Magkasunod ang pagdiriwang ng kaarawan ng magkasintahang Julia Barretto at Gerald Anderson.
Nauna si Gerald noong March 7, 2025.
Marami ang kinilig sa mensahe ni Julia para kay Gerald.
“The kindest, most selfless person. Happy birthday love,” ang post ng Kapamilya actress sa Instagram.
Nagdiwang si Gerald ng 36th birthday ngayong taon.
Kalakip nito ang ilang mga larawan kung saan kasama ni Julia ang kasintahan.

Kasama sa mga larawan ang isang masayang bakasyon sa beach, ang U.S. trip ng dalawa kung saan bumisita sila sa isang national park, at isang larawan na kuha noong 2024 nang ma-promote si Gerald bilang auxiliary captain ng Philippine Coast Guard (PCG).

At press time, may higit 248,000 likes na ang post na ito ni Julia.
Read: Dennis Padilla posts birthday greetings from Julia, Leon
JULIA BARRETTO'S BIRTHDAY
Kahapon, March 10, nagdiwang naman si Julia ng ika-28 kaarawan.
Sa Instagram post ni Gerald, ipinakita niyang nag-motor sila para sa kanilang breakfast date.
Nakasuot ng simpleng black sleeveless shirt at black jacket si Julia, habang si Gerald ay suot ang personalized shirt ng grupo niyang Drama Motor Club (DMC).
"Birthday Ride with the Birthday Girl" ang maiksing greeting ni Gerald kay Julia na tinawag niyang "Mi bebé."

Read: Julia Barretto thinks it's okay to walk away from this situation
JULIA BARRETTO, GERALD ANDERSON DATING HISTORY
Apat taon na ang nakalilipas simula noong inamin ng dalawa ang kanilang relasyon.
Sa panayam ni Gerald noong March 5, 2021, sinabi niyang "very happy" siya sa piling ng aktres.
Two days later, nag-post din si Julia sa Instagram tungkol sa kanyang boyfriend.
Sinasabing taong 2019 nagsimulang mag-date ang dalawa.
Read: Gerald Anderson's mother asks for "apo" as birthday gift
wedding talks
Napag-uusapan na ba ang kasal?
Sa isang panayam with the press, masayang sinabi ni Gerald na si Julia na ang “the right one” para sa kaniya.
“Of course, five years na kami, di ba?" saad ng Star Magic leading man.
Read: Gerald Anderson on girlfriend Julia Barretto: "Let her enjoy."
Pero pagpapatuloy niya, wala pa sa kanilang plano ang lumagay sa tahimik.
“She's very special to me. Alam naman yun lahat iyan. Hindi naman magbabago iyan.
"But, itong moment na ito, yung moment na ngayon, let her enjoy. Huwag natin madaliin," sabi ni Gerald.