Sagrado para kay Judy Ann Santos ang December 25, araw ng Pasko.
Naging panata na kasi niya ang magdaos ng misa sa kanilang bahay, kasama ang asawang si Ryan Agoncillo, mga anak na sina Yohan, Lucho, at Luna, pati mga mahal nila sa buhay.
Isa ito sa mga napag-usapan during her lunch get-together with the press, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nitong nakaraang Linggo, December 22, 2024, sa Alabang Westgate, Muntinlupa.

Lahad niya, "Kasi nung dalaga pa ako, I would always go to Mother Mary of Manaoag, sa Manaoag," na ang tinutukoy niya ay ang dinarayong Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag sa Pangasinan.
"Palagi ako nagpupunta diyan.
"Nagdadasal ako kahit mag-isa lang ako.
"And then may time na nakita ko ni Father Sonny Ramirez [confessor ni Juday].
"May mga moments na susugod na lang ako ng Manaoag pag bored ako, pag sagad na ako sa trabaho, pag ayaw ko ng kausap.
"Gusto ko lang magdasal, pupunta ako ng Manaoag, either madaling araw o ala-sais ng gabi.
"Basta may butas yung araw ko.
"Anyway, to cut the long story short, nagkakilala kami ni Father Sonny."

Read: REVIEW: Espantaho’s strength is in the power of three
JUDY ANN SANTOS: "Ito yung tradisyon na gusto kong ituloy ng mga anak namin."
Mula noong nakilala niya si Father Sonny, nakagawian niyang imbitahan ito sa kanilang bahay tuwing Pasko.
Pinapabendisyunan daw niya ang kanilang pamilya, pati na ang santo ng Birhen ng Manaoag na ibinigay ng pari sa kanya.

Kuwento ng aktres, "And then I invited him to say a mass every December 25.
"And then he gifted us, kasi devotee ako ng Mother Mary of Manaoag noon, ng Mary of Manaoag from Vatican na may certificate from the Vatican.

"Nung time na yun, two decades ago, dalawa pa lang kaming meron nun dito sa Manila.
"So panata ni Father Sonny na palaging i-bless si Mother Mary every December 25.
"So yun na yung naging tradisyon namin, kasi December 25, siya dinala sa akin.
"So nung nag-asawa na ako, si Father Sonny din ang naglipat nun sa bahay namin.
"But since Father Sonny passed already, ang kumuha na ng responsibility si Father [Tito] Caluag.

"So it is very important na December 25, mabendisyunan si Mother Mary, mabendisyunan kaming lahat.
"It is something very important. Ito yung tradisyon na gusto kong ituloy ng mga anak namin, hanggang sa mga apo o hanggang sa mga...kasi ito yung talagang yung sinimulan ko."
Read: Judy Ann Santos, masungkit kaya ang Best Actress sa 50th MMFF?
Sa loob ng dalawang dekadang panata, sumablay na ba sila sa pagdaos ng misa tuwing December 25?
Aniya, "Wala. Kung meron man, isang beses nag-mass kami sa bahay ng hindi December 25, kasi nag-Christmas kami sa Las Vegas before the pandemic.
"2018 at 2017 nag-Christmas kami sa Vegas, so nag-mass kami ng December 30.
"Pero ngayon, binalik namin ng December 25, kasi nga parang importante kasi yun, e.
"So far, mas nakakampante kasi yung pakiramdam kong pumasok sa Bagong Taon, na na-bless na kayo.
"Tapos ano yung tawag doon kapag inano yung walang confession?
"General... Absolution. Absolution. Assembly yung nasa utak ko, alam ko mali, e, alam ko mali, e, pero sinabi ko pa. Absolution."

Samantala, umaasa naman si Judy Ann na panoorin ng mga Pilipino ang entry ng Quantum Films na Espantaho sa 50th Meto Manila Film Festival (MMFF).
Isa rin kasi siya sa producers nito katuwang ang asawang si Ryan para sa kumpanya nilang Purple Bunny Productions.
Read: Judy Ann Santos talks about being co-producer of Espantaho
