Namanhikan na ang aktor na si Jomari Yllana sa kanyang kasintahang si Abby Viduya, na nakilala rin noon sa screen name na Priscilla Almeda.
Ibinida ni Jomari na siya ay old-fashioned kaya idinaan sa tradisyunal na paraan ang pormal na paghingi sa kamay ni Abby mula sa kanyang pamilya.
Ipinost ni Jomari sa kanyang Faceook account nitong February 26, 2023, Linggo, ang ginawang pamamanhikan sa bahay nina Abby sa Paranaque.
Kabilang sa hashtags na ginamit ni Jomari ang #callmeoldfashioned at #pamamanhikan.
Ang pamamanhikan ay ang pormal na paghingi ng lalaki sa kamay ng babaeng gusto niyang pakasalan. Ginagawa ito sa harap ng kanilang mga magulang. Sa nasabing okasyon ay pinapalano na rin ang kasal.
Nagbahagi si Jomari ng ilang kuhang larawan mula sa pamamanhikan.
Nagkaroon din ng simpleng salo-salo.
Makikitang kasamang pumunta ni Jomari ang kanyang kapatid na si Ryan Yllana.
Si Abby ay dinalhan pa ng isang one-foot tall cake na may decoration na rosas at lettering na “Bride To Be.”
JOMARI AND ABBY LOVE STORY
Unang naging magkarelasyon sina Jomari at Abby noong mid-‘90s at pareho pa silang aktibo noon sa showbiz.
Pero nauwi ito sa hiwalayan.
Makalipas ang dalawang dekada, muling nagkabalikan ang dalawa noong 2019.
Sa isang PEP exclusive interview noong 2019, sinabi ni Jomari na hindi nawala ang pagmamahal nila sa isa’t isa kahit noong nagkahiwalay sila.
Ito rin marahil ang dahilan kung bakit nagkabalikan sila.
Sabi ni Jomari sa 2019 interview, “Totoo naman, e. Looking back, I don’t know kung paano mo ipa-package yung relationship, yung kabataan namin.
“We were too young, but definitely we were feeling something for each other.
“And it was nice. And siguro nababalik lang, bumabalik.
“And we share a lot of stories sa isa’t isa, and yung love hindi naman talaga nawala.”
Si Jomari ay annulled sa ex-wife na si Aiko Melendez. Mayroon silang isang anak, si Andre Yllana.
Hiwalay na rin si Jomari sa dating ka-live in na si Joy Reyes, kung saan mayroon siyang dalawang anak na lalaki.
Si Abby ay may tatlo ring anak—isa sa unang naging karelasyon at dalawa sa huling partner niya bago naging sila ni Jomari.
