PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mommy Dionisia & Mike Yamson's 10th Anniversary Celebration

Mike Yamson to Mommy Dionisia: "Happy anniversary, Honey."
by Arniel C. Serato
Published Mar 27, 2024
Dionisia Pacquiao, Mike Yamson celebrate 10 years of being together
#SanaAll: Mommy Dionisia Pacquiao and boyfriend Mike Yamson celebrated one decade of being together last February 20, 2024.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Going strong ang relasyon ni Dionisia Pacquiao, 75, at ng non-showbiz boyfriend nitong si Mike Yamson, 48, dahil umabot na ng sampung taon ang kanilang relasyon.

Si Dionisia o Mommy Dionisia ang ina ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

Read: Manny Pacquiao reveals Mommy Dionisia has 40-year-old boyfriend

Ipinagdiwang nina Mommy Dionisia at Mike ang kanilang ika-10 anibersaryo bilang magkasintahan noong February 20, 2024.

Sa Instagram, nagbahagi ng short Reel si Mike kung saan binati niya si Mommy Dionisia.

Read: Mommy Dionisia Pacquiao confirms relationship with a younger man

Maririnig sa video ang kanilang usapan:

Mike: "Happy anniversary, Honey."

Mommy Dionisia: "Happy anniversary din to you."

Mike: "Happy 10th year anniversary of being together. Maraming Salamat. Thank you, Lord."

Sa comments section ay may isang basher ang pumuna sa hitsura ni Mommy Dionisia.

Sabi ng netizen, "Aw ano kaya Kung Hindi naging billionaire si Manny at hindi nakapag paretoke at di nagpaputi si Dionysia may ganitong honey kayA? Curious lng."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hindi siya pinatulan ni Mike.

Sagot lang nito, "Godbless"

Dionisia Pacquiao bashers

Depensa naman ng isa, "Daming mga ampalaya be happy for them pedi ba?"

Sabi ni Mike, "thank you"

Dionisia Pacquiao bashers

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Taong 2014 kinumpirma ni Mommy Dionisia na mayroon siyang boyfriend.

Ito ay si Mike na naging escort ni Mommy Dionisia nang ganapin ang kanyang 65th birthday noong Mayo ng nasabing taon.

Read: Mommy Dionisia wears Pia Wurtzbach-inspired gown for her birthday

Sa panayam kay Mommy Dionisia ng now-defunct ABS-CBN latenight newscast na Bandila, sinabi nitong mukhang mabait si Mike at paglaon ay pinansin na niya ito.

Ngunit nilinaw niyang hindi pa siya seryoso sa boyfriend at hindi pa sila nagsasama.

Taliwas ito sa ibinunyag ni Manny Pacquiao sa panayam niya kay Athony Taberna, sa programang Tapatan ni Tonying noong July 31, 2014, na may balak na raw pakasal ang kanyang ina at ang 40-anyos noong boyfriend nito.

Kasa-kasama na rin daw ng ina ang nobyo nito sa iisang bahay.

Read: Mommy Dionisia still wants to have a baby; boyfriend Michael Yamson rejects the idea

Sa panayam naman ni Mommy Dionisia noon, sinabi niyang kinikilala pa niyang maigi ang lalaking nagpapatibok ng kanyang puso.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi niya, “Natural naman may boyfriend.

"Sa boyfriend mo, ingatan natin. Silipin mo kung ano siya, anong klase.

"Hindi tulad ng nakaraan na maraming babae.

"Huwag magpadalus-dalos sa lahat ng mga nanliligaw, kasi marami ba yang magsasabi na, 'Mahal taka,' pero binigkas lang sa labi.

"Hindi tayo makatungkad sa puso kung totoo ba, kung tunay na tunay."

Read: Michael Yamson quashes rumors he is after the money of girlfriend Dionisia Pacquiao

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
#SanaAll: Mommy Dionisia Pacquiao and boyfriend Mike Yamson celebrated one decade of being together last February 20, 2024.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results