15, 2022
cara estrera kindla viral bride
Nag-viral ang bride na si Caren Estrera Kindla dahil sa hindi magagandang wedding photos na kuha ng kanyang hired photographer. To the rescue naman ang maraming netizens na in-edit ang kanyang photos at sinikap na pagandahin.
PHOTO/S: Facebook (Nayomi Stone Heart)

Napalitan ng pasasalamat ang pagkadismayang naramdaman ng bride na si Caren Estrera Kindla.

Bumuhos kasi ang tulong mula sa netizens na marunong mag-edit ng pictures, matapos mag-viral ang kanyang post tungkol sa kinalabasan ng kanyang wedding album.

Ikinasal si Caren, isang 32-year-old Pinay, kay Robert Kindla, isang 48-year-old American, noong June 2, 2022 sa Consuelo Parish Church sa Camotes Island, Cebu.

Nitong Sabado, September 10, naglabas ng sama ng loob si Caren laban sa photographer na kanyang kinuha para i-cover ang kasal.

Bukod sa naghintay siya ng tatlong buwan bago makuha ang album, hindi pa maganda ang kinalabasan ng mga larawan.

Pagbabahagi ni Caren sa kanyang Facebook account na may pangalang Nayumi Stone Heart, “irresponsible, unprofessional” ang mga salitang maglalarawan sa hindi pinangalanang photographer.

Makikitang karamihan sa ibinigay sa kanilang kopya ay masyadong mataas ang contrast ng mga litrato: kung hindi sobrang liwanag ay sobrang dilim.

viral bride caren estrera kindla

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Halos hindi na makita ang bride na si Caren Estrera Kindla sa hindi magandang lighting ng larawan.

Also Read:

AGAD BUMUHOS ANG TULONG MULA SA NETIZENS

Ilang sandali lamang matapos ang sunud-sunod na pag-rant ni Caren sa social media, dumagsa ang tulong mula sa mga mabubuting-loob.

Boluntaryo nilang in-edit at in-enhance ang wedding pictures ni Caren.

Karamihan sa kanila ay naawa at nakisimpatya sa bagong kasal.

May isa pa nga na nag-post ng isang quote na nagpapaliwanag kung gaano kahalaga ang maayos na wedding photos:

Sabi nito, “Wedding photography is important because it will capture your day, it will capture your memories, it will tell a story, and not just any story, it will tell a beautiful story of your special day, a day you will never forget.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa dami ng tulong na natanggap, napalitan ng galak ang galit sa puso ng bagong kasal, lalo na ni Caren.

caren estrera kindla viral bride

Naawa ang ilang netizens sa bride na si Caren kaya nag-volunteer silang i-edit ang kanyang wedding pics. Gaya ng photo na ito na before (left) at after (right).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Caren noong Miyerkules, September 14, at nag-uumapaw ang kanyang pasasalamat.

“Sa mga nag-offer ng tulong po sa amin, maraming salamat po. Kung hindi dahil sa inyo, baka hanggang ngayon masikip pa itong dibdib ko.”

Naging daan din daw ang pagdaloy ng simpatya upang makipag-usap muli ang kanilang photographer.

Nagpaliwanag silang hindi na na-recheck ang wedding photos dahil sa pagmamadali at nangako rin silang aayusin na ang trabaho nila.

Samantala, ito ang payo ni Caren sa mga magpapakasal, “Siguraduhin niyo na walang palpak na mangyayari, kasi once-in-a-lifetime event lang iyan.

“Huwag din kayong papayag na babuyin iyong mga memories niyo nang ganyan.

“Kasi kahit wala na tayo, mananatili pa rin iyan sa mga anak at apo natin, so dapat maayos talaga.

“Saka nagbayad tayo, kaya karapatan natin iyan, huwag kayo tumahimik lang.”

Sana raw ay magsilbing aral para sa iba itong nangyari sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

caren estrera kindla viral bride

Isa pang before-and-after photo ni Caren na inayos ng netizens.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-viral ang bride na si Caren Estrera Kindla dahil sa hindi magagandang wedding photos na kuha ng kanyang hired photographer. To the rescue naman ang maraming netizens na in-edit ang kanyang photos at sinikap na pagandahin.
PHOTO/S: Facebook (Nayomi Stone Heart)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results