Maagang regalo para sa Father's Day ang natanggap ng TV host-comedian na si Bayani Agbayani.
Nagtapos sa kolehiyo na summa cum laude ang pangalawa niyang anak na si Rosalinda Marie.
Natapos ni Rosalinda ang kursong Bachelor of Science in Tourism Management Major in Travel Operations and Service Management sa University of Sto. Tomas (UST).
Kabilang siya sa mga nagmartsa sa face-to-face graduation ceremony ng UST nitong Huwebes, June 15, 2023.
Sa mismong araw ng pagtatapos ni Rosalinda ay masaya at proud na ibinahagi ni Bayani sa kanyang Instagram ang karangalang nakuha ng anak.
Kalakip ng post ng dating Tropang LOL host ang litrato nila ng anak at ng kanyang asawa na si Lenlen na present din sa nasabing graduation ceremony.
Read: Bayani Agbayani, thankful at no regrets sa pagpaalam ng Tropang LOL
Labis-labis ang pasasalamat ni Bayani sa Diyos dahil sa nakamit ni Rosalinda.
Mababasa sa kanyang caption (published as is), "Thank you Lord Summa Cum Laude po ang anak kong si Rosalinda Marie Rogacion sa UST College Of Tourism."
Sa hiwalay niyang post sa Facebook ngayong Biyernes, June 16, pinasalamatan naman ni Bayani si Rosalinda sa pagsusumikap nitong makapagtapos ng pag-aaral.
Aniya (published as is), "Salamat sa mga anak na nagsumikap na maka graduate at maialay ang Diploma s amga magulang at mahal sa buhay.
"Congrats anak Rosalinda! We are So proud of you."
Samantala, sa comments section ng post ni Bayani ay bumuhos ang pagbati ng kanyang co-celebrities at ilang netizens sa achievement ng anak.
Komento ni Vhong Navarro, "Congratulations [pray sign and red heart emoji]."
Saad ni Jessa Zaragoza, "Wow! Congrats Rosalinda! and to the loving Parents Len and Yani."
Sabi naman ni John Estrada, "Congrats patid and len, congats rosalinda l, galing [clap sign emojis]."
Hirit pa ni Sylvia Sanchez, "Galing!!! Congratulations Rosalinda, Bayani and Lenlen. mana si Rosalinda sa akin."
Ilan pa sa mga nagpaabot ng congratulatory message ay sina Ogie Alcasid, Jayson Gainza, at Angeline Quinto.


READ MORE:
- Jhong Hilario, 46, graduates magna cum laude
- Jayson Gainza beams with pride as daughter Ruby Ane graduates cum laude
- Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo proud as daughter Yohan graduates from senior high school
- Kara David's daughter Julia graduates magna cum laude: "Napakahusay mo talaga anak"
- Small Laude's daughter, Allison, graduates from high school
- Lian Paz, John Cabahug proud of daughters' latest academic milestones
