Ipinagdiwang nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico ang kanilang ika-siyam na anibersaryo bilang mag-asawa kahapon, May 21, 2025.
Ngayong Huwebes, May 22, nag-post si Solenn ng Instagram Reel bilang pagbabalik-tanaw sa kanilang kasal siyam na taon na ang nakararaan.
Ginanap ang kanilang pag-iisang dibdib sa Eglise Notre Dame de Combourg, sa France, noong May 21, 2016.
Read: IN PHOTOS: Highlights of Solenn Heussaff and Nico Bolzico's wedding in France
SOLENN AND NICO JOKE ABOUT HOW MANY YEARS THEY'VE BEEN IN LOVE
Mensahe ni Solenn sa kanyang post, "13 years in love, 9 years married. Te amo boludo [I love you, dude] @nicobolzico"
Ang bilang ni Solenn ay labintatlong taon na silang nagmamahalan at siyam na taon na silang kasal.
View this post on Instagram
Pero, pabiro itong kinontra ni Nico.
Labing-apat na taon na raw silang nagmamahalan, maliban na lamang daw kung hindi siya minahal ni Solenn noong unang taon pa lamang nila.
Sabi ni Nico: "It is 14 years in love, unless the first year you didn't love me"

Tawa lang ang sagot ni Solenn sa biro ni Nico.

Tawang-tawa naman dito si Iya Villania pati na ang maraming netizens.

Samantala, ni-repost ni Nico ang Reel ni Solenn sa kanyang Instagram Story.
Caption niya, "Love u bebu [baby]!"

Read: Over 200 candid photos from Solenn Heussaff's wedding
Na-engage sina Solenn at Nico noong December 10, 2014.
Nagdaos naman sila ng union celebration sa home country ni Nico sa Argentina noong December 30, 2015.
