Kinakiligan ng maraming netizens ang pagbati ni Gabby Concepcion sa dating asawa na si Sharon Cuneta para sa kaarawan nito.
Ipinagdiwang ni Sharon ang kanyang 59th birthday kahapon, January 6, 2025.
Read: Sharon Cuneta deeply moved by birthday gifts from her kids
GABBY CONCEPCION: "HAPPY BIRTHDAY DEAR HEART"
Sa Instagram kahapon, nagbahagi si Gabby ng black-and-white video niya habang kumakanta sa stage sa isa sa venues nila ng "Dear Heart" concert ni Sharon.
Nilapatan niya ito ng mga salitang "Happy Birthday 'Dear Heart' Jan. 6, 2025."
Wala siyang nilagay na caption.

View this post on Instagram
Nagkomento naman dito si Sharon ng three hearts emojis.

Kinikilig naman ang maraming ShaGab fans:


Read: Gabby Concepcion turns 60; gets greetings from Sharon and KC
GABBY'S HEARTFELT MESSAGE TO SHARON LAST NOVEMBER
Noong November 2024, napansin ng maraming fans na muling nanumbalik ang magandang pagkakaibigan nina Gabby at Sharon.
Idinaan ni Gabby ang isang madamdaming mensahe niya sa isang Instagram Reel.
Ang post ni Gabby ay tungkol sa Dear Heart concert nila ng ex-wife.
Sa nasabing Reel, maririnig ang pag-uusap nina Gabby at Sharon sa stage sa isa sa mga concert venue nila.
Saad ni Sharon, "I thought when I lost you, I lost all of them."
Sabi naman ni Gabby, "Don't worry, nandiyan lang ako. After all of the shows na ating ginawa, I think we've become closer to each other."
Sagot ni Sharon, "We have two shows left to do, I will miss singing with you."
Pagkatapos nito ay kinanta ng dating mag-asawa ang Barry Manilow song na "Even Now."
Nilakipan ito ni Gabby ng makabagbag-damdaming caption.
Dahil daw sa tour nilang ito, naging maayos muli ang pagkakaibigan nila ni Sharon.
Buong post ng aktor: "Nagpapasalamat ako sa mga fans namin sa mga tao na hindi bumibitaw at naging possible yung concert tour na ito.
"... that we got closer again, understood each other better... made us both a better person.
... then she broke down in tears
"... that I comforted her with care. Konting humor na I did not have my hanky ( panyo).
".... I felt something building up from within but she manifested it first...
... I realized at that very momemt, these were... 'tears of joy'."
Read: Gabby Concepcion posts heartfelt message for Sharon Cuneta
Una nang bumati ang anak nilang si KC Concepcion kay Sharon.
Read: KC Concepcion pays tribute to Sharon on mom's 59th birthday
