Inihalintulad ni Kim Chiu ang sarili na isang ibong phoenix sa kanyang pagdiriwang ng ika-19 anibersaryo sa showbiz.
Ang ibong phoenix, ayon sa Greek mythology, ay isang mythical bird na kilala sa abilidad na mabuhay muli matapos mamatay at maging abo—na sumisimbolo sa pagiging imortal nito.
Sa kanyang Instagram kahapon, June 3, 2025, nagbahagi si Kim ng kanyang anniversary pictorial. Pula ang kulay ng kanyang kasuotan at ang tema ng buong pictorial.
Sabi ng Kapamilya actress: "Like a phoenix, I rise—again and again. (bird, rose, sparkles, at praying hands emoji).
"No matter what life throws my way, I choose to stand tall and keep going.
"Today, I celebrate 19 years of love, challenges, growth, and endless support."
Read: Kim Chiu looks back on career journey; celebrates 15 years in showbiz
Nagpasalamat din siya sa lahat ng sumuporta sa kanya at sa kanyang ABS-CBN family.
Dagdag ni Kim (published as is), "Thank you for standing by me through it all. Here’s to many more years of rising, dreaming, and sharing this journey together.
"Thank you ABSCBN FAM! #19YearsOfGratitude HAPPY ANNIVERSARY!!!!"
View this post on Instagram
Read: Kim Chiu on very successful showbiz career: “I thought I'm done.”
KIM CHIU SHOWBIZ HISTORY
Si Kim ay mula sa Filipino-Chinese family ng Cebu.
Una siyang sumali sa Pinoy Big Brother: Teen Edition sa audition sa Cebu City.
Noong nakapasok na siya sa Bahay ni Kuya, tinawag na siyang Cebuana Cutie.

Matapos ang apatnapu't dalawang araw (42) sa loob ng PBB house, itinanghal si Kim na Grand Winner noong June 3, 2006.
Read: Pinoy Big Brother and its memorable real-life drama
Napanalunan ni Kim ang PHP1M, condominium unit, livelihood showcase, at isang all-expense-paid trip to any Philippine destination.
Bukod pa rito, meron din siyang kontrata sa ABS-CBN's talent-management agency, Star Magic, at sa film production arm ng network na Star Cinema.
At mula noon, sumikat na si Kim bilang Kapamily actress.
Read: Pinoy Big Brother Teen Edition 1 housemates: Where are they now?
