Hindi talaga nakakalimutan ni Claudine Barretto ang mahahalagang petsa sa kanyang buhay, lalo na kung kaugnay sa namayapa niyang ex-boyfriend na si Rico Yan.
Kabilang na nga rito ay ang pag-alala sa kanyang kaarawan.
Kahapon, March 14, 2025, ang ika-50 kaarawan sana ng namayapang matinee idol.
Pero dahil sa bangungot, namatay ang isa sa pinakasikat na matinee idols sa showbiz at ng kanyang henerasyon habang nasa bakasyon ito sa Dos Palmas Resort sa Palawan noong March 29, 2002.
Siya ay 27 taong gulang lamang noon.
Read: Rico Yan: Gone too soon
CLAUDINE BARRETTO: "YOU ARE LOVED, YOU ARE MISSED..."
Sa kanyang Instagram Story kagabi rin ng March 14, tatlong magkakasunod na pagbati ang ibinahagi ni Claudine.
Una na nga rito ang pagsiguro niyang hindi nakakalimutan ang reel-real life boyfriend noong nabubuhay pa ito.
Sabi niya, "You are loved, you are missed, you are remembered."

Sinundan niya ito ng isa pang pagbati kung saan may mga larawan si Rico.
Nakalagay rin ang petsang March 14.
Saad niya sa caption, "Happy heavenly birthday, Rico Yan."

Gayundin ang pangatlo niyang mensahe kung saan nagpapakita rin siya ng iba't ibang larawan ni Rico.
Nakasulat sa caption, "@50, happy birthday in Heaven, Rico."

Sa kanyang bagong post sa Instagram na walang kinalaman kay Rico, nagpaabot pa rin ng mensahe ang ilan sa mga tagahanga ng namayapang aktor.


Read: Claudine Barretto meets with Rico Yan’s mother anew
CLAUDINE'S ONE GREAT LOVE
Itinuturing ni Claudine na "one great love" niya si Rico.
Sa kanyang Instagram noong March 29, 2024, mismong death anniversary ni Rico, nag-post ang aktres ng mga larawan nila ng namayapang aktor, at ng maikling video ng panayam sa kanya ni Karen Davila.
May caption itong (published as is), “March 29 My heart stopped.”
Sinamahan niya ito ng hearts emojis at hashtag na #alwaysandforever.
Sa reel kung saan tinanong siya ni Karen kung bakit taun-taon ay dumadalaw siya sa puntod ni Rico, sagot ni Claudine, “Because he is a big part of my life.”
Dagdag pa niya, “So isa lang ang ipinakiusap ko talaga sa mga fans namin ni Rico na huwag kalimutan siya.
“And I'm also thankful and grateful that talagang up to this day talaga, uhm, they honor him, they celebrate him. And that's all.”
May nabanggit din ang aktres tungkol sa “one great love.”
Ani Claudine, “Kasi, Karen, I realized, you know, uhm, in your life, sabi nila, you just have one great love, right?
“Parang ganyan. So, ako, feeling ko, ang once upon a time... once upon a time lang talaga.”
Read: Claudine Barretto calls Rico Yan her "one great love"
