PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mommy Dionisia, Mike Yamson celebrate 11 years of being together

Mike Yamson to Mommy Dionisia: "Happy to be with you #11 yrs together"
by Arniel C. Serato
Published Feb 26, 2025
Mommy Dionisia, Mike Yamson celebrate 11 years of being together
Mommy Dionisia Pacquaio and partner Mike Yamson's seems to be getting stronger as they celebrate their 11 years of being together.
PHOTO/S: Courtesy: Facebook

Sa kabila ng malaking agwat ng kanilang mga edad, nananatiling matibay ang relasyon ni Dionisia Pacquaio, 75, at ng non-showbiz boyfriend nitong si Mike Yamson, 48.

Katunayan, ipinagdiwang nila ang kanilang ika-11 anibersayo nito lamang February 21, 2025.

Si Dionisia ang ina ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

Sa Facebook, nag-post si Mike upang ipaalam sa kanyang followers na labing-isang taon na silang nagsasama ng karelasyong si Mommy Dionisia.

Sabi niya sa caption, "Me and mommyD celebrate 11 yrs together"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isa pa niyang post, ipinakita ni Mike ang dinner date nila ni Mommy Dionisia, kung saan sinubuan pa niya ito habang kumakain.

Mike Yamson and Mommy Dionisia dinner date
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Caption ni Mike sa isa niyang post, "11 years na masayang pagsasama at respeto sa isa't isa."

Ayon naman sa isa niyang post, "Happy to be with you #11 yrs together"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Manny Pacquiao reveals Mommy Dionisia has 40-year-old boyfriend

MOMMY DIONISIA, MIKE YAMSON LOVE STORY

Taong 2014, kinumpirma ni Mommy Dionisia na mayroon siyang boyfriend.

Ito ay si Mike Yamson na naging escort ni Mommy Dionisia nang ganapin ang kanyang 65th birthday.

Sa panayam kay Mommy Dionisia ng now-defunct ABS-CBN late-night newscast na Bandila, sinabi nitong mukhang mabait si Mike at paglaon ay pinansin na niya ito.

Ngunit nilinaw niyang hindi pa siya seryoso sa boyfriend at hindi pa sila nagsasama.

Taliwas ito sa ibinunyag ni Manny Pacquiao sa panayam niya kay Athony Taberna, sa programang Tapatan ni Tonying noong July 31, 2014, na may balak na raw pakasal ang kanyang ina at ang 40-anyos noong boyfriend nito.

Kasa-kasama na rin daw ng ina ang nobyo nito sa iisang bahay.

Sa panayam naman ni Mommy Dionisia noon, sinabi nitong kinikilala pa niyang maigi ang lalaking nagpapatibok ng kanyang puso.

Sabi niya: “Natural naman may boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa boyfriend mo, ingatan natin. Silipin mo kung ano siya, anong klase.

"Hindi tulad ng nakaraan na maraming babae.

"Huwag magpadalus-dalos sa lahat ng mga nanliligaw, kasi marami ba yang magsasabi na, 'Mahal taka,' pero binigkas lang sa labi.

"Hindi tayo makatungkad sa puso kung totoo ba, kung tunay na tunay."

Read: Michael Yamson quashes rumors he is after the money of girlfriend Dionisia Pacquiao

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mommy Dionisia Pacquaio and partner Mike Yamson's seems to be getting stronger as they celebrate their 11 years of being together.
PHOTO/S: Courtesy: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results